
Hiningan ng reaksiyon si Carmina Villarroel, 49, tungkol sa nababalitang ugnayan ng anak niyang si Cassy Legaspi, 23, kay Michael Sager, 21.
Parehong artists sina Cassy at Michael ng Sparkle, ang talent management ng GMA-7.
Nakikita magkasama sina Cassy at Michael Sager kahit sa family events, kaya may mga nagtatanong kung ano ang estado ng relasyon ng mga ito.
“Ganyan lang naman sila, kung ano ang nakikita niyo, yun lang, chill lang,” safe na sagot ni Carmina sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
“Kasi, kung meron silang itatago, hindi naman sila magpo-posing-posing.
“Like I’ve said, alam niyo naman ang pamilya namin, yun na kami.
“Kung ano ang nakikita niyo sa Instagram, kung ano ang nakikita niyo, that’s us.
“We have nothing to hide, yun lang kami, chill lang, kalma lang.”
Unang na-link kay Cassy ang malapit na kaibigan nitong si Darren Espanto, na dati ay nagpapadala ng bulaklak at bumibisita sa dalaga.
Diretsong tinanong ng PEP si Carmina kung kanino kina Michael o Darren siya mas boto para kay Cassy.
“Unang-una, walang point para i-compare ang dalawa. I love them both,” saad ni Carmina.
“Walang problema sa akin si D, walang problema sa akin si Michael.
“Sabi ko naman sa inyo, as long as may respeto sa akin, wala akong problema.
“So again, walang point para i-compare ang dalawa.”
Mas basbas ni Carmina kung sino man sa dalawa ang bumisita sa anak.
“Pareho silang kaibigan ng anak ko. Pareho silang kaibigan ng pamilya ko. Welcome sila pareho sa bahay.”
CARMINA VILLARROEL ON WHAT’S NEXT AFTER ABOT-KAMAY
Nakapanayam ng PEP si Carmina pagkatapos ng mediacon para sa finale ng seryeng Abot-Kamay na Pangarap noong October 2, 2024.
Mahigit dalawang taong umere sa telebisyon ang nasabing GMA Afternoon Prime series.
Ngayong magtatapos na ito, ano ang susunod na gusto niyang gawin?
“Naabot na,” natawang biro ni Carmina.
“Actually, I don’t know what’s going to happen. I really never plan. Magbi-build muna ko ng lego.
“Basta ang plano ko lang, mag-artista for life. Yun lang ang gusto ko. Kasi, yun lang ang alam kong gawin and I love what I do, kasi yun lang, e.
“As much as I want to plan, basta kung ano ang dumating. Basta ako, kalma lang, chill lang.”
Gusto raw niyang magpahinga sa November, magpupunta raw sila ng co-star niya sa Canada para ituloy ang shooting ng kanilang pamilya.
“Di ba, two years nga [ang Abot-Kamay]? Si Zoren nga, ‘Hon, magpahinga ka.’ Hindi ko nga alam. Masyado yata akong hyper,” pag-amin din ni Carmina.
“Ewan ko ba, ever since yan,” nakangiting kuwento ni Carmina.
“Kasi, di ba, yung hitsura niya, parang hitsura ni Maverick. Medyo lean. Matagal na kaming close ni Andre.
“So, parang naging running joke na namin na as part of the family. Matagal na, ilang years ago na yan.”
Nang tanungin kung si Andre lang ang adopted son niya, napangiti si Carmina na alam na agad ang gustong tumbukin ng press.
“Hindi ko pa nami-meet ang kapatid,” tukoy niya sa kapatid ni Andre na si Kobe Paras.
Si Kobe ang nababalitang bagong karelasyon ni Kyline, na ex-girlfriend naman ng anak ni Carmina na si Mavy Legaspi.
Kaya biniro ng press si Carmina na baka gusto rin magpa-adopt sa kanya ng kapatid ni Andre.
Sagot ni Carmina, “Wala namang problema sa akin, the more the merrier. Kasi, gusto ko talaga ng buong family.”
News
Lumabas sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa screening ng pelikulang ‘And the Breadwinner Is’ na marami pang bagay na dapat ibunyag….. (nuna)
Kim Chiu and Paulo Avelino made the rounds on social media after being spotted at the blocking screening for “And the Breadwinner Is…” Kim Chiu at Paulo Avelino, spotted sa block screening ng ‘And the Breadwinner Is’ (@annecurtissmith, @chinitaprincess) Source:…
Boy Abunda, humiling na huwag husgahan sina Bea Alonzo at Dominic Roque sa kanilang breakup (nuna)
Umapela ang King of Talk na si Boy Abunda sa publiko na pairalin ang kabutihan at huwag husgahan sina Bea Alonzo at Dominic Roque matapos na maghiwalay ang dalawa.Dahil sa panibagong kabiguan sa pakikipagrelasyon ni Bea, sinabi ni Tito Boy…
Sunshine Cruz, Atong Ang kissing video goes viral (nuna)
Atong Ang at Sunshine Cruz A kissing video of actress Sunshine Cruz and businessman Atong Ang went viral on social media. In a video uploaded on TikTok, Sunshine was seen kissing Atong while in an unknown cockpit arena. It can…
Denise Julia Responds to BJ Pascual’s Accusations of Canceling a Photoshoot (nuna)
R&B singer Denise Julia (left) speaks up after celebrity photographer BJ Pascual (right) named her as the “worst celebrity/model to shoot.” PHOTO/S: Instagram / YouTube Sumagot na ang R&B singer na si Denise Julia sa mga akusasyon sa kanya ng…
KC hopes relationship with mom Sharon will be “ok” soon (nuna)
KC Concepcion (left) on mom Sharon Cuneta (right): “Christmas will always be about love, laughter, and time with family for me… ending the year right with a conversation between Mama and I. She always makes the holidays extra magical and…
Julia Barretto thinks it’s okay to walk away from this situation (nuna)
Julia Barretto on trusting the people closest to her: “I feel like yung mga nasa paligid namin, that stood the test of time. Kumbaga, parang napatunayan na ang loyalty, and parang good naman para sa amin, so far masaya naman…
End of content
No more pages to load