Hello, Love, Again, starring Kathryn Bernardo and Alden Richards and directed by Cathy Garcia-Sampana, continues to break box-office records in the Philippines and even in U.S. and Canada.
PHOTO/S: Star Cinema
“More joy to the world!” ang sabi ng ABS-CBN Star Cinema at GMA Pictures nitong Nobyembre 18, Lunes ng gabi, sa socmed.
1,100 sinehan na kasi ang pinagpapalabasan worldwide ng reunion movie nina Joy (Kathryn Bernardo) at Ethan (Alden Richards) na Hello, Love, Again (HLA).
“Celebrate love and finding your home in theaters today!” paanyaya pa ng producers ng nasabing pelikula, na on track kabugin ang Rewind bilang highest-grossing Filipino film sa kasaysayan (hindi adjusted sa inflation).
Ibinalita ni Patricia Tumulak sa 24 Oras na as of November 18, Monday, 6:00 P.M. ay nasa PHP520M na ang kinita ng HLA sa Pilipinas.
Sa email na ipinadala ng ABS-CBN Corp. Comm. ngayong Nobyembre 19, Martes, ibinalitang PHP566M ang kabuuang kita ng Hello, Love, Goodbye sa anim na araw (Nobyembre 13-18, Miyerkules hanggang Lunes) sa bansa.
Bahagi ng kita ng pelikula ay mapupunta sa pagtulong sa mga nasalanta ng Bagyong Pepito.
HELLO, LOVE, AGAIN INTERNATIONAL SCREENING
Noong Nobyembre 14, Huwebes, ay nag-umpisa na ang international screenings ng KathDen movie na unang collaboration ng ABS-CBN Star Cinema at GMA Pictures.
Nobyembre 14, Huwebes, ito nag-umpisang ipalabas sa Australia (33 sinehan) at New Zealand (8 sinehan).
Nobyembre 15, Biyernes, nagsimulang ipalabas ang Hello, Love, Again sa 248 sinehan sa North America, maging sa Saipan at Guam.
Nobyembre 16 at 17 ipinalabas ang Hello, Love, Again sa London at Machester sa United Kingdom.
Kasado na ang special screenings nito sa iba pang mga bansa sa Europa, kabilang ang Finland (Helsinki, Turku), Ireland (Dublin, Cork), Italy (Milan, Parma, Rome, Bologna), at Malta (St. Julians, Fgura).
Nobyembre 21, Miyerkules, maghe-hello ang KathDen reunion movie sa UAE, Oman, Qatar, KSA, Bahrain, at Kuwait.
Nobyembre 24, Linggo, ang umpisa ng showing ng HLA sa Hong Kong at Macau.
Nobyembre 28, Huwebes, ang simula ng screenings sa mga sinehan ng Singapore at Malaysia.
Bago matapos ang buwan ay inaasahang mapapanood na rin ang KathDen movie sa Cambodia.
HELLO, LOVE, AGAIN ESTIMATED WEEKEND GROSS IN NORTH AMERICA
Ngayong Nobyembre 18, Martes ng 3:30 P.M. (Manila time), as we write this ay ESTIMATED pa rin lang ang weekend gross (November 15-17, 2024) ng Hello, Love, Again sa North America na nakalagay sa Top 10 ng Box Office Mojo.
Noong Nobyembre 15, Biyernes, na first day ng HLA sa 248 sinehan sa North America, pumuwesto ito sa No. 6 with estimated gross of $930,000.
Noong Nobyembre 16, Sabado, ay nasa pansiyam na puwesto ang HLA with estimated gross of $846,000. Bumaba ng 9 percent.
At noong Nobyembre 17, Linggo, ay pumuwesto sa pangwalo ang HLA with estimated gross of $550,000, bale bumaba ng 35 percent.
Pinakamalakas ito sa North America ay noong first day nito.
Ang Red One at ang Hello, Love, Again ang dalawang bagong pelikula sa Top 10 (Domestic 2024 Weekend 46) ng mga sinehan ng USA at Canada.
Ang Top 10 nitong Nobyembre 15-17, 2024 sa takilya ng North America, at ang weekend gross ng mga iyon:
- Red One, $32.1M
Venom: The Last Dance, $7.3M
The Best Christmas Pageant Ever, $5.25M
Heretic, $5.17M
The Wild Robot, $4.2M
Smile 2, $2.9M
Conclave, $2.8M
Hello, Love, Again, $2.326M (estimated gross)
A Real Pain, $2.229M
Anora, $1.76M
FIRST FILIPINO FILM TO ENTER TOP 10 OF NORTH AMERICA BOX OFFICE
Itong Hello, Love, Again ay ni-release ng Abramorama in partnership with AJMC (Amorette Jones Media Consulting) sa North America.
Widest ever ang pag-release nito sa 248 locations across U.S. and Canada.
Itong Hello, Love, Again ang first Filipino film na pumasok sa Top 10.
Interesting kung sa susunod na weekend, Nobyembre 22-24, ay nasa Top 10 pa ito, considering na magpapayanig na sa takilya ng North America ang tentpole movies na Wicked at Gladiator II.
At sa Nobyembre 27, Miyerkules, ay wide release na sa North America ng isa pang tentpole movie, ang Moana 2.
Ibinalita ng Star Cinema ngayong Nobyembre 19, Martes ng 2:28 P.M. (Manila time), na nasa U.S. na ang KathDen.
Dadalo sina Kathryn at Alden sa Asian World Film Festival kung saan magsisilbing closing film ang Hello, Love, Again sa Nobyembre 20, Miyerkules ng 7:30 P.M., sa Auditorium #1 ng The Culver Theater sa Culver City, California.
May Q&A kaugnay sa nasabing screening.
Facebook post ng Hollywood-based na si Oliver Carnay, SOLD OUT na ang nasabing screening.
Babatiin daw nina Kathryn at Alden ang fans na nasa harapan ng sinehan bago ang screening, kaya dapat andoon by 6:00 P.M. ang mga gustong masilayan ang KathDen.
Ang mensahe ni Kathryn na in-email ng ABS-CBN Corp. Comm. kaugnay sa tagumpay ng Hello, Love, Again, “We’re so blessed because binigyan ng mga tao ng chance yung pelikula namin at lahat ng nare-receive namin parang wala na kaming mahihiling pa.”
Pahayag naman ni Alden, “Maraming salamat sa pagmamahal at suporta na binibigay niyo sa amin at sa pelikula.
“No words can express how grateful we are for the turnout and we’re very happy na maraming naka-appreciate nito.”
News
hot news : GMA-7 brims with thanks in Christmas station ID 2024 (uyen)
(L-R) Jessica Soho with Dingdong Dantes, Marian Rivera share a heartwarming moment at GMA-7 Christmas station ID 2024. PHOTO/S: GMA Corporate Communications GMA Network celebrates the Christmas season with its 2024 Christmas Station ID, Ganito Ang Paskong Pinoy: Puno ng Pasasalamat….
shocking news : Gee Canlas, Archie Alemania’s wife, posts cryptic quote (uyen)
Archie Alemania’s (left) wife Gee Canlas (right) breaks silence, by posting a cryptic quote on Instagram, after Rita Daniela (not in photo) filed acts of lasciviousness complaint against the actor. PHOTO/S: Gee Canlas on Instagram May pinatutungkulan ba si Gee…
bearking news : Krishnah Gravidez recalls first encounter with Janine Gutierrez (uyen)
Miss World Philippines 2024 Krishnah Gravidez (left) fangirls over Janine Gutierrez (right) five years after their first meeting at a fast food restaurant: “Ms. Janine, you may not remember our first encounter, but you spoke LIFE to me. Thank you….
shocking news :Pinky Amador recalls being reprimanded by Direk Joel Lamangan (uyen)
Pinky Amador thinks pakikisama is more important than talent to stay longer in showbiz. She explains, “Sa pakikisama. I think, talent is a dime a dozen. It’s pakikisama. At saka siyempre, alam mo naman, laking-teatro ako. So, nandoon talaga yung…
HOT: Coco Martin Nagsalita Na Sa Pagtupad Ng Hiling ni Gina Pareño (uyen)
Tila handang tuparin ni Coco Martin, ang lead actor at direktor ng *FPJ’s Batang Quiapo*, ang hiling ng batikang aktres na si Gina Pareño na muling makabalik sa mundo ng pag-arte. Sa isang ulat ng ABS-CBN News noong Nobyembre 5,…
Vice Ganda has already spoken about Jackie’s PREGNANCY with HIS HUSBAND, Ion Perez (SKDA)
Many netizens are asking and waiting for confirmation on this news, which immediately caused a stir on social media. Because of this, Vice Ganda, who is a close friend of Ion Perez and Jackie’s co-host in the program, spoke. In…
End of content
No more pages to load