Dingdong Dantes speaks out about rumors of having a child with Lindsay de Vera/th

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsalita na ang Kapuso TV host-actor na si Dingdong Dantes tungkol sa hindi mamatay-matay na isyung may anak diumano siya sa aktres na si Lindsay de Vera.

dingdong dantes lindsay de vera rumor

Dingdong Dantes on rumored love child with Lindsay de Vera (inset): “I love my wife, I love my family very much, my kids. That’s why I’m saying that it is not true… Once and for all, I’m clarifying na hindi siya totoo.”

Sa panayam ni Dingdong sa Fast Talk With Boy Abunda ngayong Huwebes, May 9, 2024, tahasan niyang pinabulaanan ang matagal nang balita.

Ito ay sa gitna ng naglalabasang videos sa social media tungkol sa umano’y nakaraan nina Dingdong at Lindsay.

Tanong ng host na si Boy Abunda kay Dingdong: “Lumabas na ang balitang ito, nasa social media, ikaw ay may anak kay Lindsay de Vera?”

Diretsahang sagot ng aktor: “Wala po. Hindi po totoo.”

Pagtatapat ng Family Feud host, bago siya sumalang sa interview ni Boy ay nagdalawang-isip siya kung babalikan pa ang matagal nang isyu tungkol sa kanila ni Lindsay.

Nakasisiguro raw kasi siyang maitatanong ito lalo pa’t muli na namang kumalat online ang vlogs na naglalaman ng balita tungkol sa kanila ni Lindsay.

Pagbabahagi ni Dingdong: “Sa totoo lang, nagdadalawang-isip talaga ako kagabi kung may sasabihin ba ako about the topic and the issue, kasi alam kong baka tanungin ninyo, e.

“Pero para sa akin po kasi, dahil may mga tumatawag na po sa akin na mga kaibigan, mga kamag-anak, yung mga nagmamalasakit po sa akin, and because I have a responsibility dito sa aking mga mahal sa buhay—responsibilidad ko na klaruhin ang isyung ito dahil mahalagang-mahalaga po ang aspetong ito para sa akin.”

Mabuti na rin daw magsalita na siya makalipas ang ilan taong pananahimik para sa kapakanan ng kanyang pamilya, lalo na ng asawa niyang si Marian Rivera.

Paliwanag niy Dingdong: “I have a responsibility sa aking pamilya to clear things like this.

“I love my wife, I love my family very much, my kids. That’s why I’m saying that it is not true.

“Sa totoo lang, noong una pinagtatawanan lang naman namin ‘to, kami ni Marian.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News