
Mukhang hindi pa nagtatapos ang pambabatikos ni BB Gandanghari, dating kilala bilang action star na si Rustom Padilla, kay Vice Ganda.
Binalikan ng ilang mga netizens ang naganap na palitan ng maanghang na pahayag sa pagitan nina Vice Ganda at BB Gandanghari noong kakasimula pa lamang ng komedyanteng si Vice Ganda sa industriya.
Sa isang live stream sa social media account ni BB Gandanghari sinagot niya ang ilang mga kritisismo ni Vice Ganda laban sa kanyang pag-aaral ng modeling sa edad na 40 years old.
Matatandaan na nagbigay ng komento noon si Vice Ganda tungkol sa desisyon ni BB Gandanghari bago mag-aral ng modeling sa ibang bansa. Tinanong pa ni Vice Ganda kung bakit nagpursige pa ito na pumasok sa fashion scene sa kabila ng pagiging matanda na.
“Nag modeling school sa new york yata, bakit mag momodela? Ngayon siya magmo-modeling nasa 40s diba medyo may edad na,” saad ni Vice Ganda para sa desisyon ni BB Gandanghari.
Samantala, matapos ang matagal na pananahimik nagbigay na ng pahayag si BB Gandanghari sa pambabanat ni Vice Ganda sa kanya at sa kanyang desisyon.
Binanatan din niya ang komedyante na hindi nito deserve na tawaging ‘ganda’ dahil wala namang maganda rito.
“Any term na ganda shouldn’t be related to him, kasi walang maganda sa kanya, hindi ako nangunguyta, but really, base sa mga napapanood ko at nakikita ko, minus the wig, honestly maganda ‘yung wig, walang maganda,” saad ng dating action star.
“So hindi siya si Vice Ganda, from now on, we shall call this person Vice Tanda, siya si Vice Tanda,” dagdag pa ni BB Gandanghari.
Maging ang pagtawag umano kay Vice Ganda na ‘kabayo’ ay hindi rin niya gagawin dahil mahal niya ang mga kabayo.
“There’s a time to be quiet, and there’s a time to speak. And I think, it’s time to speak … ‘Yan ‘yung mga sinasabi ko noon na tinatanggap ng isang indibidwal na kagaya ko, who happens to be transgender, and unfortunately it is coming from the LGBTQ community!,” sabi ni BB.
“E kung babalikan n’yo ‘yung panahon na ‘yan, hindi pa siya Vice Ganda niyan. Sumasakay, kasi ito yung panahon na ang balita, ang sensation noon si BB Gandanghari. ‘Yan ‘yung sumasakay, at gumamit ng mga hurtful words.”
“Walang pinagkaiba sa mga haters, sa mga trollers. Isa naman siya dun, doon siya nanggaling, ‘yun ang ikinasikat niya. Ako ang itinroll niya, at ngayon, magmamaganda!”
Nang maitanong naman sa kanya ng ilang fans kung bakit niya binabanatan ngayon si Vice Ganda matapos ang ilang taon na nakalipas mula ng banatan siya noon ng huli.
“Ayaw mong tanggapin ang pagkababae ko, kukuwestyunin mo. Eh, wala ka naman palang sense. Masuwerte ka at sumikat ka, dahil bobita ka, `yun lang ang masasabi ko sa’yo,” saad pa ni BB Gandanghari.
“Anong ibig mong sabihin na ang pagiging babae ay sinasarili? Ano parang ikaw? Pagdating mo sa kwarto ay naka-bra ka gano’n? Ipokrita,” dagdag pa nito.
Samantala ang naging pahayag na ito ni BB Gandanghari ay noon pang 2020 nangyari.
Gayunpaman, hindi pa rin malinaw hanggang ngayon kung nagkaayos na ba ang dalawa.
News
Lumabas sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa screening ng pelikulang ‘And the Breadwinner Is’ na marami pang bagay na dapat ibunyag….. (nuna)
Kim Chiu and Paulo Avelino made the rounds on social media after being spotted at the blocking screening for “And the Breadwinner Is…” Kim Chiu at Paulo Avelino, spotted sa block screening ng ‘And the Breadwinner Is’ (@annecurtissmith, @chinitaprincess) Source:…
Boy Abunda, humiling na huwag husgahan sina Bea Alonzo at Dominic Roque sa kanilang breakup (nuna)
Umapela ang King of Talk na si Boy Abunda sa publiko na pairalin ang kabutihan at huwag husgahan sina Bea Alonzo at Dominic Roque matapos na maghiwalay ang dalawa.Dahil sa panibagong kabiguan sa pakikipagrelasyon ni Bea, sinabi ni Tito Boy…
Sunshine Cruz, Atong Ang kissing video goes viral (nuna)
Atong Ang at Sunshine Cruz A kissing video of actress Sunshine Cruz and businessman Atong Ang went viral on social media. In a video uploaded on TikTok, Sunshine was seen kissing Atong while in an unknown cockpit arena. It can…
Denise Julia Responds to BJ Pascual’s Accusations of Canceling a Photoshoot (nuna)
R&B singer Denise Julia (left) speaks up after celebrity photographer BJ Pascual (right) named her as the “worst celebrity/model to shoot.” PHOTO/S: Instagram / YouTube Sumagot na ang R&B singer na si Denise Julia sa mga akusasyon sa kanya ng…
KC hopes relationship with mom Sharon will be “ok” soon (nuna)
KC Concepcion (left) on mom Sharon Cuneta (right): “Christmas will always be about love, laughter, and time with family for me… ending the year right with a conversation between Mama and I. She always makes the holidays extra magical and…
Julia Barretto thinks it’s okay to walk away from this situation (nuna)
Julia Barretto on trusting the people closest to her: “I feel like yung mga nasa paligid namin, that stood the test of time. Kumbaga, parang napatunayan na ang loyalty, and parang good naman para sa amin, so far masaya naman…
End of content
No more pages to load