
Malaki ang pasasalamat ni Claudine Barretto sa kanyang “baby brother” na si Boy2 Quizon na tinulungan umano siya upang gumaan ang pinagdadaanan niyang depresyon.
Nagkasama sina Claudine at Boy2 sa Home Along Da Riles, ang defunct ABS-CBN sitcom na napanood mula 1992 hanggang 2003.
Bida sa sitcom ang yumaong Comedy King na si Dolphy.
CLAUDINE BARRETTO: “my Family not by blood but by choice”
Sa short video na in-upload ni Claudine sa Instagram kahapon, October 17, 2024, makikitang kayakap niya si Boy2 habang nakahiga sila sa kama.
Ayon sa caption ni Claudine, medyo malungkot ang mga nagdaang araw sa kanya lalo na’t ika-limang anibersaryo ng kamatayan ng kanyang amang si Miguel Barretto.
Wala raw siyang ginawa kundi ang umiyak nang umiyak. Hindi rin daw niya alam kung sino ang tatawagan.
Panimulang kuwento ni Claudine (published as is), “these past few weeks was so dark for me.especially yesterday was my Dad’s 5th death anniversary (broken heart emoji)
“i sat for hours Crying and not knowing who to call. Blood isn’t thicker than water. in 4days mga 3 to 4hours a day lang tulog ko.”
Niresetahan na raw siya ng kanyang doktor ng sleeping pills.
Mabuti na lang daw at bigla siyang binisita ni Boy2 sa kanilang bahay.
Pagpapatuloy ng aktres, “my amazing Doctor @dra.babesmanalo gave me some sleeping pills so i could sleep until my Baby Brother @boy2quizon_ for i don’t know what reason felt the need to visit me mag ki kiss lang daw sya if tulog ako.
“Kahit sinabi na ni Ate @marisol0125 nya wag muna visitors para maka rest ako pero sympre pag pamilya wala magawa si Ate Sol nya.
“he felt his Ate’s pain. God i thank u for my baby bro Boy2. buti d nya tinawagan mga kuyas ko si @smokey_manaloto at @gio__alvarez kundi patay ako ni di ako pwede mag bathroom kailangan tulog agad.
“this is my Family not by blood but by choice (heart emojis) #depressionisreal @boy2quizon_”
Sabi pa ni Claudine sa isa pang post, “its okay to Cry to rest. Pray for Help & Strength. Psalms 46:10 NIV ” Be still, and Know that I am God; i luv u my baby brother @boy2quizon_ #depressionisreal”
Naka-tag din dito ang iba pa nilang co-stars sa Home Along Da Riles na sina Smokey Manaloto, Gio Alvarez, Maybelyn dela Cruz, Dang Cruz, at Nova Villa.
News
Lumabas sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa screening ng pelikulang ‘And the Breadwinner Is’ na marami pang bagay na dapat ibunyag….. (nuna)
Kim Chiu and Paulo Avelino made the rounds on social media after being spotted at the blocking screening for “And the Breadwinner Is…” Kim Chiu at Paulo Avelino, spotted sa block screening ng ‘And the Breadwinner Is’ (@annecurtissmith, @chinitaprincess) Source:…
Boy Abunda, humiling na huwag husgahan sina Bea Alonzo at Dominic Roque sa kanilang breakup (nuna)
Umapela ang King of Talk na si Boy Abunda sa publiko na pairalin ang kabutihan at huwag husgahan sina Bea Alonzo at Dominic Roque matapos na maghiwalay ang dalawa.Dahil sa panibagong kabiguan sa pakikipagrelasyon ni Bea, sinabi ni Tito Boy…
Sunshine Cruz, Atong Ang kissing video goes viral (nuna)
Atong Ang at Sunshine Cruz A kissing video of actress Sunshine Cruz and businessman Atong Ang went viral on social media. In a video uploaded on TikTok, Sunshine was seen kissing Atong while in an unknown cockpit arena. It can…
Denise Julia Responds to BJ Pascual’s Accusations of Canceling a Photoshoot (nuna)
R&B singer Denise Julia (left) speaks up after celebrity photographer BJ Pascual (right) named her as the “worst celebrity/model to shoot.” PHOTO/S: Instagram / YouTube Sumagot na ang R&B singer na si Denise Julia sa mga akusasyon sa kanya ng…
KC hopes relationship with mom Sharon will be “ok” soon (nuna)
KC Concepcion (left) on mom Sharon Cuneta (right): “Christmas will always be about love, laughter, and time with family for me… ending the year right with a conversation between Mama and I. She always makes the holidays extra magical and…
Julia Barretto thinks it’s okay to walk away from this situation (nuna)
Julia Barretto on trusting the people closest to her: “I feel like yung mga nasa paligid namin, that stood the test of time. Kumbaga, parang napatunayan na ang loyalty, and parang good naman para sa amin, so far masaya naman…
End of content
No more pages to load