KathDen nagkakainan sa kuwarto
Napuno ng tawanan sa Dolphy Theater habang ginaganap ang grand mediacon ng much-awaited reunion film nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na “Hello, Love Again” .
Ito’y dahil sa rebelasyon ng direktor na si Cathy Garcia-Sampana tungkol sa KathDen.
Natanong kasi ang box-office director kung kumusta naman ang chemistry ng KathDen dito sa HLA at inamin niyang medyo nahirapan nga raw siya.
“Medyo humirap. Kasi, sinabihan mo, ‘wag mag-usap, pagtingin ko, nagkakainan talaga du’n sa kwarto. Kainis,” pagbubuking ni direk Cathy.
Nagtawanan sina Alden at Kathrine at si direk naman, na-realize agad na parang ang pangit ng ginamit niyang word na ‘nagkakainan.
“Ay, ang pangit ng ‘nagkakainan,’ sorry, sorry,” sey niya.
Hagalpakan ng tawa ang lahat kabilang na ang KathDen.
“Erase! Kasi ako, ang linis ng isip ko. Kayo, ang dumi n’yo!” natatawang paliwanag ni direk Cathy.
Dagdag na explanation naman ni Alden, “dinner break ‘yun, dinner break.”
Ipinaliwanag din ni direk na mabigat daw ang eksenang kukunan that day na emotional scenes nina Kathryn and Alden na inabot daw ng 7 hours.“So, ang talagang instruction ko, walang kakausap kay RJ, kay Alden. Tapos, si Kath naman, in fairness, hindi naman niya kinakausap except nun’g break, pagdaan ko, nasa sahig, kumakain sila ng adobo yata or something,” tsika ni direk.
Kinorek naman ng KathDen na lechon kawali raw ‘yun.
Patuloy ni direk, “iniisip ko, magagalit ba ako? Sige, regalo ko na lang sa dalawa na may makausap kasi 7 oras na nga silang puro. . . talagang sobrang makabagbag-damdamin.”
Kaya naman pinagbigyan na lang daw niya ang dalawa at hindi na lang niya pinagalitan.Pero puring-puri ni direk ang KathDen dahil lahat daw ng hiningi niya para sa pelikula ay nagampanan ng dalawa, gayundin ang support at tiwala ng mga ito sa isa’t isa.
Plus nag-mature na rin daw talaga ang dalawa simula nang una niyang idirek sa ‘Hello, Love, Goodbye ‘ 5 years ago.
Ang HLA ay mapapanood na sa sinehan sa Nov. 13 at inanunsyo rin na first time na magkakaroon sa sinehan ng midnight screenings na magsisimula ng 12:01 am. Bukod dito ay ipalalabas din ang pelikula sa iba’t ibang bansa, also this November.
News
SHOCKING STATEMENT! Jayjay Helterbrand Says June Mar Fajardo Won’t Have 8 MVPs! “Kung nandoon sina Ali Peek, Eric Menk at Danny Seigle?”The Sports Community Is Outraged (NG)
SHOCKING STATEMENT! 😱 Jayjay Helterbrand Says June Mar Fajardo Won’t Get 8 MVPs! 🏀 In an unexpected turn of events, former PBA star Jayjay Helterbrand has stirred up controversy with a bold statement regarding June Mar Fajardo’s MVP chances. Helterbrand,…
6 Shocking Secrets About Irfan Pathan’s Wife, Safa Baig! (NG)
Irfan Khan Pathan is an Indian cricketer who made his debut for India in the 2003/04 Border-Gavaskar Trophy, and was a core member of the national team until a decline in form set in during 2006. Let us know about…
Breaking news: Kathryn Bernardo’s contract demands reportedly include restriction on working with Daniel Padilla (NG)
Kathryn Bernardo’s prolonged contract renewal with ABS-CBN is now rumored to have been influenced by specific demands, including a restriction on working with her ex-boyfriend, Daniel Padilla. Showbiz columnist Cristy Fermin shared insights from an undisclosed source on the ‘Showbiz Now…
Kim Chiu at Oliver Moeller, may video na nag-viral! Isang iskandalo na nagdulot ng maraming kontrobersya sa mga manonood (NG)
Kim Chiu at Oliver Moeller, may video na nag-viral! Isang iskandalo na nagdulot ng maraming kontrobersya sa mga manonood Isang kontrobersyal na video ang kumalat sa social media na kinasasangkutan ng aktres na si Kim Chiu at ang modelong si Oliver Moeller, na…
Laplapan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards nakakagulantang… (NG)
Kathryn Bernardo and Alden Richards’ Shocking Reunion Stuns Fans!” 😱 In an unexpected turn of events, Filipino stars Kathryn Bernardo and Alden Richards have left fans in total shock with their latest announcement! The two powerhouse actors, who are beloved…
Kim Chiu emotionally shared her feelings when she was with Paulo Avelino: “He promised that he would….”(NG)
Kim Chiu Napapawi Ang Lungkot Kapag Kasama Niya Si Paulo Avelino Si Kim Chiu ay talagang tila blooming at masayang-masaya kapag kasama niya ang aktor na si Paulo Avelino. Kitang-kita ang kasiyahan ni Kim Chiu sa bawat event at okasyon…
End of content
No more pages to load