Walang tigil ang pagbuhos ng blessings para kay Kim Chiu na ngayon ay calendar girl na ng Tanduay.
Ito’y dahil may panibago na namang mga endorsement ang Chinita Princess bukod pa sa bonggang paglulunsad kay Kim bilang bagong calendar girl ng Tanduay.
Kagabi ay kumalat ang mga seksing larawan ni Kim bilang calendar girl ng naturang brand ng alak.
Sa kanyang Instagram, unang ibinahagi ni Kim ang kanyang mga seksing larawan.
“Meet your newest Tanduay Calendar Girl,” ayon sa post ni Kim.
Nauna rito, endorser na rin si Kim ng isang brand ng biscuit kung saan kasama nito ang kanyang “It’s Showtime” family na sina Jhong Hilario, Darren Espanto at ang itinuturing na ‘dyosa’ na si Anne Curtis.
Sey ng mga faney ni Kim:
“Another blessing,, congratulations Kimmy.”
“Wow new endorsements for Kimmy … 🙌🙌 umaaPau blessings… congratulations Kimmy.”
“Congratulations Kimmy, iba Siya hehehehe umuulan Ng blessings.”
https://www.instagram.com/p/DCmCFUZvZ_Z/?img_index=1