Influencer hides death of twin sister from grandparents (nuna)

Photo of Annie Niu and her twin sister

Hindi maunawaan ng netizens kung bakit inilihim ng influencer sa kanyang grandparents ang pagkamatay ng kakambal. Paliwanag naman niya, “You can’t guarantee they wouldn’t die when being told the sad news.” (Photos: @annie_niu on TikTok) 

Sa loob ng limang taon, nagpanggap ang influencer na si Annie Niu na siya ang kanyang kakambal na namatay sanhi ng meningitis.

Annie Niu's 2022 video

Ang screenshot ng TikTok video ni Annie Niu nang i-share niyang hindi alam ng kanyang grandparents na wala na ang kanyang kakambal. Photo: @annie_niu on TikTok

Noong December 2022, sa isang TikTok video, sinabi niyang ito ang napagdesiyunan nila ng kanyang ama.

Kaya tuwing may mahalagang okasyon tulad ng Christmas at New Year, tumatawag siya sa kanyang lolo at lola, at sinasabing siya ang kakambal ni Annie.

INFLUENCER IBINUNYAG ANG LIHIM SA NAKARATAY NA LOLA

Nitong December 13, 2024, sa panibagong video, ipinakita kung paano isiniwalat ang lihim sa maysakit na lola.

Ang caption ng post niya sa TikTok: “You finally told your family that your twin sister passed away five years ago.”

Nangyari ito noong July, habang nakaratay ang kanyang lola at naghihintay na lang ng takdang oras.

Masakit aniya ang mga sumunod na nangyari: “They took down every single photo that had her in it [which is pretty much every photo in the house].”

Hindi maintindihan ni Annie kung bakit tinanggal ng kanyang mga tiyahin ang naka-display na larawan nila ng kanyang kambal sa bahay ng grandparents.

“So, imagine my surprise when I take my kids to go visit my grandpa and I look on the walls and none of our photos are there.”

Annie Niu's 2024 video

Ang screenshot ng video ni Annie Niu noong ipinagtapat na nila sa kanyang lola na wala na ang kanyang kakambal.

Bakit nga ba nila inilihim ang pagkamatay ng kanyang kambal?

Aniya: “I didn’t tell my grandparents and my extended family that my sister passed away.

“It was my dad’s decision.

“This past July, my grandma passed away and, on her deathbed, my dad told her that my sister passed away and that she’s waiting for her on the other side.”

Hinuha ni Annie kung bakit hindi agad ipinagtapat iyon ng ama sa kanyang grandparents, “I think it’s because he didn’t want to withhold this information, but he also didn’t want to cause them any heartbreak.

“And, God forbid, they’re 92, something happens.”

NETIZENS NAGTAKA SA DESISYON NG INFLUENCER

Photo of Annie Niu and her twin sister

Ang larawan nina Annie Niu at ng kanyang kakambal. Photo: @annie_niu on TikTok

May nagtanong naman sa comments section ng: “Didn’t they ask where she was for five years?”

Paliwanag ni Annie:

“My grandparents basically raised me and my sister, so, we were very close to them and we’re probably going to just continuously make up excuses for why she isn’t visiting them.

“I dream about her almost every single night, so I treat it as I’m spending half of my life with her still, because I see her every night.”

Sinabi rin niya sa kanyang 2022 video na karaniwan at bahagi ng Asian culture na iwasang ipaalam sa mga matatandang kapamilya kapag may hindi magandang balitang nangyari sa isang kamag-anak.

Aniya, “You can’t guarantee they wouldn’t die when being told the sad news.”

Kaya hanggang ngayon, hindi pa rin alam ng kanyang grandfather na wala na ang kanyang kakambal.

INFLUENCER NAUNAWAAN NG ILANG NETIZENS

Ang video ni Annie ay nakakuha na ng 7M views, 418K reactions, at 1,214 comments.

Maraming netizens ang nakisimpatya sa desisyon nilang mag-ama.

Ayon sa isang nagkomento, “We never told my grandma her sister died, so, I get it girl.

“I get it completely. In a way I’m glad I didn’t have to tell her.”

Sambit naman ng isa pa, “You protected them from pain for a long while.

“I hope you feel lighter after finally letting go of that heavy emotional load.”

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News