Kathryn Bernardo says she's ready to fall in love again

Handang-handa nang muling umibig ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo, kung sakaling dumating ang lalaking muling magpapatibok ng kanyang puso.

Ito ang inamin ni Kathryn sa panayam niya sa Fast Talk With Boy Abunda ng GMA-7 ngayong Lunes, October 28, 2024, nang bumisita siya sa programa para i-promote ang upcoming movie nila ni Alden Richards na Hello, Love, Again.

Kathryn Bernardo, Alden Richards get closer after filming Hello, Love, Again

Kathryn Bernardo (left) and Alden Richards (right)
Photo/s: KHRYZZTINE JOY BAYLON

Diretsahang tanong sa kanya ng host na si Boy Abunda, “Kathryn, yes or no, are you ready to fall in love again?”

Mabilis na sagot sa kanya ni Kathryn, “Yes!”

Diin pa niya “Kahapon pa. Reding-ready na, yes.”

KATHRYN RECALLS PAST RELATIONSHIP WITH DANIEL PADILLA

Bukod sa kahandaan niyang muling umibig, nausisa rin ni Boy kay Kathryn ang kontrobersiyal na hiwalayan nila ng dating nobyo na si Daniel Padilla.

Noong November 30, 2023, sa pamamagitan ng magkahiwalay na statement, kinumpirma nina Kathryn at Daniel na nagwakas na ang labing-isang taon nilang relasyon.

Nabaling kay Daniel ang sisi sa nangyaring hiwalayan dahil nagkaroon umano ito ng lihim na relasyon sa aktres na si Andrea Brillantes na naging mitsa para kay Kathryn na makipaghiwalay.

Balik sa panayam ni Kathryn sa Fast Talk With Boy Abunda, sinabi ng aktres na marami siyang natutunan at nadiskubre sa kanyang sarili dahil sa breakup nila ni Daniel.

Rommel Padilla hopes Daniel Padilla and Kathryn Bernardo will reconcile

Photo/s: Screengrab @Kathryn Bernardo YouTube

Nangyari ito nang itanong sa kanya ni Boy kung ano na ngayon ang depinisyon niya tungkol sa pagmamahal pagkatapos ng lahat ng kanyang pinagdaanan.

Pahayag ng aktres: “I don’t know if I’m the right person to ask… because I’ve only been into one relationship that lasted for eleven years.

“I’ve learned so much from my past relationship during… I’m talking about growth. I’m talking about being unselfish, about gratitude, dreams, and all.

“Lumaki ako sa eleven years ng relationship na yun. So during that eleven years, I’m learning.

“And after, when the breakup happened, ang dami ko ring natutunan after sa sarili ko at sa lahat ng nangyayari.

“Feeling ko, I’m still in work progress, but I still don’t know the real definition of love.”

Base sa napagdaanan ni Kathryn, ang alam daw niya ngayon tungkol sa pag-ibig ay maaari itong matagpuan kahit saan.

Bagay na nakita at ipinaramdam daw sa kanya ng mga taong nasa paligid niya noong mga panahong lugmok na lugmok siya dahil sa hiwalayan nila ni Daniel.

Saad niya: “I think love can be found anywhere. It can be from your family, from your friends, from your boyfriend or from your girlfriend.

“And now, I feel like I am so surrounded with so much love. Ayun yung pinapa-feel sa akin ng mga tao.

“Doon ko na-realize after everything na, after what you went through, kung anuman yun, any challenges, isu-surround ka talaga with so many good energy and so much love.”

Sundot na tanong ni Boy, “Ano ang nadiskubre mo sa sarili mo after the eleven years?”

Ani Kathryn, “I think it’s safe to say na I’m pretty strong. I didn’t expect myself… I think all the people here didn’t expect na I will handle it that way.

“Me too, I didn’t expect it. But it’s just that moment in my life tested my faith so much and feeling ko sobra akong na-guide dun.”

Kathryn no regrets about 11-year relationship with Daniel

Sa katunayan, wala raw pinagsisihan si Kathryn na nakasama niya si Daniel ng labing-isang taon.

Tinanong kasi ni Boy si Kathryn kung may maipapayo siya sa kanyang younger self para hindi na nito maranasan pa ang sakit na pinagdaanan niya sa love story nila ni Daniel.

Sabi ni Kathryn: “You know, nothing. I don’t regret anything.

“Ayoko siyang pangunahan. I want you to experience all the happiness, all the pain.

“Feeling ko maraming magkukuwestiyon nun, but it was eleven beautiful years…

“Kung ano yung nakikita niyo sa akin ngayon, ang laking part ng eleven years na yon.

“So, kung nandiyan si little Kath, sasabihin ko, ‘You know, ayaw kitang pangunahan. I want you to experience all these emotions, all these things, kasi it’s gonna be a big part of your growth.’”