Paolo Contis, Yen Santos

Paolo Contis (left) admits he’s now “single,” months after netizens started speculating about his breakup with Yen Santos (right).
PHOTO/S: @paolo_contis on Instagram

Matapos ang ilang buwang espekulasyon sa kanilang relasyon, kinumpirma ng Kapuso actor na si Paolo Contis na single siya ulit ngayon.

Ang pag-amin ni Paolo ay nangyari nang sumalang siya sa Fast Talk With Boy Abunda ngayong Huwebes, November 14, 2024, kasama ang kapwa niyang aktor na si Kokoy de Santos.

Paolo Contis and Kokoy de Santos guesting in Fast Talk With Boy Abunda

Paolo Contis (left) and Kokoy de Santos (right) 
Photo/s: Screengrab GMA Network on YouTube

Sa segment na “Fast Talk,” naitanong sa dalawa ng host na si Boy Abunda kung sila ba ay single o taken.

Unang sumagot si Kokoy na single siya.

Sinundan agad ito ni Paolo nat ibinuking na maging siya ay single na rin.

Ibig sabihin nito ay wala na sila ng aktres na si Yen Santos.

PAOLO-YEN UNFOLLOW EACH OTHER ON INSTAGRAM

Ito ang kauna-unahang beses na isinapubliko ni Paolo ang kanyang relationship status, makaraang maintriga ang relasyon nila ni Yen.

Ito’y matapos burahin ni Yen sa Instagram noong May 2024 ang birthday greetings niya kay Paolo.

Noong March 14, ipinagdiwang ni Paolo ang kanyang ika-40 kaarawan.

Kasabay ng pag-delete ni Yen ay ang pag-unfollow niya sa Kapuso TV host-actor sa Instagram.

June 20, naman nang mapansin ng netizens na maging si Paolo ay in-unfollow na rin si Yen.

PAOLO-YEN RUMORED BREAKUP

Unang nagkaroon ng espekulasyon sa estado ng relasyon nina Paolo at Yen nang binigyan ng malisya ng netizens ang paghalik ng aktor sa dating co-host nito sa Eat Bulaga! na si Arra San Agustin noong November 1, 2023.

Noong panahong iyon, nasa TAPE Inc. pa ang pag-aari ng noontime show at wala pa sa TVJ nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.

Ipinagkibit-balikat lamang ni Paolo noon ang isyu. Bahagi lang daw iyon ng sketch ng kanilang segment sa show.

Pagdating ng November 22, tiniyak ni Paolo na sila pa rin ni Yen.

Paolo Contis and Yen Santos rumored breakup

Photo/s: @paolo_contis Instagram

Nilalagyan lamang daw ng malisya ng iba ang video nila ni Arra na galing sa isang eksena sa Eat Bulaga! na pinagmulan ng mga haka-hakang may namamagitan sa kanilang dalawa.

Ginawa ni Paolo ang paglilinaw sa live guesting niya rin sa Fast Talk With Boy Abunda.

Para matapos na ang isyu na nag-uugnay sa kanila ni Arra, pinili ni Paolo na magsalita sa “Talk or Dare” segment ng afternoon showbiz talk show ni Boy Abunda.

“Talk or dare, kayo na ba ni Arra San Agustin, kayo pa ba ni Yen?” diretsahang tanong ni Boy kay Paolo.

“Yes, kami pa ni Yen,” sagot ng Kapuso actor-TV host.

“And alam mo yung kumakalat sa amin ni Arra, it’s an edited video of a portion in Eat Bulaga! and it was maliciously edited.

“It’s parang skit love triangle ni Arra, ako at saka si Ken played by Betong [Sumaya]. And they just keep on posting the…“

Hanggang noong April 21, 2024, sa panayam ni Paolo kay Nelson Canlas para sa 24 Oras, sinabi niyang tila napapaligiran ng labis na galit ang pag-iibigan nila ni Yen.

Ani Paolo, “It’s sad to say na super na-demonize kami pareho in terms of, parang super laki…

“Katulad nga ng sinabi mo pagdating mo kanina, ‘O, the world’s hatest man.’

“Natuto na ako. And aminin naman natin, there is too much hate for me to post things.

“Parang sa akin, so what? As long as quiet yung sa aming dalawa, then so be it.”

Ito raw ang dahilan kaya pinili na lamang nilang gawing “quiet” ang relasyon nilang dalawa at malayo sa mapanuring mata ng publiko.

Saad ni Paolo, “I guess, being in a quiet relationship, feeling ko mas may ano siya, may advantage because she is a very private person as well.”

Nilinaw naman ng aktor na wala siyang ikinumpara kay Yen. Baka raw kasi sabihin ng mga tao na ang pinatutungkulan niya ay ang ex-girlfriend na si LJ Reyes.

Sabi pa ni Paolo, “Wala. Again, you people don’t know what happens behind closed doors.

“So, kung ano man yung mga nakikita ko dati, iba rin yung mga nakikita ko ngayon.

“Yung sa amin, it works because we’re both quiet with our personal lives.”

Dahil sa hindi nila pagiging aktibo sa social media, hindi rin mamatay-matay ang isyu na hiwalay na sila.

May 6, 2024, naiulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na pagod na pagod na si Paolo na sumagot sa tanong kung sila pa ba ni Yen.

Dalawang linggo pa lang ang nakararaan noon nang sinabi ni Paolo na magkakahiwalay silang magkasintahan dahil paalis siya papuntang Bicol para sa shooting ng pelikulang gagawin niya sa Mavx Productions.

Noong mga panahong ito ay viral na online ang pagbura ni Yen sa birthday IG post niya kay Paolo.

Bagay na naitanong naman ng PEP Troika kay Paolo nang makapanayam nila ito.

Ayon kay Paolo, aware siyang tinanggal na ni Yen ang birthday post nito sa kanya. Matagal na raw natanggal ang birthday post na iyon, hindi raw alam ng aktor kung ano ang dahilan.

Hindi naman na raw siya naninibago sa pag-delete ni Yen ng ibang ipinu-post nito sa Instagram, dahil hindi lang daw yung birthday post ang natanggal, kundi meron pang iba.

May 24, 2024, muling pinag-usapan ang maintrigang Instagram Stories ni Yen.

Ito’y matapos niyang irepost ang video clip ng interview ng kapwa aktres na si Heart Evangelista sa Fast Talk With Boy Abunda.

Dito ay tinanong ng host na si Boy kung ano ang maipapayo ni Heart sa kanyang younger self.

Saad ni Heart sa video, “If I were to speak to who I was before, [I would say] stop giving away your heart like it’s candy.

“Treasure yourself. Love yourself. Treasure your heart and your soul. Because that’s what’s gonna save you in the end.”

Bagamat walang caption na inilagay si Yen sa kanyang shared post, maliban sa naka-tag na username na @riverayanna, umani pa rin ito ng samu’t saring reaksiyon mula sa netizens na naniniwalang iyon ang simula ng pagkakalabuan nila ni Paolo.

YEN-PAOLO RELATIONSHIP

January 2023, kinumpirma ni Paolo sa Fast Talk With Boy Abunda ang matagal nang espekulasyon sa tunay na estado ng relasyon nila ni Yen.

Iyon ang kauna-unahang pagkakataong inamin ni Paolo sa publiko na sila na ni Yen.

Aniya, “Sa amin kasi, kumbaga, what you see is what you get na naman, di ba?

“Hindi na namin puwedeng ipilit yung tao to be happy for us. Hindi namin puwede ipilit yung mga tao na paniwalaan yung gusto nilang paniwalaan.

“Sana isipin lang nila na kung ano lang yung nakikita nila na naka-post, yun lang yung truth na alam nila.”

 

Bago maganap ang pag-amin, nauna nang itinanggi ni Paolo na si Yen ang dahilan ng hiwalayan nila ni LJ Reyes pagkatapos ng ilang taong pagsasama.

“Hindi. Hindi,” diin ni Paolo.

Sinubukang ipaliwanag ni Paolo kung ano ang dahilan ng pagtatapos ng relasyon nila ni LJ.

Lahad niya, “Somehow medyo matagal na kaming hindi kami okay ni LJ, pero we were together, of course. Napapadalas ang away and everything.

“I think it’s a combination na ng stress sa pandemic and eveything, ‘no.

“One of my biggest mistakes was hindi ko inalala yung mental health ni LJ. Isa yan sa feeling ko simula ng downfall namin, na hindi ko inisip yon.

“Kapag nahihirapan siya during pandemic, ang utak ko, ‘eeeh…’ alam mo yun? ‘Four times a day tayong kumain, chill ka diyan.’ Alam mo yung ganun?

“Plus, again, yung pagdidiskarte ko ng sarili ko, na hindi ko na ini-inform sa kanyang yung mga bagay-bagay, which led to bigger problems.

“So, I won’t divulge na sa isyu na yon, pero eventually, it piled up. Again, hindi kami nag-uusap nang maayos.

“Plus, yun na nga, every time ako nakakalabas ng bahay dahil pandemic, may work… may kalokohan din akong ginagawa.”

Hindi idinetalye ni Paolo kung ano ang mga “kalokokahan” na ginawa niya.

Pero itinanggi niyang nagkakamabutihan na sila ni Yen noong panahong iyon.

Nilinaw rin ng Kapuso actor ang “as a friend” na sagot niya noon tungkol sa mga kumalat na larawan nila ni Yen na kuha sa Baguio.

Ayon kay Paolo, “Well, yung ‘as a friend,’ nung nag-Baguio kami ni Yen, nasa States na sila LJ nun.

“Nagmukhang baligtad because your [Boy’s] interview with LJ came out, pero wala na kami sa Baguio nun. So, ang feeling ng tao, habang ini-interview si LJ, nasa Baguio ako.

“Pero when you were interviewing LJ, mga one or at least ten days na silang nasa States, I left for Baguio nasa States na sila. Hindi na kami nun.”

Samantala, sa ngayon ay masaya na si LJ sa piling ng kanyang non-showbiz husband na si Philip Evangelista.