Jasmine Curtis-Smith feels proud having personally seen John Lloyd Cruz being his simple, down-to-earth self during one of their shoots in Pampanga. She says, “I’m grateful na-experience ko yung simple, real self niya.”
PHOTO/S: @jascurtissmith on Instagram
Sa kanilang pagsasama sa pelikulang Moneyslapper na bahagi ng QCinema International Film Festival, natutunan ni Jasmine Curtis-Smith kay John Lloyd Cruz kung paano “magpakatotoo.”
Lahad ni Jasmine sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Magpakatotoo ka talaga pagdating sa pagtatrabaho mo.
“Kasi I think sa tagal niya rin sa industriya, he really knows what he wants to get out of the industry now, at this stage of his career.”
Paliwanag pa ng aktres, “And ako napapansin ko, I’m very lucky. Kasi early on ko yun na-discover sa sarili ko and sa career ko din, so iyon yung mas gusto ko ding bigyan ng pansin, ng oras, ng effort.
“Kasi lahat na ng aspeto ng industriya natin meron na siyang sariling spotlight, meron na siyang sariling movements.
“So, actually, hindi na tulad noon na iyon nga, kapagka sa pelikula di ba bihira mapanood ang indie.
“Pero ngayon, tingnan mo naman, he’s also investing in an indie film.”
Nakangiti pang pahayag ni Jasmine tungkol kay John Lloyd, “He’s one of the producers of the film. So iyon yung aking pinakanatutunan talaga.
“If you want to look for a film like that, gusto mong magkaroon ng pelikulang ganun, why not gawin mo?
“Why not you produce it?”
Kumusta bilang producer si John Lloyd?
“Actually, hindi ko masyadong naramdaman, e,” ang nakangiting pakli ni Jasmine.
Mas nag-uusap daw bilang producer sina John Lloyd at Bor Ocampo, ang direktor ng Moneyslapper.
Moneyslapper
Photo/s: Movie Poster
jasmine on john lloyd BEING DOWN-TO-EARTH
May mga nagsasabi na may pagka-malalim si John Lloyd bilang isang artist. Naranasan o naramdaman ba ito ni Jasmine habang ginagawa nila ang pelikula?
Napaisip muna si Jasmine bago sinabing, “Oo… I think so naman. I think, well I think na-experience ko yung tunay na pagkatao niya.
“I mean merong isang gabi noon na going back from the set, we were able to pass by, malapit lang sa amin, nakita ko siya na kumakain ng pares sa tapat ng 7-Eleven somewhere.
“Yung may cart lang. So sabi ko, ‘Parang nainggit naman ako ng ganun!’
“Ang sarap, it’s 11 P.M., walang tao, nasa Pampanga kami, tapos walang may kakilala sa kanya, so nainggit ako, sumali ako sa kanya!
“Bumaba ako from my car tapos naglakad na lang kami pabalik ng hotel.
“So it’s more of yung mga ganung small moments, like I guess in-expect ng mga tao na sosyal siya, magarbo siya, being the John Lloyd Cruz na status niya.
“Pero ako I’m grateful na-experience ko yung simple, real self niya.”
Ang Moneyslapper ay kalahok sa QCinema 12 film festival na gaganapin mula November 8 to 17, 2024.
Mapapanood ang mga pelikula sa mga piling sinehan tulad ng Gateway Cineplex 18, Ayala Malls Cinema sa TriNoma, Red Carpet sa Shangri-La Plaza, at Powerplant Mall.
Bukod sa Moneyslapper ay patuloy na napapanood si Jasmine sa Kapuso drama series na Asawa Ng Asawa Ko.
jasmine curtis-smith on marriage, babies
Natanong naman si Jasmine kung ano ang reaksiyon ng boyfriend niyang si Jeff Ortega sa love scene sila ni John Lloyd sa Moneyslapper.
“Wala naman,” pakli ni Jasmine. “Actually, pagdating sa mga ganun, nage-gets na rin niya, e… na part talaga iyon ng work ko.
“And he knows also that I choose the projects or the stories na pagka may ganun, di ba?
“Kasi minsan din we also have to, I guess, screen it for ourselves kapag may ganun ka nang advantage.”
Inamin naman ni Jasmine na napag-uusapan na nila ni Jeff ang tungkol sa pagpapakasal.
“Always,” bulalas ni Jasmine. “Pero wala pa kaming mga ano, ha? Wala pa yung mga date, mga ano, wala pa.””
Hindi ba siya naiinggit sa ate niyang si Anne Curtis na may anak na?
Si Dahlia Amelie, ang anak nina Anne at Erwan Heussaff, ay four years old na.
“Of course! Pero parang, pag naiinggit ako naka-catch ko rin yung sarili ko, ‘Okay na pala ako sa aso at pusa!’
“Kasi at least uuwi na lang ako di ba, walang magte-text sa akin ng ‘Mommy, I need allowance.’
“Wala pa naman sa ganun si Dahlia pero,” at tumawa si Jasmine.
jasmine curtis-smith on rumored anne-erwan split
Tinanong naman namin si Jasmine, bakit siya nadamay sa hiwalayan diumano nina Anne at Erwan na fake news naman pala?
“Hay naku, hindi ko rin alam sa kanilang lahat,” at muling natawa si Jasmine.
“Saan ba iyon nanggaling, hindi pa tapos hanggang ngayon?”
Ano ang naging reaksyon niya sa pandadamay sa kanya?
“Well, kasi yung una kong nakita is hiwalay na daw. So nung doon pa lang, ‘Sige.’
“Deadma naman kami sa mga ganyan. And then nung nasama na ako, ‘Ha?!’
“Parang nag-e-evolve, parang Pokemon ito, ang daming nagbabago!
“E, magkasama kami ni Ate noon sa Australia, so sabi ko, ‘Okay perfect timing to show that we’re together.’
“I mean not kailangan naming mag-respond but I thought I’ll just say something sa Facebook na, ‘We’re all together and we’re all happy!’
“Sana ma-gets na nila yun na walang ganung klaseng eksena.”
Maging si Anne raw ay tawa lang nang tawa sa isyu.
Ano naman ang reaksiyon ni Erwan?
“Wala, pare-pareho lang kami na, ‘Ha?! What is happening?’
“Kasi pagkatapos din nun we’re all together, nagdi-dinner.
“I guess you know, people also don’t see kasi pagka magkakasama kami, hindi din naman namin lagi pino-post ni Ate, nila Erwan kaya hindi rin nakikita pagka we’re all bonding.”
moneyslapper part of qcinema international film festival
Ang Moneyslapper ay pinagbibidahan nina Jasmine Curtis-Smith at John Lloyd Cruz, na producer din ng pelikula. Ito ay sa direksyon ni Bor Ocampo.
Isa ito sa mga kalahok sa ika-12 edisyon ng QCinema International Film Festival, na may temang “The Gaze.”
Kaabang-abang ang lineup kung saan tampok ang 77 pelikula na kinabibilangan ng 22 shorts at 55 full-length features sa iba’t ibang kategorya.
Sa kauna-unahang pagkakataon, apat na short films na produkto ng Directors’ Factory Philippines ang magbubukas ng filmfest.
Ang Directors’ Factory Philippines ay isang omnibus film project na nagsimula sa Cannes Directors’ Fortnight at ipinalabas sa 77th Cannes Film Festival noong Mayo 2024.
Ang apat na shorts ay ang Walay Balay, na idinirehe nina Eve Baswel mula sa Pilipinas at Gogularaajan Rajendran mula Malaysia; Nightbirds, na pinamahalaan nina Maria Estela Paiso mula sa Pilipinas at Ashok Vish mula sa India; Silig, na kolaborasyon nina Arvin Belarmino ng Pilipinas at Lomorpich Rithy (aka YoKi) ng Cambodia; at Cold Cut, na obra nina Don Eblahan ng Pilipinas at Tan Siyou ng Singapore.
Magtutunggali naman sa QCShorts International category ang Alaga ni Nicole Rosacay, Kinakausap ni Celso ang Diyos ni Gilb Baldoza, Refrain ni Joseph Dominic Cruz, RAMPAGE! (o ang parada) ni Kukay Bautista Zinampan, Supermassive Heavenly Body ni Sam Villa-Real, at Water Sports ni Whammy Alcazaren.
Ang Southeast Asian contenders naman ay kinabibilangan ng Are We Still Friends? ni Al Ridwan (Indonesia), Here We Are ni Chanasorn Chaikitiporn (Thailand), In the Name of Love I Will Punish You ni Exsell Rabbani (Indonesia), Peaceland ni Ekin Kee Charles (Malaysia), Saigon Kiss ni Hông Anh Nguyên (Vietnam/Australia/Germany), at ang Locarno-winning film na WAShhh ni Mickey Lai (Malaysia/Ireland).
Tatlo namang Cannes Queer Palm nominees ang mapapanood sa LGBTQA+ section na Rainbow QC.
Ito ay ang Baby ni Marcelo Caetano, The Balconettes ni Noémie Merlant, at My Sunshine ni Hiroshi Okuyama.
Ang dalawa pang kukumpleto ng line up ay ang Pooja, Sir ni Deepak Rauniyar mula sa Venice Orizzonti, at Sebastian ni Mikko Mäkelä na naging kalahok sa Sundance World Dramatic Competition.
Sa New Horizons section naman ay di dapat kaligtaan ang Blue Sun Palace ni Constance Tsang; Cu Li Never Cries ni Pham Ngoc Lân, na nanalong Best First Feature sa Berlin; Santosh ni Sandhya Suri, na entry ng United Kingdom for Best International Feature Film at the 97th Academy Awards; The Major Tones ni Ingrid Pokropek; at Toxic ni Saule Bliuvaite, na Locarno Golden Leopard awardee.
Tampok din sa Screen International ang Afternoons of Solitude ni Albert Serra, When Fall is Coming ni François Ozon, at All We Imagine as Light ni Payal Kapadia.
Kabilang din ang award-winning films na Grand Tour ni Miguel Gomes, na entry ng Portugal sa 97th Academy Awards; ang Critics’ Week section Grand Prize winner na Simon of the Mountain ni Federico Luis; at ang Palme d’Or winner na Anora ni Sean Baker.
First time ding mapapanood sa bansa ang Phantosmia ni Lav Diaz; The End ni Joshua Oppenheimer; The Count of Monte Cristo nina Alexandre de la Patellièr at Matthieu Delaporte; at ang Venice Golden Lion winner na The Room Next Door ni Pedro Almodóvar.
Apat pang sections ang ilulunsad ngayong taon: ang QCLokal, Rediscovery, Contemporary Italian Cinema, at QCinema Selects.
Tampok sa QCLokal section ang Room in a Crowd ni John Torres at Makamisa: Phantasm of Revenge ni Khavn.
Ipapalabas din sa Shorts Expo ang Brownout Capital ni Pabelle Manikan, Forgetting Clara ni Nicole Matti, May Puso ba ang Manika? ni Shiri de Leon, Objects Do Not Randomly Fall from the Sky ni Maria Estela Paiso, Yung Huling Swimming Reunion Before Life Happens ni Glenn Barit, at ang Southeast Asian premiere ng Invisible Labor ni Joanne Cesario.
Kasama sa Rediscovery section ang Delicatessen nina Jean-Pierre Jeunet at Marc Caro; Dogtooth ni Yorgos Lanthimos, at Ran ni Akira Kurosawa.
Tampok naman sa Contemporary Italian Cinema ang Diabolik nina Antonio at Marco Manetti, Io Capirano ni Matteo Garrone, Kidnapped: The Abduction of Edgardo Mortara ni Marco Bellocchio, My Summer with Irene ni Carlo Sironi, La Chimera ni Alice Rohrwacher, at Palazzina Laf ni Michele Riondino.
Napili naman sa QCinema Selects ang Ghost Cat Anzu nina Yoko Kuno at Nobuhiro Yamashita; No Other Land nina Rachel Szor, Yuval Abraham, Hamdan Ballal, at Basel Adra; Shahid ni Narges Kalhor; Sujo nina Fernanda Valadez at Astrid Rondero; The Sparrow In The Chimney ni Ramon Zürcher; at Twilight Of The Warriors: Walled In ni Soi Cheang.
Sa Before Midnight section naman ay kaabang-abang ang Motel Destino ni Karim Aïnouz, Gazer ni Ryan J. Sloan, Infinite Summer ni Miguel Llansó, A Samurai in Time ni Junichi Yasuda, at The Wailing ni Pedro Martin-Calderon.
Tampok naman sa Special Screenings section ang An Errand ni Dominic Baekart, If My Lover Were a Flower ni Kaung Zan, A Thousand Forests ni Hanz Florentino, at Lost Sabungeros ni Bryan Brazil.
News
bearking news : Rhian Ramos: “It’s really important to have downtime for myself.” (uyen)
Rhian Ramos on her discipline at work: “In showbiz, for example, I really just focus on my craft, I focus on acting and really taking my job seriously, giving my maximum effort for every scene.” PHOTO/S: @whianwamos Instagram Nakuha ni…
shock!!!! : Enrique Gil on fame: “It really means nothing.” (uyen)
Actor Enrigue Gil shares his perspective on fame and becoming a producer: “Sabi ko nga, I don’t plan on being an artist forever naman.” PHOTO/S: Bernie V. Franco Hindi nababahala si Enrique Gil kung mawala man ang kanyang kasikatan. Sabi ng aktor,…
shocking news :Nova Villa opens up about condition of bedridden husband (uyen)
Nova Villa counts herself lucky to be given a constant stream of showbiz projects, which she considers a blessing for her to be able to take care of her bedridden husband. She says, “I can feel the grace, the blessing.”…
bearking news : Rob Gomez, Alexa Miro weigh in on being dragged into controversies (uyen)
Showbiz newbies Alexa Miro and Rob Gomez have not been spared from controversies despite being greenhorns in showbiz industry. Find out what they learned and how they’ve moved on from such issues. PHOTO/S: Bernie V. Franco Hindi raw sumagi sa…
shocking news : Mark Anthony Fernandez owns up to viral sex video scandal (uyen)
After initially denying it, actor Mark Anthony Fernandez eventually admits that he is the guy in the sex video that went viral around July 2024. He also reveals that his phone was hacked. “Nagkaroon po ng leakage.” PHOTO/S: Mark Anthony…
HOT: Kathryn Bernardo responded to Daniel Padilla’s post immediately after it went viral (SKDA)
Kathryn Bernardo, Sinagot Ang Pasaring Ni Daniel Padilla Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ng ilang mga netizens ang social media post ni Daniel Padilla kung saan tila kinumpara niya si Kathryn Bernardo sa isang basura. Sa isang Instagram stories…
End of content
No more pages to load