Ai-Ai delas Alas keeps her supporters updated after confirming her breakup with estranged husband Gerald Sibayan. The Comedy Queen is keeping herself busy such as hitting the gym. She also recently visited a facility center for the elders to celebrate her 60th birthday.
PHOTO/S: @msaiaidelasalas on Instagram / GMA Network
Sa halip na magmukmok, “lumalaban” ngayon si Ai-Ai delas Alas para makabangon muli matapos kumpirmahing hiwalay na sila ng asawang si Gerald Sibayan.
Pinagtutuunan daw ng pansin ngayon ng Comedy Queen ang sarili at gumagawa ng mga bagay na makabuluhan, tulad ng pagtulong sa kapwa.
Sa kanyang TikTok account kahapon, November 14, 2024, nag-post ng short video ang Kapuso star ng compilation ng kanyang glamour shots.
May accompaniment itong upbeat song.
May text overlay itong “GETTING ON” na nangangahulugan ding progress.
Caption naman niya rito: “Moving Forward”
Ngayong Biyernes naman, November 15, nag-post siya sa Instagram ng kuhang video habang nagwo-workout sa isang gym studio.
Ipinakita niya sa video na nag-e-effort siyang mag-workout kahit mahirap.
Sa isang punto ng video, tumingin siya sa camera sabay sambit ng, “Lumalaban!”
Ibinahagi pa ni Ai-Ai sa kanyang post na may babae sa gym na lumapit sa kanya at ipinagdasal siya. Labis niya raw itong na-appreciate.
Pagbabahagi ni Ai-Ai: “…may isang beautiful Lady na nag bigay ng prayers saken sa gym .. Her name is Karen .. sana Mabasa nya to .. super thank you and God bless your husband and your kids kung meron man.”
POST-BIRTHDAY CHARITY DEED
Isang makabuluhang post-birthday celebration naman ang ginawa ni Ai-Ai nang bumisita siya sa isang elderly care center sa Maynila.
Ipinagdiwang niya ang kanyang 60th birthday noong November 11, 2024.
Kuwento ni Ai-Ai sa kanyang post, taun-taon niyang panata na bisitahin ang elderly care center na ito tuwing kaarawan niya, at masaya siyang mulng nakabalik dito kahit belated birthday na niya.
Ipinost ni Ai-Ai ang ilang larawan sa kanyang pagbisita at ikinuwento ang ilang highlights.
Parte ng kanyang post (published as is) “…si nanay kinakantahan ako and ako din kinantahan ko sila..
“tapos mga volunteers nag papicture nung una takas takas pa kasi bawal pero nag paalam sila sa mga sisters pinayagan sila haha ..”
Pinuri rin niya ang volunteers sa facility dahil sa pag-aalaga ng mga nakatatanda roon.
Bukod pa rito, nagawa pang sumagot ni Ai-Ai sa ilang supporters na nagkomento sa ginawang Facebook post.
END OF TEN-YEAR RELATIONSHIP
Kinumpirma ni Ai-Ai na nagwakas na ang ten-year relationship nila ng asawang si Gerald sa guest appearance niya sa Fast Talk with Boy Abunda noong November 11, 2024.
Pahayag ni Ai-Ai, Oktober 14, 2024 nang mangyari ang hiwalayan nila.
Si Gerald umano ang nakipaghiwalay na nagsabing gusto na nitong magkaanak at hindi na siya masaya sa pagsasama nila ni Ai-Ai.
Binanggit din ni Ai-Ai na may kutob siyang may third party sa panig ng estranged husband. Pero hindi na raw niya ito inalam mula kay Gerald.
Hindi na raw kasi mahalaga kung may ibang babae si Gerald o wala dahil desidido na itong hiwalayan si Ai-Ai.
Paliwanag ng aktres, “Pero it doesn’t matter kung meron o wala. Kasi nung sinabi niya na firm na siya sa decision, wala na naman akong ilalaban, di ba?
“Kapag lumaban pa kasi ako, kunyari nag-stay ako, alam ko naman ang magiging ending. Yung dignity at self-worth ko, mawawala na yon.”
News
SHOCK: Paulo made an indignant statement when he learned the reason Xian Lim did not want to marry Kim Chiu, shocking fans, that is.. (uyen)
Kim Chiu and Paulo Avelino set a new standard to love teams by keeping their chemistry as real and natural as it gets through their bond With a community inspired by the force of love, there is no denying that…
Karylle finally talks about her past breakup with Dingdong Dantes…increasing security secrets are revealed (uyen)
It’s been years since actress-singer Karylle and actor Dingdong Dantes broke up, but back when the wounds were still fresh, Karylle chose not to talk about the issue and instead strived to move on with her life. In an interview with Boy Abunda for the news…
shocking news : Chariz Solomon recounts being accused of sexual harassment by former Bubble Gang male co-star (uyen)
Kapuso comedienne Chariz Solomon gives details about a Bubble Gang male co-star who accused her of sexual harassment in the past. PHOTO/S: @chariz_solomon on Instagram Ikinuwento ni Chariz Solomon, 35, ang tungkol sa naging co-star niya sa Bubble Gang na inakusahan siya ng…
أخبار ساخنة: “اكتئاب وهجوم هيفاء وهبي بسبب الغيرة الشديدة.. تفاصيل صادمة عن عمرو سعد وأسرار خفية!” مما تسبب في صدمة للعالم أجمع (SKDA)
حل الفنان المصري عمرو سعد ضيفاً على برنامج “Abtalks” مع الإعلامي الإماراتي أنس بوخش، حيث تحدث عن بداياته الفنية وتجربته الشاقة في الوصول إلى الشهرة. عمرو سعد: رحلة شاقة نحو النجومية وأوضح سعد أنه تعرض لاستبعادات متكررة من أدوار مختلفة قبل أن يحقق نجاحه….
shocking news : Amy Perez on past experience with cheating: “Naka-relate ako.” (uyen)
Amy Perez, who was cheated on in her first marriage, prays for friend Ai-Ai delas Alas amid the latter’s separation from Gerald Sibayan. PHOTO/S: @amypcastillo Instagram Binalikan ng It’s Showtime co-host na si Amy Perez ang naranasang panloloko mula sa kanyang dating…
bearking news : Paolo Contis says he’s now single amid breakup rumors with Yen (uyen)
Paolo Contis (left) admits he’s now “single,” months after netizens started speculating about his breakup with Yen Santos (right). PHOTO/S: @paolo_contis on Instagram Matapos ang ilang buwang espekulasyon sa kanilang relasyon, kinumpirma ng Kapuso actor na si Paolo Contis na single siya…
End of content
No more pages to load