It was discovered that Kristel Fulgar is currently rumored to be having problems with her long-term lover (uyen)

Kristel Fulgar reveals she's now in a relationship

Kristel Fulgar (left) and her Korean suitor Su Hyuk Ha (right) are now officially in a relationship.
PHOTO/S: Screengrab Kristel Fulgar on YouTube

May boyfriend na ang actress, singer, at vlogger na si Kristel Fulgar.

Sa wakas ay sinagot na niya ang kanyang Korean suitor na si Su Hyuk Ha, na nagpa-convert na sa kinabibilangang simbahan ni Kristel at ng kanyang pamilya—ang Iglesia Ni Cristo (INC).

Sa vlog sa YouTube ni Kristel nitong Biyernes, November 29, 2024, na may pamagat na “Finally, my first Boyfriend,” ibinahagi niya ang araw na kanilang pinakahihintay—ang pagbibinyag kay Su Hyuk Ha sa Seoul, South Korea, para opisyal na maging miyembro ng INC.

Kristel Fulgar reveals she's now in a relationship

Photo/s: Screengrab Kristel Fulgar on YouTube

Bilang suporta, pinalipad pa ni Kristel ang kanyang ina sa South Korea para masaksihan ang bagong kabanatang kahaharapin ni Su Hyuk Ha sa paglipat nito ng relihiyon.

KRISTEL FULGAR’S TEARS OF JOY

Sa vlog ni Kristel ay mapapanood na habang naghihintay si Su Hyuk Ha na mabinyagan ay taimtim namang nagdasal ang aktres.

Habang nakapikit at nagdarasal ay mapapansin ang pagtulo ng luha ni Kristel, na indikasyon daw ng kanyang labis na kasiyahang sa wakas ay ibinigay ng Diyos ang lalaking matagal na niyang ipinagdarasal.

Nakalagay sa video clip ni Kristel habang siya ay nagdarasal: “Lord God, I believe that You have been preparing the perfect man for me, Your servant, and I trust that You will bring him into my life when I am truly ready to give and receive love.

“Now I stand before You with a heart that is open, willing, and eager to love a man who may become my partner in life. I place my trust in Your perfect timing and guidance.

“Few months later, a man came into my life who is loving, patient, respectful, and willing to share the same religious beliefs as I do.

“Now, I am in church ine more, praying and crying—not with a broken heart, but with a heart full of happiness and deep gratitude.

“For the first time, I truly feel whole, as though I’ve finally found the missing peace of my heart.”

KRISTEL FULGAR SAYS “YES”

Matapos mabinyagan ni Su Hyuk Ha ay nag-celebrate sila ni Kristel sa isang restaurant.

Sa kanilang pag-uwi matapos kumain, dito na naganap ang pinakahihintay ni Su Hyuk Ha — ang tanungin si Kristel kung pumapayag na itong maging kanyang nobya.

Hindi naman na ito pinalampas pa ng aktres nang sagutin niya si Si Hyuk Ha ng “Yes.”

Kristel Fulgar reveals she's now in a relationship

Photo/s: Screengrab Kristel Fulgar on YouTube

Kristel FULGAR on SI HYUK HA’s conversion to INC faith

Simula pa lang ng panliligaw ni Su Hyuk Ha kay Kristel ay naging tapat na ang aktres tungkol sa kagustuhan at patakaran nito tungkol sa kanyang pananampalataya.

Sa ekslusibong panayam ni Kristel sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong February 28, 2024, ipinagtapat niyang noon pa man ay gusto na ng kanyang ina na magkaroon siya ng boyfriend, na kanya nang mapapangasawa.

Saad noon ni Kristel: “Kasi nga, bilang wala pa, parang never pa akong nagka-boyfriend.

“Kaya parang sabi niya [her mother], ‘Ano ba, nale-late ka na, wala ka na sa kalendaryo niyan ng isang araw.’

“So, super okay siya sa idea na mag-entertain na ako, na magpaligaw na ako.

“Pero, isa lang ang parang request niya. Hindi ko siya [Korean suitor] muna talaga puwedeng sagutin hanggang hindi pa siya talaga parang official member ng church namin.”

Ito raw ang isa rin sa dahilan kung bakit napapatagal ang pagsagot ni Kristel kay Su Hyuk Ha.

Aniya, “Kasi INC kasi ako, so kailangan if magkakaroon kami ng someone, or boyfriend or girlfriend, kailangan part ng church namin.

“So ayun, parang nung una, parang kahit gusto ko na siya, somehow nung mga first few months na magkakakilala kami, hindi ko pa masabi na parang hindi ko pa kaya maging fully committed.

“Dahil hindi pa ready. I mean, hindi pa siya… hindi pa siya part ng church.”

Paglilinaw ni Kristel, bagamat nais niyang INC din ang maging nobyo ay hindi naman daw niya pinilit si Su Hyuk Ha na maniwala sa kanyang paniniwala.

Kusa raw itong nagsabi sa kanya na gusto niyang magpa-convert sa INC.

Bagay na labis naman nagpasaya at nagpapanatag kay Kristel.

Pahayag ng aktres, “Noong sinabi niya sa akin na willing naman siya to convert, dun ko na, ‘Yes, willing pala siya.’

“And then, nung nakita ko talaga na, ngayon kasi naka-process na siya, hindi kasi… Sa church kasi namin, hindi siya basta-basta puwedeng pumasok.

“It will take time, it will take months.

“So, nasa process siya ngayon, and yun lang din yung hinihintay ko para masagot ko na siya.”

 

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News