Bernadette, Julius recall interview with John Wayne Sace (uyen)

Labis na nanghihinayang sina Bernadette Sembrano at Julius Babao sa sinapit ng dating aktor na si John Wayne Sace.

Parehong nakapanayam ng dalawang season broadcasters si John Wayne sa kani-kanilang vlogs sa YouTube noong 2023.

Napanood sa YouTube ang interview ni Bernadette kay John Wayne noong July 2023; at ang kay Julius naman ay na-upload noong October 2023.

Inaresto si John Wayne matapos pagbabarilin ang kaibigan at kababata niyang si Lynell Eugenio sa insidenteng naganap sa Barangay Sagad, Pasig City, noong Oktubre 28, 2024.

Dead on the spot si Eugenio.

BERNADETTE SEMBRANo INTERVIEW WITH JOHN WAYNE SACE

Sa Instagram ngayong Huwebes, October 31, naglabas ng kanyang saloobin si Bernadette sa balitang nakapatay ang dating aktor.

Ayon sa TVPatrol co-anchor, bumalik sa kanyang isipan ang panayam niya kay John Wayne noong July 2023.

Hindi raw niya alam kung paano itatawid ang naturang panayam. Kakaiba raw kasi ang mga sagot ni John Wayne sa kanyang mga katanungan.

Sabi ni Bernadette, “When I interviewed John Wayne in July of last year, I didn’t know exactly how to handle the interview.

“His answers were coming from somewhere unfamiliar to me, so I allowed him to express himself, but at the end of the interview — it was a challenge to process what the takeaway was.”

Sa mga bagong nagsilabasang impormasyon, tila nakumpirma ang mga komento noon sa kanyang vlog na “high on something” si John Wayne habang ini-interview niya.

“The recent developments — he allegedly killed someone — suddenly gave context to my time with John Wayne.

“Comments from the interview said he was high on something — marami ang galit sa droga. Some expressed compassion. Ang iba, panghihinayang. Sayang.

“I asked him during the interview what the next chapter was for him. He talked about being at peace, fear for his family… When I asked him what’s next for John Wayne, he didn’t envision this.”

Napagtanto daw ngayon ni Bernadette kung gaano kabigat ang dinadala ni John Wayne noong mga panahong iyon.

Aniya, “Reflecting on that day, I now see the weight he carried and the internal battles he faced. Perhaps he was trying to make sense of his own path, even as it unraveled.”

 

 

JULIUS BABAO INTERVIEW WITH JOHN WAYNE SACE

Sa kanyang Instagram ngayong araw rin, sinabi naman ni Julius Babao na nanghihinayang siya sa sinapit ni John Wayne.

Makailang beses daw nila itong inalok tulungang magpa-rehab at umalis sa tinitirhang lugar. Pero lagi raw silang tinatanggihan nito.

Lahad ng Frontline Pilipinas anchor, “NANGHIHINAYANG ako sa naging kapalaran ng dating aktot na si John Wayne Sace.

“Ilang beses namin siyang inalok na magpa-rehab at lumayo sa lugar na kanyang tinitirahan subalit ileng beses siyang tumatanggi.”

Hindi rin daw biro ang krimeng kinahaharap nito kaya inaasa niya na ang lahat sa hukuman.

Kawawa rin daw kasi ang pamilya ng nabiktima umano ni John Wayne.

Sabi ni Julius, “Ang hirap ng sitwasyon n John Wayne lalo’t inaakusahan siyang pumatay ng isang padre de pamilya.

“Subalit higit na mas mahirao ang kalagayan ng biktima at ng kanyang pamilya na sumisigaw ng katarungan.

“Tayo po ay nakikiramay sa pamilya ng biktima. Tanging hukuman na lamang ang makakasagot sa mga tanong na naglalaro sa ating mga isipan

 

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News