Ellen Adarna sumagot sa sikretong pagbubuntis: “I want a quiet and peaceful pregnancy” (nuna)

Sinagot na ni Ellen Adarna ang pang-iintriga ng ilang faney kung bakit hindi nito isinapubliko ang kanyang pagbubuntis at nalaman na lamang nang manganak na.

Sinagot na ni Ellen Adarna ang patuloy na pang-iintriga ng ilang faney tungkol sa kanyang pagbubuntis na hindi isinapubliko.

Sa isang latest post ng kanyang mister na si Derek Ramsay, muling naungkat ang pagiging sirkreto ng pagbubuntis ni Ellen kung saan nalaman na lang ng publiko na nanganak na ito.

Sa comments section, makikita ang komento ng ilang netizen:

“i didnt know na buntis pla si ellen now nanganak na wow.”

“gusto kasi ni ellen, surprise. Yung malalaman na lng ng lahat na may baby na pala. My post sila dati,” ayon sa isang fan.

Dito na sumagot si Ellen, “hindi ko gusto surprise. Alam naman ng friends and family and di ko naman tinatago when i go out, crop top ako kahit malaki tyan. I just didnt announce because i dont need to.”

“I want a quiet and peaceful pregnancy. Last thing i need are opinions from people i dont know and unsolicited advice,” sey pa ni Ellen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Derek Ramsay (@ramsayderek07)

 

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News