bearking news : Veteran stars talk about working in different TV networks (uyen)

Pinky Amador, Rita Avila, Lloyd Samartino and Simon Ibarra talk about advantages of working with stars from different networks

Pinky Amador, Rita Avila, Lloyd Samartino, and Simon Ibarra talk about working with stars from different networks and their longevity in showbiz.
PHOTO/S: Instagram / Rommel Gonzales (Lloyd Samartino)

Masaya ang cast members ng Huwag Mo ‘Kong Iwan na mas nagkakaroon ng pagkakataong mag-crossover ang mga artista sa iba-ibang TV networks.

Hiningan ng opinyon tungkol dito ang veteran stars na sina Pinky Amador, Rita Avila, Lloyd Samartino, at Simon Ibarra.

PINKY AMADOR

Para kay Pinky, maraming pagkakataong nakakatrabaho niya ang Kapuso at Kapamilya stars.

Huli siyang napanood sa Abot-Kamay Na Pangarap, ang serye sa GMA-7 na tumagal ng dalawang taon.

Lahad ni Pinky: “Siguro parang ngayon, dahil di ba nga sabi nila, wala na, the network wars do not exist anymore.

“So, actually lahat naman sila dito except for the kids and Nella [Dizon na anak ng aktor na si Allen Dizon], hindi ko pa nakakatrabaho.

“Most of them nakatrabaho ko na.”

Binanggit din ni Pinky na nakatrabaho niya na sa GMA-7 si Rita Avila, na bahagi ng ongoing Kapuso series na Lilet Matias: Attorney-at-Law.

Tinatawag ni Pinky si Rita sa tunay na pangalan ng huli na Ana.

“And kami ni Ms. Ana, naku, kailan ba yung last show natin? Innamorata yata for GMA,” ani Pinky.

Ang Innamorata ay ang 2014 romance/drama/fantasy series na pinagbidahan nina Max Collins, Dion Ignacio, Luis Alandy at Jackie Rice.

Pagpapatuloy ni Pinky, “Basta we were together in some show—pasensiya na kayo kasi forty one years na ako sa industry, kaya yung iba nalilimutan ko na.

“Pero thankful naman ako na hanggang ngayon nabibigyan pa naman ng pagkakataon to tell stories.”

Higit sa home network ng isang artista, tingin ni Rita ang talagang konsiderasyon ay kung sino ang nababagay sa isang role.

“I think it’s a great thing that with people, with our producer and our director, they tend to encompass who they really think is the best for the role.

“Mapa-galing ABS or GMA or pelikula or TV5 or teatro, talagang pinipili lang nila who they think is the best to be cast for the role, and that’s good for us actors.

“Kasi nae-enrich din kami sa aming samahan.”

RITA AVILA

Inihayag ni Rita na puwede siya talagang magtrabaho sa kahit anong TV network dahil per project ang kanyang kontrata.

Paliwanag ni Rita: “Ako kasi freelancer, so I get to work with ABS and GMA young stars.

“Ang maganda dun, makikita mo kung anong klaseng breed ang mga bata.”

Inilarawan ni Rita ang napansin niyang positibong ugali ng bida sa Huwag Mo Kong Iwan na si Rhian, na isang Kapuso star.

“Actually si Rhian is a very, very good young star, dahil alam naman nating lahat na hindi lahat ay ganoon.

“Tapos ise-share ko sa inyo itong trivia about Rhian, nasa loob kami ng tent, masikip.

“Nauna siyang dumating so nandun na yung mga gamit niya.

“Tapos pagpasok namin nung RM [road manager] ko… okay naman na kami dun sa small space, pero she stood up, siya mismo nag-ayus-ayos nung gamit to give us more space.”

CONTINUE READING BELOW ↓

NOOD KA MUNA!
Anne Curtis unveils Madame Tussaud wax figure of herself | PEP Hot Story #shorts

Patuloy ni Rita: “Na-impress ako kasi may iba rin na pakialam nila kung wala kang maupuan, wala kang malugaran, meron yung uupo sa gitna na as if they own the place, yung ganyan.

“So, kakaibang nilalang ang magandang iyan.”

LLOYD SAMARTINO

Freelancer din si Lloyd na co-star ni Rita sa Kapuso series na Lilet Matias: Attorney-at-Law ng GMA.

“I’m very happy to work with anyone,” umpisang pahayag ni Lloyd.

“I think as actors, lalo na kaming mga character actors, we hope that we will be given the opportunity to sign with one or the other TV station.

“We’re very fortunate na we’re still working!”

Parehong artista mula ’80s sina Rita at Lloyd.

“Sabi ko nga kay Ana, ‘Can you imagine nandito pa rin tayo?’

“We’re playing older roles but we’re still around. Kasi hindi naman puwedeng puro bata ang ika-cast sa isang pelikula o isang serye.

“So I hope that we continue to be given the opportunity to work in all stations.”

SIMON IBARRA

Para kay Simon, isang advantage ng freelancer ay nagkakaroon ng oportunidad na makasalumuha ang iba-ibang artista.

“Siyempre bilang matagal na sa industriya ng konti, nakikita mo kung papaano nag-evolve yung klase ng mga artista,” saad ni Simon.

“Merong sabi nga ni Ms. Ana, may mabait, may pakialam, merong walang pakialam, so ganun lang yun.

“Siyempre kami namang mga character [actors] trabaho lang. Lagi naming binibigay yung best namin para sa character.

“Yung personal siyempre kanila iyon.”

Pagtukoy naman ni Simon sa cast ng Huwag Mo ‘Kong Iwan, “But maayos naman lahat katrabaho lalo na itong grupo na ‘to.”

Nakapanayam ng PEP.ph sina Pinky, Rita, Lloyd, at Simon sa mediacon ng Huwag Mo ‘Kong Iwan, na ginanap noong November 12, 2024 sa Ilang-Ilang Café sa The Manila Hotel sa Ermita, Manila.

Bukod kay Rhian, bida sa pelikula ang Kapamilya actor na si JC de Vera at Kapuso actor na si Tom Rodriguez.

Ang Huwag Mo ‘Kong Iwan ay sa direksyon ni Joel Lamangan, sa produksyon ng BenTria Productions ni Engineer Benjie Austria, at line producer si Dennis Evangelista.

Nasa cast rin ng Huwag Mo ‘Kong Iwan sina Emilio Garcia, Jim Pebanco, Tanya Gomez, Marcus Madrigal, Felixia Crysten, Ricci Jereza-Chan, King David, Panteen Palanca at Mygz Molino.

Palabas ito sa mga sinehan ngayong Nobyembre 27.

 

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News