Vice Ganda: “Never akong nagbigay ng opinion ko tungkol sa issue.”
It’s Showtime host Vice Ganda explains side on viral video clip of “Expecially For You” segment: “Though gets ko naman ung mga point nila. At tama din sila. Pero sana napanuod din nila at di nila in-invalidate ung iba ko pang sinabi sa isang buong episode.”
PHOTO/S: Courtesy: GMA on YouTube
Nagulat si Vice Ganda nang bigla siyang i-call out ng ilang netizens sa X (dating Twitter) dahil diumano pumanig siya kay Angelica Yulo sa isyu nito sa anak na si two-time Paris Olympics gold medalist na si Carlos Yulo.
Nag-ugat ito sa naging pahayag ni Vice sa video clip na kuha mula sa episode ng “EXpecially For You” ng It’s Showtime, kung saan sinabi ng searcher na nagngangalang KY na pakiramdam niya ay hindi siya at home sa mismo nilang tahanan.
Pero ang kanyang ex-boyfriend ay okay na okay pa rin sa kanyang sariling pamilya.
Photo/s: Courtesy: GMA on YouTube
Pahayag ni KY, “Meron akong family, pero I don’t feel at home.
“Pero nung siya [ex-boyfriend], kasi family ko…”
Singit na tanong ni Vice, “Alam ba ng pamilya mong ganyan ang tingin mo sa kanila?”
Sagot ni KY, “Actually, opo. Recently lang din po ako naging open. Na growing up, ganun po yung nararamdaman ko.”
Tanong naman ng co-host ni Vice na si Ogie Alcasid, “Inaayos niyo na ngayon yung relasyon ninyo?”
Sagot ng searcher, “With my mom, opo.”
Komento ni Vice, “Mahirap yung hindi ka okay sa family. Napakahirap.
“Napakahirap na problema yan. Oo.
“Yan yung problema ng parang hirap na hirap kang solusyunan at gawan ng paraan.
“Mas parang, kung iisipin mo, mas mahirap pa yan sa makakuha ng gold sa Olympics, di ba?
“Pag may problema ka sa pamilya mo, yan yung problema ng parang ang hirap-hirap dalhin.”
Ayon naman kay KY, “Pero… pero minsan po kasi sa ibang family, parang hindi applicable yung ganun.
“Na parang… if they were parang nagiging… nai-slow down yung progress mo sa buhay dahil sa kanila, parang you have to let it go.
“Kasi, depende rin po sa sitwasyon mo.
“Kasi sabi ko nga, hindi naman lahat ng bata lumaki sa pamilya na supportive, na open…”
Pakli ni Vice, “Sorry, ha. Hindi ako naniniwala na you can let go of your family.”
NETIZEN ACCUSES VICE GANDA OF SIDING WITH CARLOS’S MOTHER
Isang netizen ang nagkomento na, base sa napanood na video, ay kumpirmado raw na kampi si Vice sa ina ni Carlos Yulo.
Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng marami na nagkaroon ng alitan sa pagitan ng Olympic champion at ng kanyang ina.
Sabi ng netizen, “CONFIRMED. Vice supports Angelica’s side nga. Im so disappointed in you @vicegandako”
Dagdag pa nito, “I hope Carlos Yulo doesnt bother to guest sa showtime. #ShowtimeBestPick”
Tila nag-assume agad ang netizen na konektado ang pahayag ni Vice kay Carlos at sa ina nito.
News
Janine Can’t Hide It Any Longer! CONFESSES Her Joy Being with Ech.The Shocking Details Revealed! (TR)
Janine Gutierrez, Inamin Ang Saya Kasama Si Jericho Rosales: A Love Story Unfolds In an exciting twist that has captured the hearts of fans, Janine Gutierrez has openly shared her happiness with Jericho Rosales, sparking a wave of excitement among…
SHOCK: ROBIN PADILLA Binantaan si KARLA Estrada Dahil sa Pagbagsak ni KATHRYN Bernardo, Nagagalit ang Fans Nang Alam Nila Ang Dahilan… (TR)
The online community is in an uproar after Robin Padilla, one of the prominent stars in the Philippine entertainment industry, suddenly threatened Karla Estrada, a famous actress and mother of Daniel Padilla, for her controversial statements about Kathryn Bernardo. This…
Shocking news: Kim chiu can’t stand it because she misses Paulo Avelino, forcing her to do this right away…(TR)
Kim Chiu Di Nakapagtiis Sa Singapore at Na-miss Si Paulo Avelino! Nagtungo si Kim Chiu sa Singapore para dumalo sa konsiyerto ni Taylor Swift, isang kaganapan na labis niyang inabangan. Sa kanyang pagbiyahe, hindi maikakaila ng ilang fans…
SHOCK: gulat na gulat si PAULO AVELINO nang aminon niyang MAS MAGANDA si KIM CHIU KAY JANINE GUTIERREZ, nagulat ang fans sa kanyang ginawa.. (TR)
Paulo Avelino has just caused a storm on social media with a statement that shook the online community, when he suddenly admitted that Kim Chiu is “sweeter” than his colleague Janine Gutierrez. This information immediately became a hot topic, causing…
SHOCKING: Xian Gaza Responds to Allegations That AiAi Delas Alas Ordered the Controversial Post About Gerald Sibayan… (TR)
Mariing pinabulaanan ni Xian Gaza ang mga akusasyong nag-utos si Ai-Ai Delas Alas na ipost ang kontrobersyal na open letter laban sa asawa nitong si Gerald Sibayan. Ayon kay Xian, walang katotohanan ang mga paratang at itinuturing niyang “100% fake…
HOT: Coco Martin Nagsalita Na Sa Pagtupad Ng Hiling ni Gina Pareño (TR)
Tila handang tuparin ni Coco Martin, ang lead actor at direktor ng *FPJ’s Batang Quiapo*, ang hiling ng batikang aktres na si Gina Pareño na muling makabalik sa mundo ng pag-arte. Sa isang ulat ng ABS-CBN News noong…
End of content
No more pages to load