KathDen nagkakainan sa kuwarto
Napuno ng tawanan sa Dolphy Theater habang ginaganap ang grand mediacon ng much-awaited reunion film nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na βHello, Love Againβ .
Itoβy dahil sa rebelasyon ng direktor na si Cathy Garcia-Sampana tungkol sa KathDen.
Natanong kasi ang box-office director kung kumusta naman ang chemistry ng KathDen dito sa HLA at inamin niyang medyo nahirapan nga raw siya.
βMedyo humirap. Kasi, sinabihan mo, βwag mag-usap, pagtingin ko, nagkakainan talaga duβn sa kwarto. Kainis,β pagbubuking ni direk Cathy.
Nagtawanan sina Alden at Kathrine at si direk naman, na-realize agad na parang ang pangit ng ginamit niyang word na βnagkakainan.
βAy, ang pangit ng βnagkakainan,β sorry, sorry,β sey niya.
Hagalpakan ng tawa ang lahat kabilang na ang KathDen.
βErase! Kasi ako, ang linis ng isip ko. Kayo, ang dumi nβyo!β natatawang paliwanag ni direk Cathy.
Dagdag na explanation naman ni Alden, βdinner break βyun, dinner break.β
Ipinaliwanag din ni direk na mabigat daw ang eksenang kukunan that day na emotional scenes nina Kathryn and Alden na inabot daw ng 7 hours.
βSo, ang talagang instruction ko, walang kakausap kay RJ, kay Alden. Tapos, si Kath naman, in fairness, hindi naman niya kinakausap except nunβg break, pagdaan ko, nasa sahig, kumakain sila ng adobo yata or something,β tsika ni direk.
Kinorek naman ng KathDen na lechon kawali raw βyun.
Patuloy ni direk, βiniisip ko, magagalit ba ako? Sige, regalo ko na lang sa dalawa na may makausap kasi 7 oras na nga silang puro. . . talagang sobrang makabagbag-damdamin.β
Kaya naman pinagbigyan na lang daw niya ang dalawa at hindi na lang niya pinagalitan.
Pero puring-puri ni direk ang KathDen dahil lahat daw ng hiningi niya para sa pelikula ay nagampanan ng dalawa, gayundin ang support at tiwala ng mga ito sa isaβt isa.
Plus nag-mature na rin daw talaga ang dalawa simula nang una niyang idirek sa βHello, Love, Goodbye β 5 years ago.
Ang HLA ay mapapanood na sa sinehan sa Nov. 13 at inanunsyo rin na first time na magkakaroon sa sinehan ng midnight screenings na magsisimula ng 12:01 am. Bukod dito ay ipalalabas din ang pelikula sa ibaβt ibang bansa, also this November.