Alexa Miro and Rob Gomez

Showbiz newbies Alexa Miro and Rob Gomez have not been spared from controversies despite being greenhorns in showbiz industry. Find out what they learned and how they’ve moved on from such issues.
PHOTO/S: Bernie V. Franco

Hindi raw sumagi sa isip nina Rob Gomez at Alexa Miro na mag-quit sa showbiz sa kabila ng mga kontrobersiyang kinasangkutan nila.

Maituturing na parehong newbies pa sa showbiz ang dalawang artista, pero may mga isyu na silang kinasangkutan.

Noong nakaraang taon, may dalawang malaking kontrobersiyang pinagdaanan si Rob.

Una ay ang pagkalat ng umano’y private conversations niya kina Herlene Budol at Bianca Manalo na naging co-stars ni Rob sa isang Kapuso teleserye.

Ani Rob, na-hack ang kanyang social media account at may nagpakalat sa private conversations na iyon.

Pangalawa, ay ang relasyon nila ng beauty queen na si Shaila Rebortera.

Rebelasyon ni Shaila, sinabihan umano siya ni Rob na ilihim ang kanilang relasyon para maalagaan ang career ng aktor.

Ibinunyag ni Shaila na may anak na sila ni Rob. May patutsada rin ang beauty queen na isa siyang battered girlfriend.

Si Rob ay ipinagtanggol naman ng kanyang inang si Kate Gomez, dating aktres at kapatid ng aktor na si Gary Estrada.

Si Alexa Miro naman ay nali-link sa First Son at Ilocos Norte 1st District Representative Sandro Marcos.

Iginigiit ng aktres na matalik na magkaibigan lamang sila ng pulitiko sa kabila ng sightings sa kanila sa loob at labas ng bansa.

Sa isang recent presscon, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dalawa sa pagkakasangkot nila sa mga isyung ito.

ROB AND ALEX REACT ON HANDLING CONTROVERSIES

Magkasama ngayon sina Rob at Alex sa Metro Manila Film Fest entry na Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital na pinagbibidahan din ni Enrique Gil.

Matagal nang magkaibigan sina Rob at Alexa. Hindi rin ito ang unang pelikulang kanilang pinagsamahan.

Kahit na nasangkot sila sa mga isyu at nakatanggap ng mga bashing, hindi rin sumagi sa isip ng dalawa na iwan ang showbiz.

Paliwanag ni Rob, childhood dream niya ang mag-artista, kaya hindi niya sasayangin ang pagkakataon ngayong napasok niya sa showbiz kahit may mga intriga.

“I love it so much, I think it’s the easiest thing in the world,” aniya sa PEP.

Pagdating naman sa intriga, “I would rather prove it to myself than prove it to others.

“I’m already here, why leave? I’m lucky to be in the position that I’m at and I worked so much already.”

Ganito rin ang sentimyento ni Alexa.

“I don’t think any issue will make me give up. I think lang, syempre, it will get me down.

“Maybe in the future kung anuman iyan, kung sobrang bigat I will feel like I want to give up…

Ano ba itong statement ni Alden Richards tungkol sa kanyang PAGHUHUBAD?! | PEP Spotlight

“But in my core, I will never because this has been my passion as a kid.”

Enrique Gil, Alexa Miro, Rob Gomez

Enrique Gil, Alexa Miro, and Rob Gomez star in the Metro Manila Film Fest entry “Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital” 
Photo/s: Bernie V. Franco

Aminado siya na noong simula ay affected nang masangkot sa mga isyu.

“When you experience it for the first time, you get affected. Masisira siguro yung self-worth mo.

“From time to time you would think na you are ruining your own career… na may ibubuga ba ako; may matututunan ba ko dito?

“But time is the best teacher. We really mature overtime and continuous exposure to issues, nagu-grow tayo as a person.

“Nalalaman natin kung paano to better deal with iyon and kung saan tayo dapat tayo dapat nagu-grow [which is] from the inside.”

Sagot ni Rob ukol sa kanyang natutunan: “I think I learned that you shouldn’t really care what other people think.

“There will always be people who would say bad things. There will always be bad in someone’s eyes, coz they wanna see you like that.

“So you just have to know yourself, and you don’t want to prove or to say you’re a good person. You just wanna be one.”