Team VIDA Shocks Everyone with an Unbelievable Twist in ‘Magpasikat’ Performance! (TR)

Vhong Navarro, Ion Perez, Darren Espanto and Amy Perez of Team VIDA Magpasikat performance

Team VIDA of Vhong Navarro, Ion Perez, Darren Espanto, and Amy Perez delivers a cohesive “Hiram Na Buhay” production number. Seen in photos: Ion delivers a pole stunt without harness (leftmost), Ion, Amy, and Darren running while Vhong is up on air (rightmost); and Darren sings “Sasagipin Kita” while Amy plays a mom mourning the death of her son (center). 
PHOTO/S: Screengrab from GMA-7 YouTube

Maganda ang tahi ng kuwentong “Hiram Na Buhay” ng Team VIDA para sa “Magpasikat” performance sa It’s Showtime ngayong Miyerkules, October 23, 2024.

Ang Team VIDA ay kinabibilangan nina Vhong Navarro, Ion Perez, Darren Espanto, at Amy Perez.

Isang musical drama skit ang “Magpasikat” performance ng apat.

May kanya-kanya silang pasiklab na stunts, at saka nagtapos sa rebelasyon ng plot twist nang kantahin ni Darren ang awiting “Sasagipin Kita” kasama si Amy Perez na may dalang urn.

Kim Chiu, Ogie Alcasid tackle personal struggles in “Magpasikat”
Team Vice kicks off “Magpasikat” week with SB19 and Carlos Yulo
Kim Chiu thankful after death-defying Magpasikat 2024 stunt
“Magpasikat” nakatulong sa pagtaas ng ratings ng It’s Showtime

TEAM VIDA’S “HIRAM NA BUHAY” NUMBER

Nagbukas ang “Magpasikat” performance nila sa isang prerecorded na eksena sa ospital kung saan ipinakitang nasa tabi ng hospital bed sina Darren at Ion, habang nag-aalala sa isa nilang kamag-anak na nag-aagaw-buhay matapos ang isang trahedya bunsod ng bagyo.

Matapos nito ay lilitaw si Vhong sa likuran, na umaarte bilang si kamatayan.

Vhong Navarro plays Kamatayan in Magpasikat

Vhong Navarro plays Kamatayan in “Magpasikat” 
Photo/s: Screengrab from GMA YouTube

Sa entablado, unang magpe-perform si Vhong ng isang dance number. Nakaitim siya at sumasayaw na tila minamanipula ng isang malaking kamay sa background.

Sumunod naman ay ikinuwento ang buhay ng isang ina, na ginagampanan ni Tiyang Amy. May interpretative dance number ang respected TV host kung saan ipinapakita ang mga paghihirap niya para mapalaki ang dalawang anak niyang lalaki.

“Kung oras ko na, paano na ang mga anak ko?” tanong ni Amy sa voiceover.

Amy Perez interpretative dance in Magpasikat

Amy Perez tied in ribbons to showcase the inner battle that her character is going through. 
Photo/s: Screengrab from GMA YouTube

Next naman si Ion, na aarteng panganay na anak. Buwis-buhay ang performance ng TV host and actor, dahil bumitin siya sa nakaangat na mga bakal para gumawa ng stunts.

Walang harness si Ion nang ginawa niya ang paglambitin at pagtalon-talon mula sa nakaangat na mga bakal, kaya’t kitang-kita ang pag-aalala ng asawa niyang si Vice Ganda, na nanonood sa audience.

Ion Perez delivers pole stunts without harness for Magpasikat in IT's Showtime.

Ion Perez delivers pole stunts without harness for “Magpasikat” 
Photo/s: Screengrab from GMA YouTube

Sa performance ni Ion ay ipinaabot niyang hindi siya ang paboritong anak ng karakter ni Amy.

“Kung oras ko na, mararanasan ko pa bang maging paborito rin?” saad ni Ion sa voiceover.

Vice Ganda looks serious as she watched Ion Perez's agaw-buhay stunt in Magpasikat.

Vice Ganda looked serious as she watched Ion Perez’s agaw-buhay stunt in Magpasikat. 
Photo/s: Screengrab from GMA YouTube

Si Darren naman ang nag-perform. Gumamit siya ng isang malaking steel ring para gumawa ng acrobatic stunts.

Sa una, makikitang nahihirapang mag-balance si Darren, pero matagumpay naman siyang nakagawa ng ilang stunts sa bandang dulo.

Darren Espanto shows acrobatic stunts in Magpasikat in It's Showtime,

Darren Espanto shows acrobatic stunts in Magpasikat 
Photo/s: Screengrab from GMA YouTube

Matapos nito ay bumalik ang nakaitim na karakter ni Vhong para habulin ang mag-iina.

Sumabit sa isang harness si Vhong sa bandang likuran habang sa harap ay tumatakbo sa isang treadmill sina Amy, Ion at Darren.

Mapapagod ang mag-iinang tumakbo at mapapasigaw si Amy.

Balik naman sa video package ang eksena, kung saan binunyag na ang karakter ni Ion pala ang namatay matapos nitong sagipin ang karakter ni Darren mula sa rumaragasang baha. Emosyonal ang eksena at pumapalahaw sina Amy at Darren.

Pagbalik naman sa entablado, ipinakita na si Darren at Amy na nakaputi. Hawak ni Amy ang isang cremation urn.

Dito na rin kinanta ng pop singer ang “Sasagipin Kita.” Mataas ang tono ng kanta, at nakakamangha ang pagkanta ni Darren habang umaarteng naghihinagpis sa tabi ni Amy.

Dito na nagtapos ang “Magpasikat” performance nina Darren, Amy, Vhong at Ion.

HOW TEAM VIDA CAME UP WITH THE CONCEPT

Sa maikling panayam matapos ang performance ay ikinuwento ni Vhong kung paano nabuo ang kanilang konsepto, Aniya, gusto raw niya ng kakaibang performance para sa 15th anniversary ng show.

“Gusto ko lang maiba, meron tayong bagong ihahain na parang may dark,” sabi ng dancer at TV host.

Simple lang raw ang mensahe na gusto nilang iparating.

“Gumawa tayo ng kabutihan sa tao. Kasi pag sinabing oras mo na, di ba, di mo alam kung kailan yun. So kailan ka gagawa ng kabutihan. Pag oras mo na ba? Dapat bago pa,” pahayag ni Vhong.

Emosyonal naman si Amy nang sabihin ang mensaheng nais niyang maparating sa mga magulang.

“Minsan nakakalimutan nating makita na meron pala tayong anak na nagsasakripisyo rin gaya natin. Di ba? Minsan hindi natin nakikita yun,” pagbungad ni Tiyang Amy.

May komento rin siya sa isyu ng mga favorite child.

“Minsan, may isang anak na maaaring may mas pangangailangan siya, so siya yung napapagbintangan na siya yung favorite. Pero sa mata ng magulang pantay yun, pero mas alam lang niya sa puso niya na yung isang anak niya may kailangan na suporta, atensyon, pagmamahal, may it be financial or emotional. Merong ganung anak. At meron ding matatag na anak, at matapang na kayang magsakripisyo para sa pamilya nila,” paliwanag niya.

Dagdag naman ni Darren, dedicated din ang performance nila para sa mga anak na nagpupursigi na maging proud ang mga magulang nila.

“Siyempre di man namin sabihin, e may added pressure pa rin yun lagi,” sabi ni Darren habang naluluha.

Naging emosyona si Darren nang ikuwento niya kung paano nabuo ang “Sasagipin Kita,” ang kantang sinulat niya para mismo sa 15th anniversary ng noontime show.

Saad ng singer and TV host, dedicated para sa mga magulang niya ang madamdaming awitin.

“Yung parents ko po talaga, lagi nila akong sinasagip sa lahat ng mga problema o mga bagyong dumadaan sa buhay ko. Gusto ko lang din ialay yung kantang yun para sa kanila,” sabi ni Darren habang humihikbi.

Pinasalamatan din niya ang ina niyang nasa audience. Tumulong raw kasi si Mommy Marinel na maisulat ang kanta.

Bumagay ang “Sasagipin Kita” sa “Magpasikat” production ni Darren, na tungkol sa pagmamahal ng isang ina.

First time ni Darren sa “Magpasikat,” matapos maging regular host ng It’s Showtime noong Marso ngayong taon.

Bukas, Huwebes, ay sina Anne Curtis, Jugs Jugueta, at Teddy Corpuz ang magtatanghal sa “Magpasikat.”

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News