Dominic Roque proud of "bro" Kathryn Bernardo for Hello, Love, Again

Dominic Roque (left) praises Kathryn Bernardo’s (right) success in Hello, Love, Again: “Congratulations Brooo! I’m proud of you!”
PHOTO/S: Dominic Roque on Instagram

Proud na proud ang aktor na si Dominic Roque sa tagumpay ng bagong pelikula ng kanyang “bro” na si Kathryn Bernardo, ang Hello, Love, Again.

Sa Instagram nitong Sabado, November 16, 2024, ibinahagi ni Dominic ang paglalaan niya ng oras para panoorin ang pelikula nina Kathryn at Alden Richards sa ika-apat na raw nito sa mga sinehan.

Dominic Roque proud of

Photo/s: Dominic Roque on Instagram

Alam daw ni Dominic ang sakripisyo at paghihirap ni Kathryn para gawin ang Hello, Love, Again, kaya naman ganoon na lamang ang kanyang saya nang tuluyan na itong lumabas sa takilya.

Mababasa sa caption ni Dominic, kalakip ang ilang kuha nilang litrato ni Kathryn pagkatapos nilang manood (published as is), “Hello, Love, Again. Congratulations Brooo! I’m proud of you!

“Lam ko pagoood, sayaaa, trinabaho mo talaga to, pinag handaan mo talaga, at kung anu anu pa!”

Dominic Roque proud of

(L-R) Aivee’s CEO and founder Dr. Z. Teo and his wife Aivee Teo, Kathryn Bernardo, Dominic Roque. 
Photo/s: Dominic Roque on Instagram

Bukod sa malapit niyang kaibigan na si Kathryn ay binati rin ni Dominic ang lahat ng bumubuo ng pelikula sa maganda raw nitong kinalabasan.

Aniya, “Ang gagaling nyo, ang ganda ganda ng pelikula, sulit na sulit!

“Congratulations po sa lahat ng bumubuo ng Hello, Love, Again.

Alden Richards: “People will change… and sometimes it can break your heart.”

HELLO, LOVE, AGAIN sets record in earning P245M in just three day

Patuloy na lumilikha ng panibagong box-office records ang pelikulang Hello, Love, Again nina Kathryn at Alden.

Ayon sa ABS-CBN, ang reunion movie ng KathDen ay humamig ng PHP90M sa ikatlong araw nito sa local cinemas, kaya umabot na sa PHP245M ang ticket sales nito sa loob ng three days.

Ang Hello, Love, Again ay nagbukas sa 656 sinehan nationwide noong November 13, at nagtala ng record-setting opening-day gross na PHP85M (hindi adjusted sa inflation) sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino.

Record-setting din ang dami ng sinehang pinagpalabasan para sa isang pelikulang Pinoy.

Sa pangalawang araw nito noong November 14, bumaba ng halos 18% ang kinita ng Hello, Love, Again — PHP70M. Umabot sa PHP155M ang two-day gross nito.

Maituturing ring fastest Filipino film to reach the PHP150M-mark ang sequel ng Hello, Love, Goodbye (2019).

Ngunit pagdating ng ikatlong araw nito noong November 15, tumaas ng 28% ang hinamig ng Hello, Love, Again.

Naka-PHP90M ito sa 726 cinemas, at umabot na nga sa PHP245M ang cumulative gross sa mga sinehan.

Ang PHP90M ang pinakamalaking single-day box-office gross para sa isang local film.

Bukod sa kinita, ang 726 cinemas sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang tinatayang pinakamalawak na pagpapalabas sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino.