GMA News anchor Atom Araullo confirms he is in a relationship with a colleague. Atom is reportedly in a relationship with ABS-CBN News anchor Zen Hernandez.
PHOTO/S: KC After Hours on YouTube
Hindi nakalusot si Atom Araullo sa tanong ukol sa kanyang love life sa isang recent interview.
Kilala si Atom sa pagiging pribado pagdating sa kanyang personal na buhay, ngunit sa di pangkarinawang pagkakataon ay nagsalita ang Kapuso news anchor ukol sa kanyang “great relationship.”
Si Atom ay napapaulat na karelasyon ang kapwa news anchor na si Zen Hernandez.
Dating parehong nasa bakuran ang ABS-CBN News sina Atom at Zen, subalit lumipat sa GMA News si Atom noong 2017.
Bagamat tikom ang bibig nina Atom at Zen ukol sa estado ng kanilang relasyon, maraming pagkakataong nakunan sila ng mga larawan na magkasama.
Noong August 2024 ay may kuha ang dalawa na magkasama sa Paris Olympic.
May kuha rin silang magkasama na nanood ng pagtatanghal ng Miss Saigon sa Parañaque City noong April 2024.
Noong October 2023 ay magkasama ang dalawa na nagbakasyon sa Hong Kong, kasama ang ilang mga kaibigan.
Atom and Zen watched Miss Saigon in Parañaque City last April 2024.
ATOM ARAULLO ON ZEN HERNANDEZ
Na-interview si Atom ng ABS-CBN News anchor na si KC Constantino sa YouTube channel nitong KC After Hours, at in-upload noong October 26, 2024.
Sa isang punto ng interview, isiningit ni KC ang tanong tungkol sa espesyal na babae sa buhay ni Atom.
Hindi pinangalanan ni KC kung sino ito, pero malinaw sa kanilang mga pahayag ni Atom na kasamahan nila ito sa industriya.
Malinaw rin na si Zen ang babaeng tinutukoy nila.
Tanong ni KC kay Atom, “What drew you to her?”
“You guys are so easy,” papuri ni KC kina Atom at Zen.
May pag-aalinlangan si Atom, subalit sinagot niya ang tanong.
“Well, I like that she has her own dreams, she has her own life, she has her own career, and priorities…” sabi ng Kapuso anchor.
Binanggit din ni Atom na madali silang nagkakaunawaan ng babaeng sinisinta dahil iisa sila ng industriyang kinabibilangan.
Klaro rin sa mga pahayag ni Atom na isang romantic relationship ang namamagitan sa kanila ng babaeng ito.
Sabi ni Atom, “I feel like the reason why we work is because we support each other, and we let each other grow.
“And it’s nice to have someone who understands my work.”
Sa huli ay tinawag pa niya itong “great relationship.”
Pagpapatuloy ni Atom, “Kasi it can be difficult — the time, the stress, and kahit yung chismis, e.
“Nagkakaintindihan kami sa chismis. Alam niya exactly what I’m talking about, and vice versa.
“So, yeah, it’s a great relationship, in that sense.”