May be an image of 6 people and text
Maraming humanga kay Kim dahil marunong daw itong tumanaw ng utang na loob. Ito’y matapos pasalamatan ni Kim at tanawin ang mga naitulong sa kanya ni Direk Lauren Dyogi bilang pagbati sa kaarawan nito.

Puno ng pasasalamat at pagtanaw ng utang na loob ang pagbati ni Kim Chiu kay Direk Lauren Dyogi sa kaarawan nito.

Naging malapit si Kim kay Direk Lauren dahil sa ‘Pinoy Big Brother Teen Edition’ kung saan siya nanalo at naging artista.

“HAPPY BIRTHDAY to the tatay ng  bayan @direklauren. Direk I always say this to you but di ako mapapagod magpasalamat sayo ng paulit ulit! Looking back you are the first person who believed in me from chinese cutie ng Cebu to who I am now, you always have my back!❤️🙏🏻 And I am very much thankful for that,” ayon sa post ni Kim sa kanyang IG account.

“Lagi mo pinapaalala sakin na “kaya mo yan!” Whenever I hear your voice kumakalma ako and parang may feeling na secured ako. I guess lahat ng nakakausap mo direk ganito din nararamdaman nila. Hihi I am thankful for you direk in so many ways, wish ko sa inyo to have good health always, e guide and e protect kayo ni Papa God in everything that you do.❤”

Hindi naman naiwasang ikumpara ng ilang netizens si Kim sa ibang artista na hindi marunong magpasalamat at tumanaw ng utang na loob sa mga taong naging daan ng kanilang pagsikat.

Sey tuloy ng ilang followers ni Kim:

“Kim is always grateful kaya nman ulan ulan ang blessings.”

“Si Kim ang totoong GRATEFUL sa mga taong sumusuporta sa kanya at hindi nakakalimot! At marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan. Di tulad ng iba dyan!”

“Bring grateful is a wonderful trait!”

Well, si Hope Soberano ba ang pinatatamaan ng mga fan ni Kim?