
Following Liam Payne’s shocking death, Argentinian police launch an investigation to determine the circumstances surrounding his passing.
PHOTO/S: Liam Payne on Facebook
Patuloy ang masusing imbestigasyon sa pagkamatay ng former One Direction member na si Liam Payne.
Pumanaw si Liam matapos niyang mahulog mula sa balkonahe ng kanyang hotel room, na nasa ikatatlong palapag ng CasaSur hotel sa Palermo, Buenos Aires, Argentina, noong October 16, 2024.
Siya ay 31.
Ayon sa ulat ng TMZ nitong Miyerkules, November 6, kasalukuyang iniimbestigahan ng awtoridad ang tatlong katao na posibleng may kinalaman sa pagkamatay ni Liam.
Isa na rito ang “friend” ni Liam, at dalawang empleyado ng hotel kunsaan binawian ng buhay ang singer.
HOME RAIDS
Ayon sa nakuhang impormasyon ng TMZ, nagsagawa ng home at locker raid ang Argentinian police sa dalawang empleyadong nakausap ni Liam ilang oras bago siya mahulog sa balkonahe ng hotel na kanyang tinutuluyan.
Maging ang bahay ng kaibigan diumano ni Liam ay hinalughog na rin ng pulisya, matapos mapag-alamang ito ang nagbenta ng droga sa singer na ginamit nito noong araw ng kanyang pagpanaw.
Ang ebidensiya ay makikita raw sa naiwang cellphone ni Liam dahil nakita nilang ito ang huling naka-text ng singer.
LIAM PAYNE’S TRAGIC DEATH
Base sa mga naunang report, aksidente ang pagkahulog ni Liam at walang katotohanan ang haka-hakang sinadya niyang tumalon na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Photo/s: @liampayne Instagram
Hindi man sinadya, napag-alaman namang nasa impluwensiya ng droga at alak ang dating One Direction member nang mangyari ang trahedya.
Bagay na nagtutugma sa isinagawang autopsy sa kanyang katawan.
Sa inilabas na preliminary autopsy sa bangkay ni Liam, napag-alamang nagkaroon siya ng multiple injuries, internal at external bleeding na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.
Sinabi rin ng forensics expert na walang pinsala ang braso at mga kamay ni Liam.
Pahiwatig itong hindi iniunat ng singer ang kanyang mga braso bilang proteksiyon sa sarili nang bumagsak siya sa inner patio ng hotel.
Sa isinagawa namang partial toxicology report, makikita ang multiple drugs sa loob ng katawan ni Liam noong mga oras na pumanaw ito.
Natukoy na pink cocaine, na naglalaman ng “methamphetamine, ketamine, and MDMA,” ang in-injest ni Liam.
CONTINUE READING BELOW ↓
Jake Galvez at the Shake, Rattle, and Ball 2024 black carpet #PEP #shorts
Nakalista rin ang crack cocaine at benzodiazepine.
Ang pink cocaine ay pink powder na naglalaman ng ketamine, methylenedioxymethamphetamine (MDMA), methamphetamine, cocaine, opioids, at pschoactive substances, ayon sa artikulo mula sa The American Journal of Drug and Alcohol Abuse noong nakaraang taon.
Ang ketamine, ayon sa dea.gov ay “dissociative anesthetic” na may hallucinogenic effect.
Ang MDMA ay kilala rin sa tawag na “ecstacy,” na ayon sa msdmanuals.com ay nakakadulot ng excitement at disinhibition.
Ang methamphetamine, o shabu, ayon sa nda.nhi.gov, ay highly addictive stimulant na nakakaapekto sa central nervous system.
Ang benzodiazepines, ayon sa clevelandclinic.com, ay medication na nagpapabagal ng activity sa brain at nervous system.
Ang cocaine, ayon sa webmd.com, ay highly addictive drug na nagpapataas ng level ng alertness, attention, at energy ng isang tao.
FUNERAL SERVICE FOR LIAM PAYNE
Habang isinusulat ang artikulong ito ay nasa England na ang mga labi ni Liam, makaraan ang ilang linggong pananatili nito sa Argentina dahil sa ilang pagsusuri.
Ayon sa ulat ng Daily Mail nitong November 6, inaasahang mangyayari ang magarbong funeral service para kay Liam sa St. Peter’s Collegiate Church sa Wolverhampton, West Midlands, sa Biyernes, Nobyembre 8.
Nag-umpisa nang mag-iwan ng mga mensahe at tribute para kay Liam sa harap ng St. Peter’s Collegiate Church ang kanyang mga tagahanga.
Isinusulong din ng fans ni Liam na magkaroon siya ng monumento sa Wolverhampton bilang paggunita sa mga alaala niya.
Nagkaroon din candlelit vigil ang mga tagasuporta ni Liam sa pinagmulan nitong high school, ang St.Peter’s Collegiate Academy.
Isang source ng Daily Mail ang nagsabing isang malaki pero pribadong send-off para kay Liam ang inihahanda at dadaluhan ng kanyang pamilya, mga kaibigan, at mga kasamahan niya sa One Direction.
News
Lumabas sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa screening ng pelikulang ‘And the Breadwinner Is’ na marami pang bagay na dapat ibunyag….. (nuna)
Kim Chiu and Paulo Avelino made the rounds on social media after being spotted at the blocking screening for “And the Breadwinner Is…” Kim Chiu at Paulo Avelino, spotted sa block screening ng ‘And the Breadwinner Is’ (@annecurtissmith, @chinitaprincess) Source:…
Boy Abunda, humiling na huwag husgahan sina Bea Alonzo at Dominic Roque sa kanilang breakup (nuna)
Umapela ang King of Talk na si Boy Abunda sa publiko na pairalin ang kabutihan at huwag husgahan sina Bea Alonzo at Dominic Roque matapos na maghiwalay ang dalawa.Dahil sa panibagong kabiguan sa pakikipagrelasyon ni Bea, sinabi ni Tito Boy…
Sunshine Cruz, Atong Ang kissing video goes viral (nuna)
Atong Ang at Sunshine Cruz A kissing video of actress Sunshine Cruz and businessman Atong Ang went viral on social media. In a video uploaded on TikTok, Sunshine was seen kissing Atong while in an unknown cockpit arena. It can…
Denise Julia Responds to BJ Pascual’s Accusations of Canceling a Photoshoot (nuna)
R&B singer Denise Julia (left) speaks up after celebrity photographer BJ Pascual (right) named her as the “worst celebrity/model to shoot.” PHOTO/S: Instagram / YouTube Sumagot na ang R&B singer na si Denise Julia sa mga akusasyon sa kanya ng…
KC hopes relationship with mom Sharon will be “ok” soon (nuna)
KC Concepcion (left) on mom Sharon Cuneta (right): “Christmas will always be about love, laughter, and time with family for me… ending the year right with a conversation between Mama and I. She always makes the holidays extra magical and…
Julia Barretto thinks it’s okay to walk away from this situation (nuna)
Julia Barretto on trusting the people closest to her: “I feel like yung mga nasa paligid namin, that stood the test of time. Kumbaga, parang napatunayan na ang loyalty, and parang good naman para sa amin, so far masaya naman…
End of content
No more pages to load