
Pumirma ng kontrata sa Viva Artists Agency Inc. at sa VMX, dating Vivamax, ang hunk actor na si Andrew Gan.
Kuwento niya, “Actually, ang pipirmahan po namin is management contract at movie contract. So yung movie contract ko is mix po ng Vivamax at saka ng Viva Films.”
Handa raw si Andrew kahit saan siya isabak, sa mga wholesome roles sa Viva at sa matinding pagpapaseksi sa VMX.
“Oo naman. Always ready,” ang nakangiting sambit ni Andrew.
Ito naman daw ang mga actress na nilu-look forward ni Andres makatrabaho.
Sa VMX, “Angela Morena. Kasi nakita ko yung lalim ng acting ni Angela Morena.”
At sa Viva, “Nadine Lustre.”
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andrew sa contract signing niya sa Viva Boardroom noong October 10 sa Tektite Tower sa Ortigas.
Co-managed si Andrew ng Viva at ng talent manager na si Tyronne James Escalante ng TEAM o Tyronne Escalante Artists Management.
Sa TEAM ay “kapatid” niya as talent sina Jane de Leon at Kelvin Miranda, among others.
Nagka-project na ba si Andrew with Jane?
“Hindi pa, pero ngayon may ginagawa kaming pelikula ni Kelvin. Intended siya for Metro Manila Film Festival,” ani Andrew.
andrew’s DREAM ROLES
Saang genre nais ni Andrew malinya ngayong Viva artist na siya?
“Parang gusto ko yung something different na out of the box, out of my comfort zone.
“Like may pagka psychotic na character or sundalong may tinatagong lihim na bisexual pala siya. Yung mga ganun kalalim, ganun ka-deep na character.”
Samantala, laking pasasalamat ni Andrew na kahit kontratado na siya ng Viva ni Vic del Rosario ay maaari pa rin siyang gumawa ng proyekto sa ibang film outfit.
Aniya, “Iyon yung good thing kay Boss Vic at saka sa buong Viva, they’re very collaborative, very compromising, so iyon yung maganda.”
Ano ang puwede niyang i-offer bilang lead actor na hindi kayang i-offer ng iba? Ano ang kakaiba kay Andrew Gan?
Lahad niya, “Siguro yung dedication and willing to learn.
“Kumbaga pupunta ako ng set na zero, para kung ano yung iano sa akin ng director or producer, open ako.
“Siguro ako yung Andrew na kaya mag-drama, Andrew na kaya kahit papaano… puwede isabak sa comedy,
“Andrew na puwede magpakilig, Andrew na puwede mag-action.
“Siguro iyon yung konting advantages natin para maiba sa mga ibang leading man.”
ANDREW REVEALS INDECENT PROPOSAL IN THE PAST
At tulad ng ibang guapo at batang artista na aming nakakapanayam, tinanong namin si Andrew ukol sa issue na sexual harassment sa industry.
Rebelasyon ni Andrew, “Oo naman… Mga nag-aano… indecent offer.”
Ano ang inalok sa kanya na medyo nalula o nasilaw siya?
Tugon niya, “Ano siya… career,” na ibig sabihin ay taga-industrya rin ng showbiz ang nag-alok sa kanya.
Pagbabahagi pa ni Andrew, “Ako kasi may prinsipyo ako, na para saan pa na nag-hard work ako… para saan pa hinuhulma ko yung craft ko kung dadaan lang din ako sa shortcut?
“And at the end of the day, kung bumigay ka man doon, next month may bagong flavor of the month.
“So ako mas niniwala pa rin na kailangan yung talent mo solid.”
Solid naman ang talent ni Andrew: umaarte, naghu-host, at kumakanta.
Pati nga ang pag-arte sa mga stage plays ay kinakarir ng binata.
“Opo, may gagawin akong stage play, A Midsummer Night’s Dream ni William Shakespeare, ako po ang lead.”
Bago ito ay naging Romeo na rin si Andrew sa play na Romeo and Juliet na umikot sa iba-ibang paaralan sa Pilipinas.
News
Lumabas sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa screening ng pelikulang ‘And the Breadwinner Is’ na marami pang bagay na dapat ibunyag….. (nuna)
Kim Chiu and Paulo Avelino made the rounds on social media after being spotted at the blocking screening for “And the Breadwinner Is…” Kim Chiu at Paulo Avelino, spotted sa block screening ng ‘And the Breadwinner Is’ (@annecurtissmith, @chinitaprincess) Source:…
Boy Abunda, humiling na huwag husgahan sina Bea Alonzo at Dominic Roque sa kanilang breakup (nuna)
Umapela ang King of Talk na si Boy Abunda sa publiko na pairalin ang kabutihan at huwag husgahan sina Bea Alonzo at Dominic Roque matapos na maghiwalay ang dalawa.Dahil sa panibagong kabiguan sa pakikipagrelasyon ni Bea, sinabi ni Tito Boy…
Sunshine Cruz, Atong Ang kissing video goes viral (nuna)
Atong Ang at Sunshine Cruz A kissing video of actress Sunshine Cruz and businessman Atong Ang went viral on social media. In a video uploaded on TikTok, Sunshine was seen kissing Atong while in an unknown cockpit arena. It can…
Denise Julia Responds to BJ Pascual’s Accusations of Canceling a Photoshoot (nuna)
R&B singer Denise Julia (left) speaks up after celebrity photographer BJ Pascual (right) named her as the “worst celebrity/model to shoot.” PHOTO/S: Instagram / YouTube Sumagot na ang R&B singer na si Denise Julia sa mga akusasyon sa kanya ng…
KC hopes relationship with mom Sharon will be “ok” soon (nuna)
KC Concepcion (left) on mom Sharon Cuneta (right): “Christmas will always be about love, laughter, and time with family for me… ending the year right with a conversation between Mama and I. She always makes the holidays extra magical and…
Julia Barretto thinks it’s okay to walk away from this situation (nuna)
Julia Barretto on trusting the people closest to her: “I feel like yung mga nasa paligid namin, that stood the test of time. Kumbaga, parang napatunayan na ang loyalty, and parang good naman para sa amin, so far masaya naman…
End of content
No more pages to load