Ian and Matet de Leon want Nora Aunor and Lotlot to reconcile
Ian de Leon hopes that the misunderstanding between his mom, Nora Aunor, and Ate Lotlot will soon be settled.

Ian de Leon clarifies that he has no ill feelings against Norie Sayo, who was rumored to have married Ian’s mother, Nora Aunor.Umaasa ang magkapatid na sina Ian at Matet de Leon na matapos na ang umano’y di pagkakaunawaan sa pagitan ng kanilang ina, si Nora Aunor, at Ate nilang si Lotlot de Leon.
Nagsimula ang diumano’y tampuhang ito nang lumabas ang isyu ng pagpapakasal daw ni Nora sa babaeng manager niya na si Norie Sayo noong Mayo
Sa interview ng The Buzz noong June 10, hindi naitago ni Lotlot ang nararamdaman niya sa kanyang ina ng marinig ang mga bali-balita. Aniya, “Nagulantang ang mundo ko. Nasaktan ako. I wish na nandito siya. Kahit na si Norie Sayo na lang ang hanapin ninyo. Siya na lang ang hagilapin ninyo, tutal siya naman ang sikat ngayon, di ba?”
Nasabi rin ng panganay ni Nora na, “As the one always faces the camera, they owe that to me kasi ako iyong napapaligiran ninyo ngayon, e. Si Mommy ang gusto kong makausap. Nasasaktan ako. Alam naman ni Mommy na mahal ko siya, hindi naman magbabago iyon.”
Bahagyang napatunayan din ang tampuhang ito sa exclusive interview ng Nagmamahal, Kapamilya kay Nora, na kasalukuyang naninirahan ngayon sa Fairfield San Francisco. Nang tanungin siya kung nagkakausap sila ni Lotlot, ang sagot ng Superstar ay, “Sa ngayon, hindi ko siya nakakausap kasi tuwing tatawagan ko siya hindi siya sumasagot.”
Bagama’t hindi nila alam ang tunay na dahilan, parehong naniniwala ang magkapatid na Ian at Matet na unti-unti ring maayos ang tampuhang ito.
Sa live interview ng The Buzz kahapon, August 5, sinabi ni Matet, “Sana po mapag-usapan po nila kung anuman… Kasi hindi ko pa nakakausap din si Ate [Lotlot] so hindi ko po alam kung ano ang pakiramdam niya sa lahat talaga ng nangyayari. Sana po mapag-usapan po nila.”
Gayundin, nilinaw din ng dalawa na walang silang galit o anuman sa napapabalitang karelasyon daw ng kanilang ina na si Norie. Para kay Ian, “Iyong tampo-tampo isyu na ‘yan, sa totoo lang, Kuya Boy, sawa na kami diyan, e. Kung ano meron sa loob namin na hindi magandang pakiramdam or pagda-doubt sa isang tao, why don’t we just bury that, you know.
“Huwag na nating patulan iyang tampo na iyan or kung anuman iyong nakikita nating hindi tama, pag-pray na lang natin. Kasi wala, e, sayang ang ang energy natin kung papatulan natin.”
Sa ngayon, todo suporta ang ibinibigay ng magkapatid sa kanilang ina at nais ng magkapatid na sana ay maging mabuti lagi ang kalagayan niya .
At para naman sa kanilang Ate, ang mensahe ni Ian ay, “Alam kong hindi pa time ngayon para maayos ang lahat pero don’t worry maso-solve din ang lahat ng problems natin. And gusto ko lang ipaalam sa ‘yo, na sa mga problema, hindi natin kailangan magkawalaan, magtampo-tampo. Basta ayusin natin iyan.”
News
KUMPIRMADO! Sa wakas inamin na nina Alden Richards at Kathryn Bernardo kay Tito Boy Abunda na official na ang kanilang relasyon – SI ALDEN RICHARDS ANG NAGPAPASAYA SA KANYA NGAYON 😱🥰
Alden Richards, natanong ni Boy Abunda kung nililigawan nito si Kathryn Bernardo – Alden Richards, in ‘FTWBA,’ was asked about his “Hello, Love, Again” co-star, Kathryn Bernardo – On the show, Boy Abunda frankly asked Alden if he was courting…
Nadine Lustre calls out basher’s vulgar remark: ‘Didn’t pass the vibe check’
Nadine Lustre. Images: Instagram/@nadine Nadine Lustre didn’t waste any time in calling out a netizen who left a vulgar comment on her Instagram page, saying the latter “didn’t pass the vibe check.” Lustre took to her Instagram Story on Monday,…
Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo: Ang Nakakagulat na Common Denominator sa pagitan ng Tatlong Icon na Ito!
Empowered women: Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo It is good to note that the entertainment industry is peopled with empowered women — individuals who possess an unwavering belief in their own capabilities and worth and use their confidence to navigate challenges…
Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop
Ogie Diaz has taken to social media to share his honest reaction to a viral video about Kim Chiu. Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop (@chinitaprincess, @ogie_diaz) Source: Instagram In the…
Ivana Alawi, Ipina-Tulfo Na Ang Mga Business Partners!
Itinampok si Ivana Alawi, sa pinakabagong episode ng programang Raffy Tulfo in Action tungkol sa kasong estafa na isinampa niya laban sa kanyang mga business partner. Sa kanyang pakikipag-usap kay Sen. Raffy Tulfo, humihingi si Ivana ng refund na…
Part 2 | BISTADO NA KASAMA Sa VIDEO Christine Dacera at Valentine Rosales INILABAS NA ANG LAHAT
Introduksyon Sa ikalawang bahagi ng kwentong ito, umusbong ang mga bagong impormasyon tungkol sa relasyon nina Christine Dacera at Valentine Rosales. Ang mga bagong video at ebidensya ay nagbigay-diin sa kanilang koneksyon, na nagdulot ng iba’t ibang reaksyon mula sa…
End of content
No more pages to load