Nakakalungkot man daw na hindi napili bilang official entry ang movie ni Nadine Lustre para sa MMFF ngayong taon, hindi naman daw ito nag-iisa dahil meron ding pelikula ang mga seasoned actors ang hindi rin nakapasok. 

Nauunawaan daw ang veteran showbiz writer/host and insider na si Cristy Fermin ang pagkadismaya ng mga fans ni Nadine Lustre.

Hindi kasi nakapasok bilang official movie entry ang horror movie nitong Nokturno para sa Metro Manila Film Festival o MMFF ngayong taon.

Ito ang napag-usapan nila ng ka-tandem n’yang si Romel Chika sa radio and online show n’yang Cristy Ferminute ngayong araw, October 18.

Ayon kay Romel, kung tagasuporta raw s’ya ni Nadine ay talagang madidismaya din s’ya sa nangyari.

S’yempre, kung ako bilang tagahanga, s’yempre madi-disappoint ako sa desisyon ng pamunuan ng MMFF,” saad n’ya.

However, aware umano s’ya na wala s’yang magagawa kundi ang manghinayang sa posibilidad na muling masungkit ng aktres ang best actress award.

Nakakapanghinayang lang kasi sayang. Itinanghal pa naman si [Nadine] na best actress last year at box office hit ang kanyang movie last year, na sayang, na sana nasundutan ngayon,” saad pa n’ya.

Ito rin ang naiisip ni Manay Cristy.

At iyon ang binabalik ng mga taga-suporta ni Nadine. ‘Bakit? Ayaw n’yo ba? Ayaw n’yo ba kasi na makuha n’ya uli ang pagiging best actress ngayon kahit na marami pa ang nakapasok na iba? Bakit? Bakit ipinagdamot n’yo ’yan kay Nadine? Ang galing-galing n’yang artista!’ Parang ganu’n,” punto ng batikang showbiz insider.

Kaya naman hindi raw masisisi na may mga fans talaga na dismayado.

Ang dami-daming komento na lumulutang ngayon. Nakapanghihinayang. Magaling naman talaga si Nadine Lustre, ’di ba?” aniya.

Ganu’n pa man, maging sila raw ni Romel ay walang alam sa naging proseso kung paano ipinipili ang mga movie enties.

Kaya lang wala po kasi kami sa loob. Wala tayo sa loob. Hindi po natin alam kung ano ang pinairal na, alam mo ’yon, mga punto ng kwalipikasyon ng mga taga-pamuno para mapili ang isang pelikula,” paliwanag n’ya.

May mga genre-genre kasi ’yan. At s’yempre, pinagtatalunan ’yan. Nagkakaroon po ng mahigpitang deliberasyon. Kaya kumbaga, hindi tayo pupuwedeng magkomento na dapat ganito, dapat ganyan,” pagpapatuloy pa n’ya.

Sa huli, talagang nakakalungkot daw ang naging resulta.

Nakakalungkot lang. Pero talagang ganu’n, hindi ba? Talagang ganu’n. Nakakalungkot,” sabi pa ni Manay Cristy.

Pakonsuwelo na lang daw na marami talagang pelikula ang pinagpilian at maging ang mga movies ng mga batikang artista ay naligwak din.

At saka lagi na lang nila isipin, kung ang mga mas nauna nga na artista na sikat na sikat din kesa kay Nadine, hindi rin napili. Ang pelikula ni Nora Aunor, Maricel Soriano. E, siguro naman po ay maiintindihan na natin,” lahad n’ya.

Kasunod nito ay paghayag niya ng panghihinayang sa acting showdown sana nina Nora Aunor at Vilma Santos.

Ang inaasahan ng marami babalik ’yong labanan nu’ng 70s, ’di ba, sa pagitan ng Superstar na si Ms. Nora Aunor, at saka ang Star for All Seasons na si Vilma Santos,” saad pa ng showbiz journo.

Pero hindi ito matutupad dahil hindi nakapasok ang pelikulang Pieta ni Nora habang napili naman bilang officia entry ang When I Met You in Tokyo nina Vilma Santos at Christopher de Leon.

Alam mo, ito talaga ’yong ang daming umasa na labanan ito. Labanan ito sa aktingan. Labanan ito sa pag-arte. Mahigpitan ang laban,” may panghihinayang na pagtatapos n’ya.

Samantala, narito ang sampung pelikula na pasok sa MMFF 2023:

When I Met You in Tokyo – Christopher de Leon and Vilma Santos

Becky and Badette – Eugene Domingo and Pokwang

Mallari – Piolo Pascual and Janella Salvador

Rewind – Dingdong Dantes and Marian Rivera

Firefly – Alessandra de Rossi, Euwenn Mikaell and Cherry Pie Picache, and more

Broken Hearts Trip – Christian Bables, Andoy Ranay, and many more

Gomburza – Enchong Dee, Dante Rivero, Piolo Pascual and Cedrick Juan

A Mother and Son’s Story – Sharon Cuneta and Alden Richards,

(K)ampon – Beauty Gonzales and Derek Ramsay

Penduko – Matteo Guidicelli and Kylie Verzosa