magpasikat it's showtime

It’s Showtime hosts give breathtaking and emotional performances during their respective “Magpasikat” production numbers. (Left) Karylle, Vice Ganda, and Ryan Bang performed on October 21; (inset, top) Ogie Alcasid and Kim Chiu performed on October 22; (inset, bottom) Vhong Navarro and Darren Espanto performed on October 23.
PHOTO/S: It’s Showtime Facebook

Mataas ang ratings ng It’s Showtime na nagdiriwang ng kanilang 15th anniversary ngayong linggo.

Noong Lunes, Oktubre 21, 2024, sinimulan na ng mga host ang kanilang “Magpasikat 2024” presentations.

Ang team nina Vice Ganda, Karylle, at Ryan Bang ang unang nag-perform. Nakakuha ito ng 8.2% rating.

Vice Ganda flanked by Karylle and Ryan Bang

Karylle, Vice Ganda, and Ryan Bang 
Photo/s: Screengrab from ABS-CBN YouTube

Ang katapat nilang Eat Bulaga! sa TV5 ay naka-3.4%.

NEW KAPUSO AFTERNOON PRIME TIMESLOTS

Noong Lunes din nagsimula ang pagbabago ng timeslot ng Kapuso afternoon drama.

Una na ang Lilet Matias: Attorney-At-Law, na pumalit sa Abot-Kamay Na Pangarap. Naka-8% ito.

Nag-umpisa na rin ang Quizmosa ni Ogie Diaz sa TV5, pero naka-0.8% lang ito. Ang sumunod na Frontline Pilipinas Express ay 0.7%

Bahagyang tumaas ang Shining Inheritance na naka-8.3%.

Sinundan ito ng pilot episode ng Forever Young ni Euwenn Mikaell na naka-7.1%. Okay na ang rating na iyon sa ganung oras.

Sumunod ang Fast Talk With Boy Abunda na naka-5.5%, at ang Love At First Night ay 4.1%.

Ang bongga pa rin ng Family Feud na naka-10.4% nung araw na yun.

JERRY OLEA

Noong Martes, October 22, ang nag-perform naman sa “Magpasikat 2024” ay ang grupo nina Kim Chiu, Ogie Alcasid, MC, at Lassy.

Medyo bumaba ang rating nito, 7.2%.

Kim Chiu, Ogie Alcasid, Lassy and MC Magpasikat performance 2024

(From left) Lassy, Ogie Alcasid, Kim Chiu, and MC 
Photo/s: Screengrab from It’s Showtime

Ang Eat Bulaga! naman ay 3.7%.

Ang Lilet Matias ay naka-7.9%, at naka-1.1% ang Frontline Express.

Okay rin ang Shining Inheritance na naka-8.1%, at ang Forever Young ay 6.8%.

Sumunod ang Fast Talk With Boy Abunda na 5.3%, at ang Wil to Win ay 2.1%.

Ang Love At First Night naman ay 3.9%.

Lalo pang tumaas ang Family Feud na naka-10.6%.

Siyempre pa, sa primetime ay patuloy ang paghahari ng FPJ’s Batang Quiapo, at napag-iwanan nang lubos ang katapat na Pulang Araw.

NOEL FERRER

Ngayong Miyerkules, Oktubre 23, ang team nina Vhong Navarro, Darren Espanto, Amy Perez, at Ion Perez ang nag-perform sa “Magpasikat 2024.”

Tinalakay nila ang konsepto ng kamatayan, at tumugma sa panahon ngayon na ang daming binahang lugar at ang iba ay may namatayan.

May hugot sina Darren at Ion sa kanilang production number.