Chloe San Jose clarifies "back to you" remark to Ai-Ai delas Alas

Chloe San Jose (left) on why she chose to make her post about Ai-Ai delas Alas (right) private: “Because I do not involve myself in other people’s private lives PUBLICLY (especially without understanding and knowing the full story) and contribute to you all’s clown and fake entertainment.”
PHOTO/S: Screengrab GMA Network on YouTube/Chloe Anjeleigh San Jose on Facebook

Kinumpirma ng controversial content creator na si Chloe San Jose na siya ang nag-repost at nagkomento sa isang lumang artikulo tungkol sa kanila ni Ai-Ai delas Alas.

Noong Martes, November 12, 2024, kumalat sa social media ang screenshots ng pagbuwelta ni Chloe sa naging payo noon Ai-Ai sa kanya.

Kaugnay ito sa paninisi ng netizens kay Chloe sa gulo ng pamilya ng nobyo niyang si two-time Paris Olympic gold medalist Carlos Yulo.

Noong September 12, sa pamamagitan ng live video, nagbigay ng payo si Ai-Ai kay Chloe tungkol sa pakikipagrelasyon, partikular na ang tamang pakikitungo at pagrespeto nito sa ina ni Carlos na si Angelica Yulo.

Ito ay sa gitna ng pasaringan nina Chloe at Angelica makaraang mailantad sa publiko na hindi boto si Angelica kay Chloe para kay Carlos.

Pahayag noon ni Ai-Ai kay Chloe: “Kasi nanay yan, e. Kung wala yung nanay niya, wala kang darling ngayon. Kaya, girl, huwag mo siyang aawayin.

“Tsaka hindi ka pa asawa, girl. Girlfriend ka pa lang.

“Kapag asawa ka na, puwede na. Pero kapag girlfriend pa lang girl, huwag mo munang awayin.

“Kasi alam mo naman ang mga mommy, di ba? Isa yan sa mga way na magiging harmonious ang inyong relationship.”

Makalipas ang ilang buwan, binalikan ni Chloe ang artikulong nailathala tungkol sa naging payo noon sa kanya ni Ai-Ai sa pamamagitan ng pagsi-share nito sa kanyang Facebook account.

Nangyari ito ilang araw matapos isapubliko ni Ai-Ai ang pakikipaghiwalay sa kanya ng asawang si Gerald Sibayan.

Mababasang caption ni Chloe sa kanyang shared post (published as is): “Back to you mamang, hindi para pagtawanan ang sitwasyon mo pero ang ginagawa mo sa iba ay babalik din sa’yo ng 10x ‍—it’s just the universe’s law.”

Chloe San Jose fires back at Ai-Ai Delas Alas

Photo/s: Screengrab @Facebook

Sa comments section ng shared post ay ibinahagi pa ni Chloe ang screenshoot ng artikulong inilathala naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na may titulong “AI-AI DELAS ALAS TO CELEBRATE 60TH BIRTHDAY WITH A BROKEN HEART.”

Caption niya rito ay crying with tissue emoji.

Chloe San Jose fires back at Ai-Ai Delas Alas

Photo/s: Screengrab @Facebook

Dahil sa matapang at direktang post na ito ni Chloe, marami sa kanyang fans ang nagdalawang-isip kung ang nobya nga ba ni Carlos ang mismong nag-post nito, gayong hindi naman ito nakikita sa kanyang Facebook feed, kung ngayon ay bibisitahin.

Ayon sa Reddit, naka-“friends of friends” daw ang post na ito ni Chloe kaya’ hindi makita ng mga hindi niya friend at pina-follow sa Facebook.

Chloe asserts “back to you, mamang” remark to Ai-Ai is not offensive

Bagay na hindi na itinanggi pa ni Chloe.

Ngayong Huwebes, November 14, ng-post si Chloe ng video niya habang siya ay nasa Seoul, South Korea.

Sa comments section nito ay dumagsa ang komento ng netizens na pinapa-public ang post niya patungkol kay Ai-Ai.

Komento ng isang netizen (published as is), “Asan na po ate yung patama mo kay ma’am ai ai?”

Dagdag ng isa (published as is), “stay authentic daw sya pero naduwag i public ang post. Atleast si Ai nung nagpayo, direct sa kanya e sya naka hide, backstabber ang datingan [laughing in tears emoji].”

Chloe San Jose clarifies

Photo/s: Screengrab Chloe Anjeleigh San Jose on Facebook

Nabasa ito ni Chloe kaya ipinaliwanag niya kung bakit siya nagdesisyong huwag i-public ang pagbuwelta niya kay Ai-Ai.

Ayon sa nobya ni Carlos, una pa lang ay wala siyang balak i-public ang post dahil ayaw umano niyang madawit sa kontrobersiya ng iba.

Hindi rin daw niya kasalanan ang pagkalat ng screenshots, gayong inihayag lang naman niya ang kanyang saloobin.

Paninindigan pa ni Chloe, walang masama sa isinulat niyang caption, na maaari rin daw maging payo niya ngayon kay Ai-Ai.

Saad ni Chloe: “Why didn’t I make the post public? Because I do not involve myself in other people’s private lives PUBLICLY (especially without understanding and knowing the full story) and contribute to you all’s clown and fake entertainment.

“It’s beyond my control that someone took a screenshot of what was intended as a “private” post… Now, let’s consider if I had posted it publicly. My caption was neither derogatory nor offensive in any way. So, why the outrage?”

Diin pa ni Chloe, hindi naman niya ito gagawin kung hindi naging duwag ang iba na kausapin siya in private kung mayroon mang nais sabihin o ipayo ang mga ito sa kanya.

Aniya, “Isn’t it actually more cowardly for people to discuss me publicly yet never address me directly in private, considering they have both the means and access to reach out directly.

“The true courage, “matapang” and meaningful discussions take place offline, not on the internet.”

Chloe San Jose clarifies

Photo/s: Screengrab Chloe Anjeleigh San Jose on Facebook

Ai-AI’S Daughter SOPHIA Calls Out ChLOE

Samantala, sa nasabing video na ipinost ni Chloe ay bumuwelta rin ang nag-iisang anak na babae ng Comedy Queen na si Sophia delas Alas Bautista.

Kilala si Sophia na palaban, matapang, at hindi papayag na maagrabyado ang nanay niya.

Hinamon niya si Chloe na isapubliko nito ang social media post na pinaniniwalaan niya na para sa kanyang ina.

Komento ni Sophia sa post ni Chloe (published as is): “Matapang ka? Public mo naman post mo regarding my mom.

“Kita tayo sa Manila? Matapang ka eh.”

Reply sa kanya ni Chloe (published as is): “messaged you love [smiling face with hearts emoji].”

sophia delas alas comment
Nagkomento si Chloe sa mismong link ng artikulong inilathala ng PEP.ph sa Facebook.

Ayon kay Chloe, nagkakalat ng “misleading news” ang PEP.ph dahil “FAKE aacount” daw ang gumamit na pangalan ni Sophia at nagpadala sa kanya ng mensahe at nagkomeno sa post niya.

Ngunit base sa pagsasaliksik ng PEP.ph, napag-alamang verified na kay Chloe ang nasabing account.

chloe san jose post