June Mar Fajardo vs Kai Sotto, niluluto na!

Posibleng mag-krus na ang landas ng top Pinoy big man na sina June Mar Fajardo at June Mar Fajardo dahil sa pinag-uusapang partnership ng PBA at NBL Australia.

Nagkausap ang mga opisyal ng PBA at NBL para sa posibilidad na magkaroon ng exhibition games ang koponan ng dalawang liga.

“Gusto nila ng partnership with the PBA. League-to-league ito. NBL Australia at PBA,” ayon kay PBA commissioner Willie Marcial.

Ibig sabihin, may tsansa na magkaharap sina Kai Sotto ng Adelaide 36ers at June Mar Fajardo ng San Miguel Beermen sa hinaharap.

Hindi kasi nawala sa usapan ng mga NBL at PBA officials si Kai, na nilalaro na ang kanyang second season sa Austrlia.

“Nabanggit nga nila si Kai na maganda ang nilalaro (sa NBL). OK yung bata,” lahad pa ng PBA top official.

Bukod sa mga exhibition game, balak din na magkaroon ng iba’t ibang basketball clinic at outreach program.