Muling pinag-uusapan sa social media ang girlfriend ni Anthony Jennings dahil sa bagong hanash nito tungkol sa cheating at magkakasama sa trabahong gumagawa ng higit pa sa trabaho.

Sa Instagram Story ni Jamela Villanueva, sinagot nito ang tanong sa kanya ng isang netizen na “Sis, bakit yung galit mo parang kay ate girl lang? diba dapat galit ka sa ex mo? Char.”

Sagot dito ni Jamela, “ Honey, do you even read what I’m saying sa mga stories ko about men who cheats? Or maybe you just wanna take and absorb lang what you can and ano yung pasok sa tolerance niyo?”

“They are just the same, the one who cheated and the one who tells and do inappropriate things to her workmate na di naman kasama sa trabaho.”

Dagdag pa ni Jamela, “don’t push it. I respected their work and industry and I know the boundaries, and they complete went beyond that.”

Sa isa pang post ni Jamela, nagpasalamat naman ito sa positibong komento ng isang netizen na nagsabing ”I admire your strength. I hope you heal from this soon & come out of this happier.”

“Thank you!!! It takes a lot of emotions to be this tough! Healing takes time so I’m taking mine, one step at a time,” sey ni Jamela.

Wala pa ring kumpirmasyon si Anthony kung hiwalay na sila ni Jamela.