Sa kabila umano ng mga alok na ipasok siya sa rehabilitation center, ilang beses itong tinanggihan ng dating aktor na si John Wayne Sace, ayon sa broadcaster na si Julius Babao.
“Ilang beses namin siyang inalok na magpa-rehab at lumayo sa lugar na kanyang tinitirahan, subalit ilang beses siyang tumatanggi,” sabi pa ni Babao.
Sabi pa ni Babao, bagama’t mahirap ang sitwasyon ni Sace mas mahirap umano ito para sa pamilya ng biktima.
“Tayo po ay nakikiramay sa pamilya ng biktima. Tanging hukuman na lamang ang makakasagot sa mga tanong na naglalaro sa ating mga isipan,” dagdag pa ni Babao.
Matatandaan na inaresto si Sace dahil sa umano’y pamamaril at pagpatay sa isang lalaki sa Pasig City.