Andrea Brillantes (left) defends herself against baseless accusations about Olivia Rodrigo’s (right) upcoming Philippine concert: “I understand the frustrations po, I really do, but I don’t see why it’s necessary to drag my name into this and spread misinformation po. Regardless of my ‘status’ or whatever, I’m also just a fan of Olivia and want to enjoy the GUTS tour, as the album means SOOOOoooo much to me.”
PHOTO/S: Andrea Brillantes/Olivia Rodrigo on Instagram
Mariing pinabulaanan ng Kapamilya actress na si Andrea Brillantes ang kumakalat na akusasyon sa kanya patungkol sa magaganap na concert ng Filipino-American singer-songwriter and actress na si Olivia Rodrigo sa Pilipinas.
Ayon kay Andrea, walang katotohanan ang kumakalat na balitang naka-secure na siya ng GUTS World Tour ticket ni Olivia, sa kabila ng hirap ng pagkuha nito dahil sa dami ng fans na gustong bumili para makapanood.
THE VIRAL POST ABOUT ANDREA BRILLANTES
Ang pagsagot ni Andrea sa social media ay nag-ugat sa isang post sa TikTok kunsaan inakusahan siyang may hawak na umanong physical ticket sa concert kahit hindi pa naman nagsisimula ang ticket selling.
Lumalabas sa nasabing post na ginamit ni Andrea ang kanyang koneksiyon bilang artista para makakuha ng concert ticket na hindi man lang pumipila.
Mababasang post ng netizen (published as is), “Many of us have been waiting for two weeks for our tickets, and we feel very wronged to have this outcome, especially now that there has been a post made by Andrea Brillantes about having physical tickets despite them supposedly not being available until September 28.”
Photo/s: Andrea Brillantes on X
ANDREA BRILLANTES DENIES accusation
Ang akusasyong ito ay agad nakarating kay Andrea.
Imbes na ipagwalang-bahala ay minarapat niyang magsalita para linawing wala itong katotohanan.
Sa X (dating Twitter) noong October 1, ibinahagi ng aktres ang naging pagsagot niya sa post ng nasabing netizen.
Giit ni Andrea, binura ng uploader ang video matapos niyang magkomento rito na wala man lang nakakitang iba pang nauna nang naniwala sa pagkakaroon niya diumano ng concert ticket.
Kaya naman nagdesisyon daw ang Kapamilya actress na i-post sa X ang screenshots ng naging pagsagot niya para sa gayon ay matigil na ang mga batikos na ipinupukol sa kanya.
Paliwanag ni Andrea, katulad ng iba ay masugid din siyang tagahanga ni Olivia kaya ganoon na lamang kahalaga sa kanyang makakuha ng concert ticket.
Bukas din niya itong sinasabi sa publiko kaya naman maging siya ay nagugulat sa ibang fans na nagtatanong sa kanya tungkol sa ticket selling.
Mababasang comment ni Andrea (published as is): “I rarely address comments or posts like these, but Olivia’s GUTS album means a lot to me. Honestly, po, I have no idea about the post you’re referring to.
“I NEVER posted anything like that, and it would’ve been IMPOSSIBLE because I didn’t even have a physical ticket before the 28th.
“If anything, I only posted about how excited I am for the tour and how I find it funny that people keep asking me for tickets, like l’m a reseller or something (obviously, I’m not-please, sana nagets niyo na joke sya).”
Batid din daw ni Andrea ang nararamdamang frustration ng mga kapwa niya fan na makakuha ng ticket, pero hindi naman daw tamang idawit ang kanyang pangalan sa hindi naman niya ginawa.
Saad niya: “I understand the frustrations po, I really do, but I don’t see why it’s necessary to drag my name into this and spread misinformation po.
“Regardless of my ‘status’ or whatever, I’m also just a fan of Olivia and want to enjoy the GUTS tour, as the album means SOOOOoooo much to me.”
Dagdag pa ni Andrea, “Thank you po. Again, I never posted anything claiming that I had physical tickets before September 28th. I never posted, and I didn’t have them either. Salamattttt.”
Si Olivia ay kilala sa mga kanta niyang “Traitor,” “Deja Vu,” “Drivers License,” “Good 4 U,” “Happier,” “Vampire,” “Get Him Back,” at “Bad Idea Right?”