Kasama si Hannah Precillas at Garrett Bolden sa pinaka memorable Kapuso guests para kay Vice Ganda.
Maraming Kapuso stars ang bumisita at nakisaya sa fun noontime program na It’s Showtime.
Mula sa simpleng pagbati ng “What’s up, madlang people!” hanggang sa kanilang special performances, certified na naghandog ng saya at aliw ang Kapuso artists sa madlang viewers.
Isa sa mga unforgettable Kapuso guests daw ni Vice Ganda ang mga singer na sina Garrett Bolden at Hannah Precillas. Dahil sa kanilang magagandang boses at talento, madalas raw humahanga ang Unkabogable Star sa kanila. Hindi niya rin makakalimutan si Hannah dahil sa kulitan nila sa programa.
Asawa Ng Asawa Ko: Jordan reunites with his family! (Episode 146 – Part 2/3)Aired (September 25, 2024): Cristy (Jasmine Curtis-Smith) tells Jordan (Rayver Cruz) that she has no plans of marrying anyone, yet she agrees to Tori’s (Kzhoebe Nicole Baker) request to let him temporarily stay in their house while he is still recovering. #GMANetwork #GMADrama #Kapuso Watch the latest episodes of ‘Asawa Ng Asawa Ko’ weekdays, 9:35 PM on GMA Primetime, starring Jasmine Curtis-Smith, Rayver Cruz, Kzhoebe Nicole Baker, Liezel Lopez, Martin Del Rosario, Joem Bascon, Kim De Leon,…TV | GMA Entertainment – Online Home of Kapuso Shows and Stars
“‘Yung panahong ka-chika ko sila tapos ang babait nila,” dagdag pa niya.
Sa isang exclusive interview naman kasama ang GMA Network, ibinahagi ng dalawang singers ang kanilang reaksyon sa special mention ni Vice.
Ayon sa Kapuso stars, labis ang kanilang tuwa na marinig ang kanilang pangalan bilang mga paboritong guest ng It’s Showtime host. Para kay Garrett, espesyal ito sa kanya bilang dating contestant sa “Tawag ng Tanghalan.”
“Sobrang nakaka-overwhelm kasi back story lang, before I became a Kapuso, marami akong sinalihan na singing competitions and one of that is in It’s Showtime, ‘Tawag ng Tanghalan.’ I was there for the first season. Napaka-thankful ako nakabalik ako sa It’s Showtime stage and to sing as well. Noong na-meet nila ako, na-share ko ‘yung talent ko, sobrang happy sila,” pahayag niya. “Nakatulala ako noong pinapanood ko. Sabi ko, ‘Talagang natandaan niya ‘yung name ko.’ I’m really happy, overwhelmed and thankful.”
Hindi rin mapigilan ang ngiti ni Hannah nang mapanood niya ang video ng media conference. Natawa pa siya na hindi raw makalimutan ni Vice ang kanilang iconic moment kung saan biglang tinanong ng comedian kung sino ang OST queen sa kanya.
“Grabe yung tuwa ko noon at natawa din dahil nandoon pa rin tayo sa OST queen, hindi pa tayo nakaka-get over pero alam ko na ngayon (ang sagot),” pabiro sinabi ni Hannah. “Thank you Meme Vice na na-appreciate niyo po ‘yung talent ko. Maraming-maraming salamat talaga. Na-miss ko na rin na mag-guest diyan sa It’s Showtime kaya sana ay magkita ulit tayo at magkaroon tayo ng time. Sana na makapag-bonding, makapag-usap nang mas malalim pa.”
Subaybayan ang It’s Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.