Vice Ganda takes off wig anew on It’s Showtime
Vice: “Hindi na rin ako affected sa mga pangit na pangit sa akin kapag walang wig.”

It’s Showtime host Vice Ganda takes off his wig on national television to express support to an “EXpecially For You” searcher who lost her hair due to alopecia.
PHOTO/S: Screengrab @GMA Network YouTube
Hindi napigilang maging emosyonal ng TV host-comedian na si Vice Ganda nang tanggalin niya ang kanyang wig habang live silang umeere sa It’s Showtime nitong Biyernes, July 19, 2024.
Nangyari ito sa segment na “EXpecially For You,” kunsaan ang searcher na nagngangalang April ay may alopecia.
Ayon sa medico.ph, ang alopecia ay isang kondisyon kung saan nagkakaroon ng paglalagas ng buhok o pangangalbo.
Ang mga may alopecia ay hindi lamang buhok sa ulo ang maaaring mangalbo, kung hindi pati na rin ang buhok sa buong katawan.
Kuwento ni April, dahil sa kanyang sakit ay nawalan siya ng kumpiyansa sa sarili, dahilan na rin para makipaghiwalay siya sa dati niyang boyfriend na si Andrei.
Saad niya, “Wala akong hair. Naka-wig lang ako. Nagkakaroon ako ng insecurity. Baka mas deserve niya yung ibang babae na hindi siya pahihirapan pa.
“Sobrang laking impact ng insecurity ng pagkatao ko po nitong sakit ko.
“Parang ang baba ko po, ayun yung tingin ko sa sarili ko. Mababa po kasi sa sobrang dami kong problem, tapos ganito pa ako.”
VICE GANDA SHARES own experiences with insecurity
Para palakasin ang loob ni April ay ibinahagi ni Vice ang kanyang karanasan nang magsimula siyang malagasan ng buhok dahil sa stress.
Pagbabahagi ng It’s Showtime host: “Noong nalalagasan na rin ako ng buhok sa stress, sobra yung insecurity ko at malayo yun sa pinagdaanan niya [April].
“Ang tagal nung journey ko sa acceptance na, ‘Ang pangit na ng buhok ko, maookray ako nito.’ Kasi. di ba, kapag bakla ka gusto mong maganda buhok mo. Pero [biglang] bakla ka pero mataas hairline mo.
“Parehas tayong naka-wig [April].
“At gusto ko lang sabihin na hindi lahat ng nagsusuot ng wig gusto lang umawra o lumandi or for aesthetic purposes lang.
“Maraming oras ang itinatawid ng pagwi-wig namin. Iniraraos kami ng pagwi-wig namin, because this wig gives us power.
“This gives us strength and hope and energy. Hindi kami nagwi-wig para umarte.”
Para pagaanin ang emosyunal nang sitwasyon ay nagbiro sina Jhong Hilario at Vhong Navarro na ipakita ni Vice ang totoo niyang buhok.
Bagay na hindi naman inurungan ni Vice.
Aniya: “Kung makakatulong ito para makakuha ng kahit katiting na kumpiyansa si April, why not?
“Ang tagal na panahon na takot ako dito na magpakita na walang wig, ngayon nasa punto na ako nang wala na akong pake. Meron nang taong mahal na mahal ako kahit wala akong wig.
“Hindi na rin ako affected sa mga pangit na pangit sa akin kapag walang wig.
“May wig o wala, may nagmamahal dito, ‘no.
“May wig o wala, may tumatanggap dito.
“Bukod kay Ion [Perez, Vice’s partner], mahal ako ng nanay ko, mahal ako ng mga kapatid ko, mahal ako ng pamilya ko, at mahal ako ni Lord.”

Photo/s: Screengrab @GMA Network YouTube
Matapos magtanggal ng wig ay bumuhos ang luha ni Vice nang yakapin siya nang mahigpit ni April bilang pasasalamat sa katatagan at lakas ng loob na ibinigay na rito.
Habang nakayakap, patuloy ang pagbulong Vice kay April ng, “Wag kang magmadali. In your time.
“This is not for me [but] for people like you.”

Photo/s: Screengrab @GMA Network YouTube
Maging ang mga co-host niyang sina Jhong, Vhong, at Kim Chiu ay hindi na rin napigilang maging emosyonal nang makita sina Vice at April na nag-iiyakan habang nagyayakapan.
Vice Ganda’s “hair story” wins Magpasikat 2019
Hindi ito ang unang beses na ibinahagi at ipinakita ni Vice on live television ang kanyang hitsura na walang suot-suot na wig.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Noong 2019, sa “Magpasikat” para sa 10th anniversary celebration ng It’s Showtime, ay nagtanggal na rin si Vice ng wig habang nagpe-perform kasama ang mga may sakit na alopecia.
Dahil sa kirot sa puso at makabagbag- damdamin niyang performance, si Vice ang hinirang na grand champion sa “Magpasikat 2019.”
News
KUMPIRMADO! Sa wakas inamin na nina Alden Richards at Kathryn Bernardo kay Tito Boy Abunda na official na ang kanilang relasyon – SI ALDEN RICHARDS ANG NAGPAPASAYA SA KANYA NGAYON 😱🥰
Alden Richards, natanong ni Boy Abunda kung nililigawan nito si Kathryn Bernardo – Alden Richards, in ‘FTWBA,’ was asked about his “Hello, Love, Again” co-star, Kathryn Bernardo – On the show, Boy Abunda frankly asked Alden if he was courting…
Nadine Lustre calls out basher’s vulgar remark: ‘Didn’t pass the vibe check’
Nadine Lustre. Images: Instagram/@nadine Nadine Lustre didn’t waste any time in calling out a netizen who left a vulgar comment on her Instagram page, saying the latter “didn’t pass the vibe check.” Lustre took to her Instagram Story on Monday,…
Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo: Ang Nakakagulat na Common Denominator sa pagitan ng Tatlong Icon na Ito!
Empowered women: Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo It is good to note that the entertainment industry is peopled with empowered women — individuals who possess an unwavering belief in their own capabilities and worth and use their confidence to navigate challenges…
Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop
Ogie Diaz has taken to social media to share his honest reaction to a viral video about Kim Chiu. Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop (@chinitaprincess, @ogie_diaz) Source: Instagram In the…
Ivana Alawi, Ipina-Tulfo Na Ang Mga Business Partners!
Itinampok si Ivana Alawi, sa pinakabagong episode ng programang Raffy Tulfo in Action tungkol sa kasong estafa na isinampa niya laban sa kanyang mga business partner. Sa kanyang pakikipag-usap kay Sen. Raffy Tulfo, humihingi si Ivana ng refund na…
Part 2 | BISTADO NA KASAMA Sa VIDEO Christine Dacera at Valentine Rosales INILABAS NA ANG LAHAT
Introduksyon Sa ikalawang bahagi ng kwentong ito, umusbong ang mga bagong impormasyon tungkol sa relasyon nina Christine Dacera at Valentine Rosales. Ang mga bagong video at ebidensya ay nagbigay-diin sa kanilang koneksyon, na nagdulot ng iba’t ibang reaksyon mula sa…
End of content
No more pages to load