R&B singer Denise Julia (left) speaks up after celebrity photographer BJ Pascual (right) named her as the “worst celebrity/model to shoot.”
PHOTO/S: Instagram / YouTube
Sumagot na ang R&B singer na si Denise Julia sa mga akusasyon sa kanya ng celebrity photographer na si BJ Pascual.
Ngayong umaga ng Pasko, December 25, 2024, ay nag-upload si Denise sa Instagram Stories ng ilang screenshots at videos para ihayag ang kanyang panig.
Inakusahan ni BJ ang singer ng unprofessionalism dahil sa pag-cancel umano nito sa kanilang scheduled photo and video shoot sa hindi malinaw na dahilan.
Saad ni BJ sa podcast na Bad Bitch Bible na naka-upload sa YouTube noong December 20, gumastos siya ng malaki dahil sa naturang canceled shoot.
Sinabi pa ni BJ na si Denise na ang “worst celebrity/model” na nakatrabaho niya sa kanyang buong career. Nalagpasan na umano nito ang naranasan noon ng photographer kay Kristine Hermosa.
DENISE CLARIFIES SHOOT DETAILS
Pinili ni Denise na manahimik ng ilang araw bago maglabas ng statement ngayong mismong araw ng Pasko.
Sa kanyang Instagram Stories, sinabi ni Denise on recorded video na ang di nila pagkakasundo sa cost ng shoot ang totoong dahilan umano ng cancellation nito.
Kalakip ng ilang video ni Denise ang screenshots ng private messages ng kanyang manager na si John Vincent Salcedo kay ni Pearl Acuesta, manager ni BJ.
Sa screenshots, makikita na noong July 18, 2024 pa sila nagbigay ng kanilang budget na PHP600,000 para sa music video, at PHP50,000 for sa photoshoot.
Ngunit noong August 11, more than three weeks later, sumagot si Pearl. August 14 umano naka-schedule ang shoot.
Nag-send si Pearl ng estimated cost na halos PHP1.2 million.
Photo/s: @denisejvlia on Instagram
Halos doble ito sa budget nina Denise na PHP650,000 kaya’t nag-alangan umano ang kampo nila.
Gayunpaman, dahil tatlong araw na lang bago ang shoot ay sinubukan daw nina Denise na ayusin ang gusot. Tinaas nila ang kanilang budget to PHP800,000.
Ngunit hindi pa rin nagkasundo ang teams nina Denise at BJ.
Sa isa pang screenshot na nai-post ni Denise ay makikitang ang team ni BJ mismo ang nag-cancel ng shoot, at hindi sila.
Saad ni John Vincent sa huling screenshot, “No vendors I work with would do anything without a budget actually agreed upon. No production company would even lift a finger until that’s set. Too much risks involved. I think that’s where the confusion is.”
Sinabi pa nitong hindi niya inaasahang tumuloy na ang team nina BJ sa pagtatrabaho sa shoot kahit hindi pa sila nag-agree sa budget.
“I should’ve been more straightforward with how important it was that we agreed on a number before confirming anything. I thought that’s protocol for y’all as well so I apologize for me assuming that’s the case. I didn’t expect for work to be done/costs to be incurred without a final budget set,” sabi ni John Vincent.
Sagot naman ni Pearl, “Okay so due to the differences in our production processes, I think it would be best to cancel the shoot. Thank you.”
Photo/s: @denisejvlia on Instagram
DENISE GIVES AN APOLOGY
Matapos ipaliwanag ang detalye ng cancelled na shoot ay nag-apologize si Denise para kay BJ.
“I want to sincerely apologize for my shortcomings as an artist and for the unprofessionalism you’ve experienced,” sabi ni Denise.
Ipinaliwanag ng singer na hindi siya nakapag-reach out agad sa photographer matapos ang cancelled shoot dahil hindi naman niya alam ang buong kuwento ng pangyayari.
“I wasn’t fully aware of what was happening, communication-wise, between our teams.”
Saad pa ng 22-year-old singer, nag-send din siya agad ng mensahe kay BJ matapos niyang mapanood ang sinabi nito sa podcast.
Sa screenshots ng usapang ito ay ipinakita ni Denise ang replies ni BJ. Nagpasalamat pa umano ito sa pagme-message sa kanya.
“Thank you for reaching out and acknowledging the disrespect, financial loss, and inconvenience experienced by my team and everyone involved, who worked tirelessly in preparation for that day,” saad ni BJ.
Nagpasalamat din ito sa pagte-take ni Denise ng responsibilidad sa insidente.
“I appreciate your willingness to address this, and I’m open to discussing it further to work towards a solution that respects both sides,” sagot pa ni BJ.
Photo/s: @denisejvlia on Instagram