Shocking News: Vice Ganda Exposes Kim Chiu’s Secret – Has She Introduced Her New Boyfriend To Her Parents? (TR)

Pinulutan ulit ni Unkabogable Phenomenal Superstar Vice Ganda ang love life ni Kim Chiu sa segment na ‘EXpecially For You’ ng ‘It’s Showtime’.

Nagsimula kasi ang asaran nang kantahin ni Kim ang linya ng kantang ‘Isang Linggong Pag-ibig’ ni Imelda Papin.

“Kayrami nang pusong sinugatan,” pagkanta ni Kim.

Sabay tanong ni Meme Vice sa kanya, “Sugatan pa ba?”

Reply naman ni Kim, “Sakto lang,” na sinundan naman ng pag-play ng kantang ‘Hiling’ ng ka-love team ni Kim na si Paulo Avelino.

Ask tuloy ni Meme Vice kay Kim, “Kaninong kanta ‘yan?”

Na sinagot naman ni Kim, “Kay Paulo.”

After ng pang-aasar ay ininterbyu ni Meme Vice ang searcher sa ‘EXpecially For You’, kung saan ay napag-usapan nga nila ang pagpapakilala sa pamilya ng dyowa.

Hindi pinalagpas ni Meme Vice ang pagkakataon na iyon para tanungin si Kim, na nali-link nga kay Paulo.

Tanong ni Meme Vice kay Kim, “Napakilala ka ba sa parents niya?”

“Doon sa mga dati? Oo,” sey ni Kim.

Tanong uli ni Meme Vice, “Bakit ‘yung sa ngayon, hindi pa?”

Paglilinaw naman ni Kim, “Wala naman ngayon.”

Natawa na lang si Kim nang sabihin sa kanya ni Meme Vice, ang “Makarma?” “Mamatay?” at “Mabawasan ang endorsement?”

Natapos ang asaran nang ipasa ni Kim kay Meme Vice ang feeling na mapakilala sa mga magulang ng dyowa.

Wish naman ng KimPau fans, araw-arawin ni Meme Vice ang pang-aasar kay Kim hanggang sa umamin daw ito.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2024 News