vina morales

Vina Morales is glad that the long-standing feud between two of the largest TV networks, GMA-7 and ABS-CBN, has ended. She says, “Actually, even naman before yata, hindi lang masyadong obvious na nangyayari. Naghihiraman, nagpapahiraman naman sila ng mga actors, even before. But siguro, mas more strict before.”
PHOTO/S: Vina Morales on Facebook

Bilang dating GMA-7 star na ngayon ay artist na ng ABS-CBN, tingin ni Vina Morales ay matagal nang walang network war.

Vina Morales

Vina Morales 
Photo/s: Rommel Gonzales

“Actually, even naman before yata, but hindi lang masyadong obvious na nangyayari,” unang sinabi ni Vina sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Naghihiraman, nagpapahiraman naman sila ng mga actors, even before.

“But siguro mas more strict before.”

Ngayon ay masasabing wala na talagang network war dahil mas maganda na ang sitwasyon at may mga collaboration na sa mga projects at artista sa pagitan ng dalawang TV stations.

Pagpatuloy ni Vina, “Now kasi that they really collaborate na, very open na kung sino yung actors ng Kapamilya, e nandun din sa GMA.

“And ako kasi, I’ve worked with the two stations and I’m always welcome sa both stations.

“Kasi wala akong naging problema sa GMA when I was there, I never had a problem with ABS.

“I’m always willing to work with both of them.

“May mga ano naman, let’s see kung sana may matuloy namang project sa GMA.

“Sana naman.”

vina morales on working with gma-7 again

Nagsimula ang showbiz career ni Vina sa That’s Entertainment at naging main host rin siya ng SOP, na mga sikat na programa noon sa GMA-7.

Makikita kaya si Vina ng televiewers na mag-perform sa All Out Sundays?

“Puwede? Puwede na ako, di ba,” tanong ni Vina sa kanyang handler na kasama niya habang iniinterbyu namin.

Lahad pa niya, “Pag-uusapan. Oo, gusto ko rin naman, siyempre. Why not, di ba?

“I mean, lahat naman ngayon… I’ve worked with Channel 5 several times, I did my Vina show there.

“Tapos with GMA, ang dami ko na ring shows sa GMA, e. Diyan ako nag-umpisa, e.

“Matagal na rin ako… ilang years na rin ako sa ABS-CBN, mga 20 years na ako.

“So since I’m still with… I mean, I’m with Star Magic, I’m with ABS-CBN, anytime pag kailangan ako ng Channel 7, why not?

“Depende sa kanila, depende sa proyekto.”

vina morales on julie anne san jose

May mga umaasa nga na makitang mag-perform sa isang production number sina Vina at Julie Anne San Jose, na mainstay ng AOS.

Dara’s bandmates  her “In Or Out” dance steps | PEP Hot Story

Tulad ni Vina ay mahusay na singer at magaling ring sumayaw si Julie Anne.

Nagkakilala na ba sila?

Pag-amin ni Vina, “I’ve never worked with her, I never had the chance to work with her.

“Kasi ang nangyayari… wala pa.

“Sa concerts, wala pa. Hindi ko pa nakakatrabaho si Julie Anne.”

Pero napanood na raw niyang mag-perform si Julie Anne.

Lahad ni Vina, “I’ve seen her perform. Oo naman, she always shines!

“Ang galing naman talaga niyang kumanta, sumayaw, umarte.

“Yung boyfriend lang niya ang palagi kong nakakasama, si Rayver,” ang tumatawang banggit ni Vina kay Rayver Cruz na dati ring Kapamilya na ngayon ay Kapuso na.

VINA OPENS 2025 WITH MAJOR CONCERT

Samantala, sa January 24, 2024 ng alas otso ng gabi ay sa ballroom ng Winford Hotel Manila mapapanood si Vina sa The Ultimate Performer: Vina Morales, Live In Concert.

Front act performers ng concert sina David Young at Nathan Randal, na talent ng Viva Artists Agency.

Special guests naman sa concert sina Dindo Fernandez na binansagang “Soulful Balladeer” at ang Crossover Diva na si Nina Campos.

VVina Morales (middle) with concert guests (L-R) Nina Campos, Dindo Fernandez, Nathan Randal and director Vergel Sto. Domingo

Vina Morales (middle) with concert guests (L-R) Nina Campos, Dindo Fernandez, Nathan Randal and director Vergel Sto. Domingo 
Photo/s: Rommel Gonzales

Ang The Ultimate Performer: Vina Morales, Live In Concert ay sa direksyon ni Vergel Sto. Domingo at mula sa VCSD Entertainment Productions.