bearking news : Dennis Padilla hopes for longer talk with estranged children (uyen)

Dennis Padilla misses children Julia, Claudia, Leon

Actor-comedian Dennis Padilla on children Julia, Claudia, and Leon Barretto: “I want a longer conversation with them. Na walang editing. Walang editing. Hopeful ako na magkaroon kami ng long talk. Na open and civil, di ba? Without, you know, wag nang, wag nang bangitin yung mga heartaches.”
PHOTO/S: Courtesy: Julius Babao UNPLUGGED on YouTube

Umaasa pa rin si Dennis Padilla na magkaroon sila ng mahabang pag-uusap ng mga anak niyang sina Julia Barretto, Claudia Barretto, at Leon Barreto tungkol sa kani-kanilang buhay.

Sina Julia, Claudia, at Leon ay anak ni Dennis sa ex-wife niyang si Marjorie Barretto.

Dennis Padilla with Julia, Claudia, Leon

Photo/s: Courtesy: Instagram

Sa YouTube page ng broadcaster na si Julius Babao noong Huwebes, November 21, 2024, nagbigay ng panayam ang actor-comedian na si Dennis.

Sa isang bahagi ng panayam, napag-usapan ng dalawa ang tungkol sa tatlong anak ni Dennis kay Marjorie.

Ipinakita pa ni Dennis ang collection niya ng mga magazine cover ni Julia.

Kailan niya huling nakausap nang personal si Julia?

Sagot ni Dennis, “Four years ago, mga panahon… sana ma-sit down ba na I will listen to them first.

“Maybe I can give them the first two hours and then, pagkatapos nila, ako naman ang magsasalita for another two hours.

“Pero I can summarize that in 30 minutes maybe.”

Alam daw ni Dennis na may puwang ang puso ng mga anak para sa kanya dahil minsan ay binabati naman siya ng mga ito.

Kaya umaasa siyang magkaroon sila ng mahaba-habang pag-uusap.

Lahad niya, “Yes, I want a longer conversation with them. Na walang editing. Walang editing.

“Hopeful ako na magkaroon kami ng long talk. Na open and civil, di ba?

“Without, you know, wag nang, wag nang banggitin yung mga heartaches.

“Ang pagkwentuhan na lang natin is yung buhay ko ngayon, buhay niyo ngayon, yun na lang ang pag-usapan.”

SPECIAL OCCASIONS

Sa mga espesyal na okasyon, kagaya ng mga kaarawan ng mga anak, gumagawa raw ng paraan si Dennis na batiin ang mga ito sa social media.

Intentional ba ito?

Sagot ng komedyante, “Yes, yes, para makita nila na hindi ko naman sila nakakalimutan.

“Saka para malaman nila na, although hindi naman nila kailangan mag-reply, para makita rin nila na nagri-reach out pa rin ako kahit na hindi sila nakaka-reply o hindi nila na-acknowledge yung mga greetings ko.

“Kasi as a parent, as a father, I had nothing to lose. I mean, basta ang importante sa akin, malaman ng mga anak ko na nagri-reach out ako.

“That’s the most important thing, na nagri-reach out ka.”

Hindi ba nakakalungkot ang ganun?

Tugon ni Dennis, “Sometimes, there are days napu-fustrate ka.

“There are days na magagalit ka. May mga days na nagtatampo ka.

“Pero pag dumating yung date ng Christmas, nakakalimutan ko na yun…”

Nawawala naman daw kaagad ito kung nagkakausap sila o kaya isa sa mga anak niya ang may birthday.

Aniya, “Kunyari, nagtampo ka, sumama loob mo dahil hindi nagri-reach out sa yo.

“E, tapos, birthday. So, birthday nga pala ni ano, gagawa pa rin ako ng sulat tapos ipu-post ko. O kaya gagawa ako video.

“‘Happy birthday, anak. Blah, blah, blah, blah, blah, blah.’

“Kumbaga, kung ano yung pain na naramdaman mo, o yung tampo na naramdaman mo, automatic yun, nae-erase yun, nawawala.”

DENNIS PADILLA: “I already publicly apologized to them…”

Hindi ba siya nadadala na walang sagot ang kanyang mga mensahe o nasanay na siya?

Ayon kay Dennis, “Sanay na kasi it has been happening for more or less, mga ano na rin, e, eight years? Mga eight years na rin. Tagal na.”

Ano kaya ang mga dahilan kung bakit hindi sila sumasagot sa kanya?

Saad ni Dennis: “Siguro marami din ako naging pagkukulang sa kanila, maybe emotionally, financially, lahat na, pinagsama-sama.

“Kaya lang, akin lang Julius, di ba, I already publicly apologized to them kung ano man yung pagkukulang ko dahil ganun ang buhay, di ba?

“Ang pagiging artista, alam mo naman yan, nasa daigdig natin yan, e, na may mga buwan o may mga taon na talagang siksik at ang dami.

“Meron may mga buwan, seasons, ganun talaga yun, di ba, ang artista, ganun.

“Hindi lang artista, kundi pati the people behind the cameras. May mga months na talagang wala.

“Kaya that’s why you have to save para habang wala.

“E, may dumating din yung mga punto nung maliliit pa yung mga anak ko na noong mawala ako sa pulitika, nagkataon naman, pati yung movie career at TV career ko…

“Tapos wala na ako sa politics. So, sabay. So , uring that time, talagang ang hirap.

“Kung ano lang meron ako, yun lang ang mabibigay ko. So siguro, isa yun sa pagkukulang ko nung mga taon na yun.

“And luckily naman, kahit na meron akong naging pagkukulang na ganun, hindi naman ibig sabihin na yung pagmamahal ko sa kanila ay nabawasan. Parang ngang nadagdagan pa.

“And nung mangyari sa akin yung pagkukulang na yun sa kanila, parang lalo silang naging blessed.

“Kung kumbaga, ‘O dahil may pagkukulang yung tatay niyo, i-bless ko kayo.’

“Na-bless sila, lalo silang naging sikat, gumanda ang career, yumaman. I mean, yung maginhawang pamumuhay.

“So, sabi ko, siguro yun ang naging regalo sa kanila ng Panginoon na maging maganda yung buhay nila.”

DENNIS PADILLA: “Naiyak ako pag nagre-reply.”

Hinala ni Dennis, kapag naging magulang na rin ang kanyang mga anak ay mari-realize na ng mga ito ang nangyari sa kanya.

Sabi niya: “Siguro kung magiging parents na rin sila someday, siguro doon pa lang nila mari-realize na, ‘Ah, kaya pala ganun ang tatay ko.’

“Kasi ako, nung mangyari sa amin ito, doon ko lang na-realize yung mga nangyari sa amin ng tatay ko.

“Kasi nung araw din, nagkaroon din naman kami ng tampuhan ng tatay ko at ng nanay ko. Natural lang yun sa bawat Pilipinong pamilya.

“And pag nagkabati naman kayo, nag-strengthen yun, e. Kasi ayaw niyo na mangyari ulit yun.

“So I hope na pag naging parents na rin yung mga anak ko, ganun din yung maging outlook nila na, ‘Kaya pala ganun ang tatay ko, kahit na hindi kami nagre-reply sa kanya, nagri-reach out pa rin.'”

Si Dennis ay anak ng yumaong comedian na si Dencio Padilla.

Ano ang nararamdaman niya kapag nag-reply ang kanyang mga anak?

Sabi ni Dennis, “Naiyak ako. Naiyak ako pag nagre-reply.

“The last time na nag-reply sa akin si Julia was… mag-one year na rin nung birthday ko.

“Nung birthday ko tsaka nung Father’s Day. After ilang years, nakatanggap ako ng ‘Happy birthday, Pa.’ Tapos sumunod yung, ‘Happy Father’s Day, Pa.’ Ganun, one phrase.”

Sobrang saya mo?

“Oo, sobrang saya ko. Sabi ko, buti na-acknowledge,” sabi ni Dennis.

“Ah, ‘Buti nag-reply this time.’ So parang, siyempre pag hindi mo ini-expect tapos may ganun, mas ano yung happiness mo, e.

“I mean, sa ibang tao, pang-araw-araw lang nila yun, ganung batian ng tatay at anak, pang-araw-araw.

“Sa akin, siyempre, parang every two years, or every three years ko lang na-experience yun.

“So, sa akin, malaking bagay talaga sa akin.

“Yung happiness na nadudulot nung maikling mga salita na yun, talagang tagos.”

 

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News