
AJ Raval to boyfriend Aljur Abrenica: “Alam ko kung gaano ka kalapit sa Pangiinoon at saksi ako doon.. lagi mong pinag papaliban sa Panginoon kaya kahit kailan hindi mo naisipan gumanti at magsabi ng totoo…”
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
Labis na suporta ang ipinaramdam ni AJ Raval sa nobyong si Aljur Abrenica matapos mag-post ang aktor ng saloobin kung gaano siya kasuwerte sa nobya.
Noong October 4, 2024, nagbahagi si Aljur ng madamdaming mensahe para kay AJ kahit wala namang masasabing espesyal na okasyon.
Sa mensahe, nagpasalamat si Aljur sa girlfriend dahil sa pagtanggap nito sa kanya.
Hindi rin daw matatawaran ang “unconditional love” ni AJ sa kanya.
May saliw ng kantang “Beautiful Things” ng American singer at songwriter na si Benson Boone ang post ni Aljur.
Buong mensahe niya, “Thank you for embracing every part of me. Your unconditional love reminds me every day that being myself is enough.
“I’m so grateful to have you by my side, celebrating our beautiful journey together”
AJ RAVAL: “Ipagdasal na lang natin mga taong mapang-api…”
Makalipas ang ilang araw, nitong October 8, nagkomento si AJ sa post ni Aljur.
Alam daw ni AJ ang totoong nangyari sa buhay ni Aljur, at naiintindihan niya ito.
Ipagdasal na lang umano nilang dalawa ang “mga taong mapang-api at mapanghusga.”
Buong komento ni AJ (published as is), “Nakikita kita at alam ko ang totoong nangyari sayo, Naiintindihan kita. Ipag dasal na lang natin mga taong mapang api at mapang husga.. mahal ka ng panginoon at kahit kailan hindi ka nya pinabayaan”
Dagdag niya, “alam mo naman yon”

Ayon pa sa isang komento ni AJ, malapit sa Diyos si Aljur.
Kaya kahit daw anong pang-aalipusta o batikos ang natatanggap nito, hindi nito naiisip “gumanti at magsabi ng totoo.”
Saad niya (published as is), “Alam ko kung gaano ka kalapit sa pangiinoon at saksi ako doon.. lagi mong pinag papaliban sa panginoon kaya kahit kailan hindi mo naisipan gumanti at magsabi ng totoo…”

Samantala, agaw-pansin din ang post ni AJ sa kanyang Instagram Story noong October 8 tungkol sa “no revenge.”
Hinala ng netizens, patama ito ni AJ kay Kylie Padilla, estranged wife ng boyfriend na si Aljur.
Noong October 7, 2024 kasi ay may cryptic post si Kylie tungkol sa pagiging “great leader.”
Kasunod ito ng paghahain ni Aljur ng kandidatura sa pagkakonsehal sa Angeles City, Pampanga.
News
Lumabas sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa screening ng pelikulang ‘And the Breadwinner Is’ na marami pang bagay na dapat ibunyag….. (nuna)
Kim Chiu and Paulo Avelino made the rounds on social media after being spotted at the blocking screening for “And the Breadwinner Is…” Kim Chiu at Paulo Avelino, spotted sa block screening ng ‘And the Breadwinner Is’ (@annecurtissmith, @chinitaprincess) Source:…
Boy Abunda, humiling na huwag husgahan sina Bea Alonzo at Dominic Roque sa kanilang breakup (nuna)
Umapela ang King of Talk na si Boy Abunda sa publiko na pairalin ang kabutihan at huwag husgahan sina Bea Alonzo at Dominic Roque matapos na maghiwalay ang dalawa.Dahil sa panibagong kabiguan sa pakikipagrelasyon ni Bea, sinabi ni Tito Boy…
Sunshine Cruz, Atong Ang kissing video goes viral (nuna)
Atong Ang at Sunshine Cruz A kissing video of actress Sunshine Cruz and businessman Atong Ang went viral on social media. In a video uploaded on TikTok, Sunshine was seen kissing Atong while in an unknown cockpit arena. It can…
Denise Julia Responds to BJ Pascual’s Accusations of Canceling a Photoshoot (nuna)
R&B singer Denise Julia (left) speaks up after celebrity photographer BJ Pascual (right) named her as the “worst celebrity/model to shoot.” PHOTO/S: Instagram / YouTube Sumagot na ang R&B singer na si Denise Julia sa mga akusasyon sa kanya ng…
KC hopes relationship with mom Sharon will be “ok” soon (nuna)
KC Concepcion (left) on mom Sharon Cuneta (right): “Christmas will always be about love, laughter, and time with family for me… ending the year right with a conversation between Mama and I. She always makes the holidays extra magical and…
Julia Barretto thinks it’s okay to walk away from this situation (nuna)
Julia Barretto on trusting the people closest to her: “I feel like yung mga nasa paligid namin, that stood the test of time. Kumbaga, parang napatunayan na ang loyalty, and parang good naman para sa amin, so far masaya naman…
End of content
No more pages to load