bearking news : Model skips BFF’s wedding as bridesmaid due to unhealthy menu (uyen)

Photos of Tiele Azambuja

Ayaw ni Tiele Azambuja na masira ang kanyang figure kaya sinabi sa kaibigang ikakasal na magbabaon siya ng sariling meal sa wedding day. Nang hindi pumayag ang kaibigan, umayaw na lang siyang maging bridesmaid nito. (Photos: @tiele.azambuja on IG)

Tumanggi ang Brazilian bodybuilder and booty model na si Tiele Azambuja na maging bridesmaid ng kanyang best friend.

Ginawa niya ang mabigat na desisyon matapos siyang sabihan na hindi puwedeng magdala ng sariling food sa wedding reception.

Sa panayam sa kanya ng news website na NeedtoKnow, ipinagtapat ni Tiele na siya ay carb-conscious.

Ayon sa 29-year-old model, “I take my lifestyle very seriously.”

Photo of Tiele Azambuja

Disiplinado sa pagkain si Tiele Azambuja bilang isang model. Photo: @tiele.azambuja on IG

Isang fitness influencer, ayaw niyang masira ang whistle-bait figure na kanyang pinaghirapan.

Aniya, kung maganda man ang kanyang pangangatawan ngayon, resulta iyon ng kanyang pagdidisiplina sa sarili.

May dahilan naman siya kung bakit gusto niyang magbaon ng sariling food.

“I knew that on the wedding day, with so many dishes full of sugar and carbs, my meal prep would be essential.”

MODEL NAG-REQUEST NG SARILING HEALTHY MENU SA WEDDING PERO AYAW PA RIN NG BRIDE

Pagbabahagi ni Tiele, sinabi niya sa kanyang kaibigan na kailangang may sarili siyang healthy menu para sa wedding—kung ayaw nitong magbaon siya.

Pero tinanggihan ng bride ang idea.

Dahil doon, kagyat na rin siyang tumangging maging bridesmaid.

“If I couldn’t bring my meals, I wouldn’t attend the wedding.”

Simula noon, nagkaroon sila ng matinding tampuhan.

Pagtatapat pa niya, nalulungkot din siya dahil nakabili na siya ng damit pang-abay.

Para kay Tiele, kakatwa man ang kanyang dahilan sa pagtangging maging bridesmaid ng BFF, pero hindi aniya option na mag-skip siya ng healthy diet.

May mga dahilan naman si Tiele kung bakit ganun siya kadisiplinado sa diet.

Pinangangalagaan niya ang figure.

Runner-up siya sa Miss BumBum 2024 pageant—isang annual contest sa Brazil para sa may pinakamagandang puwet.

Back photo of Tiele Azambuja

Pambato ni Tiele Azambuja ang kanyang pinakaiingatang pigura. Photo: @tiele.azambuja on IG

Ang sukat ng kanyang behind ay 39 inches.

Ani Tiele, “I understand it’s her day, but I also need to take care of my body and health.

“I can’t just step out of my diet overnight.

“It wasn’t easy to make this decision, because I knew how special this moment is for her.”

HINDI IPAGPAPALIT ANG ISANG ARAW NA SIRANG DIET SA MAHABANG PANAHON NG PAGDISIPLINA SA SARILI

Ibinahagi rin ni Tiele na nagkaroon pa sila ng argumento ng kanyang kaibigan.

Katwiran umano nito sa kanya, 12 oras lang naman ang itatagal ng seremonya.

At dahil kumakain naman umano si Tiele kada tatlong oras, sinabi sa kanya ng kaibigan na hindi naman siguro makakaapekto sa kanya kung hindi siya magbabaon ng pagkain.

“But I couldn’t go against everything I’ve built over the years for the sake of one day.”

Ani Tiele, hindi siya nagsisisi sa kanyang naging desisyon.

“It was a hard choice, but I know what I did was right for me.

“Maintaining discipline and consistency is a principle I apply to every aspect of my life.”

Dagdag pa niya, “By making this choice, I believe I honored that part of myself.”

 

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News