May be an image of 2 people and text

Ibang level na ang hatid na kilig nina Paulo Avelino at Kim Chiu—may mga regalo na ang aktor sa kanyang leading lady sa “What’s Wrong With Secretary Kim.”

Lalong nag-umapaw sa kilig ang KimPau fans matapos mabatid na may mga special gifts si Paulo Avelino kay Kim Chiu.

Mismong si Kim ang nagtsika na may mga niregalo sa kanya si Paulo.

“May notebook kasi ako na sinusulatan ko ng emotional journey ng character ko, tapos pinupuno ko siya ta’s tsaka ko siya papalitan. Tapos ‘yung nakita niya ‘yung notebook ko, gamit ko pa ‘yun no’ng ‘Fit Check’, ‘Linlang’, tapos umabot pa ng ‘Secretary Kim’, eh puno na siya, sabi niya, ‘’Wag ka na bumili ng notebook, ako na bibili ng notebook sa susunod mong notebook.’

“So binigyan niya ako ng apat na notebook,” pahayag ni Kim sa isang interview ng ABS-CBN.

But wait there’s more dahil hindi lamang notebooks ang binigay ni Paulo kay Kim.

Bukod sa notebooks, binigyan din ni Paulo si Kim ng taping chair para mas maging komportable ang aktres.

“Bumili rin siya ng taping chair tapos ang comfy,” kuwento pa ni Kim.

Ayon naman kay Paulo, nakita niyang sira na ang chair ni Kim kaya niya ito ibinili ng kapalit.

“Kasi sira-sira na rin ang chair niya kasi parang maliit sa kanya. So, sige bigyan ko nga si Kim,” paliwanag naman ni Paulo.