
Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang isyung may pasimpleng patama umano ang TV-host, actress na si Kim Chiu kay Janella Salvador sa kamakailang episode ng It’s Showtime na may kaugnayan sa pagtanggi ni Janella sa request ni Kim Chiu na sample.
Matatandaan na idinahilan ni Janella Salvador ang pagiging paos kaya hindi siya umano maaring magsample kaya si Kim Chiu at ibang mga It’s Showtime hosts na lamang ang kumanta.
Sa nagdaang episode ng It’s Showtime, naging guest ang dalawang Kapamilya stars na sina Alexa Ilacad at KD Estrada.
Katulad kay Janella, ipinopromote din ng dalawa ang kanilang upcoming concert. Dahil sa alam naman ng lahat na isang singer si Alexa at dahil concert naman nila ang ipinopromote humiling ang It’s Showtime host na si Kim Chiu ng sample.
Kaagad na napansin ng maraming mga netizens ang boses ni Kim Chiu sa pagrerequest ng sample dahil hindi ginamit ng aktres ang kanyang normal na boses, lumalabas na tila may inaasar siya sa kanyang request.
Kahit tila pang-asar ang tono ni Kim Chiu ay pinagbigyan naman ito ni Alexa Ilacad.
Pagkatapos ng kanta ni Alexa ay kaagad naman itong pinuri ni Kim Chiu na parang isang Disney Princess.
Samantala, hindi naman napigilan ng ilang mga netizens na iugnay ang pagrequest ngayon ni Kim Chiu kay Alexa Ilacad sa pagtanggi noon ni Janella Salvador na magbigay ng sample dahil sa pagiging paos.
Matatandaan na nagbangayan noon ang mga tagahanga nina Janella Salvador at Kim Chiu dahil sa pagtanggi ni Janella na tila pambabastos umano kay Kim Chiu at pamamahiya.
Sa ginawa naman ngayon ni Kim Chiu marami ang nagsasabi na nagpapaka-childish na naman si Kim Chiu dahil tila hindi pa umano nito binibitawan ang naging isyu noon kay Janella Salvador.
Hindi nagustuhan ng marami ang pananahimik ni Kim Chiu sa naging isyu noon ni Janella Salvador kung saan labis itong nakatanggap ng pambabatikos, kung saan nadadamay na rin ang anak nito.
Tila dinagdagan pa umano ito ngayon ni Kim Chiu sa pang-aasar niya kay Janella gamit ang pagbisita nina Alexa Ilacad at KD Estrada.
Sa kabilang banda, naging malinaw naman ang naging pahayag noon ni Janella Salvador kung saan inilahad niya na wala naman siyang intensyon na i-offend si Kim Chiu sa nangyari.
News
Lumabas sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa screening ng pelikulang ‘And the Breadwinner Is’ na marami pang bagay na dapat ibunyag….. (nuna)
Kim Chiu and Paulo Avelino made the rounds on social media after being spotted at the blocking screening for “And the Breadwinner Is…” Kim Chiu at Paulo Avelino, spotted sa block screening ng ‘And the Breadwinner Is’ (@annecurtissmith, @chinitaprincess) Source:…
Boy Abunda, humiling na huwag husgahan sina Bea Alonzo at Dominic Roque sa kanilang breakup (nuna)
Umapela ang King of Talk na si Boy Abunda sa publiko na pairalin ang kabutihan at huwag husgahan sina Bea Alonzo at Dominic Roque matapos na maghiwalay ang dalawa.Dahil sa panibagong kabiguan sa pakikipagrelasyon ni Bea, sinabi ni Tito Boy…
Sunshine Cruz, Atong Ang kissing video goes viral (nuna)
Atong Ang at Sunshine Cruz A kissing video of actress Sunshine Cruz and businessman Atong Ang went viral on social media. In a video uploaded on TikTok, Sunshine was seen kissing Atong while in an unknown cockpit arena. It can…
Denise Julia Responds to BJ Pascual’s Accusations of Canceling a Photoshoot (nuna)
R&B singer Denise Julia (left) speaks up after celebrity photographer BJ Pascual (right) named her as the “worst celebrity/model to shoot.” PHOTO/S: Instagram / YouTube Sumagot na ang R&B singer na si Denise Julia sa mga akusasyon sa kanya ng…
KC hopes relationship with mom Sharon will be “ok” soon (nuna)
KC Concepcion (left) on mom Sharon Cuneta (right): “Christmas will always be about love, laughter, and time with family for meβ¦ ending the year right with a conversation between Mama and I. She always makes the holidays extra magical and…
Julia Barretto thinks it’s okay to walk away from this situation (nuna)
Julia Barretto on trusting the people closest to her: “I feel like yung mga nasa paligid namin, that stood the test of time. Kumbaga, parang napatunayan na ang loyalty, and parang good naman para sa amin, so far masaya naman…
End of content
No more pages to load