INSTAGRAM OFFICIAL: Marco Gallo and Heaven Peralejo exchange “I love you’s” on her 25th birthday on November 25, 2024.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
Instagram official na ba sina Heaven Peralejo at Marco Gallo?
Ito ang tanong ng netizens matapos mabasa ang Instagram post ni Marco kahapon, November 25, 2024.
Kalakip ang black-and-white photos nila, nakasaad dito ang maikling mensahe ni Marci para sa 25th birthday ni Heaven.
Pero ang mas nakapukaw ng atensiyon ng marami ay ang pagtawag ng Filipino-Italian actor na “mahal” sa aktres.
At sa comments section ay nag-“I love you” sa isa’t isa ang dalawa/
Sabi ni Marco sa caption, “Happy 25th birthday mahal [heart emoji], can’t be more proud of you.”
Komento ni Heaven, “i love you. wish you were here”
Sagot ni Marco sa kanya, “I love you too.”
Labis naman itong ikinatuwa ng fans ng dalawa:
Base sa post na ito ni Marco at mensahe nila ni Heaven sa isa’t isa, tila kinumpirma na nila ang matagal nang usap-usapan tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.
MARCO GALLO-HEAVEN PERALEJO RELATIONSHIP TIMELINE
Nagsimulang ma-link sina Marco at Heaven noong taong 2023.
Pero hindi nila direktang sinabi kung ano ang tunay na estado nila hanggang nitong early 2024.
Sabi pa ni Heaven noon, “Ako personally, mas gusto ko, kung meron man something sa amin, kung ano man yung status namin, if meron, I would prefer to keep it sa amin lang.
“Kung ano man yung napu-post namin sa social media is what you see is what you get pero sa status, kung ano man kami, I’d rather keep it to ourselves.”
Sabi naman ni Marco, “You heard the boss, I can’t say anything.”
Kilala si Marco sa pagiging “brutally honest” pero may paliwanag siya tungkol sa sinabi niya.
“I am honest. The thing is she’s gonna be mad at me. Do we want that? No.
“It was about respecting her choice. She wants to keep it to herself so I respect that. It’s a thing that you can’t decide na hindi puwedeng magsabi siya nang ganoon tapos sasabihin ko lang….”
Sa presscon ng pelikulang pinagsamahan nila na Men Are From QC, Women Are From Alabang noong April 2024, natanong si Heaven kung ano ang tatlong pinaka-sweet na ginawa ni Marco sa kanya.
Lahad ni Heaven, “One is when we were in Siargao, actually.
“It was super-cold gabi na tapos wala akong dalang blanket and nasa beach kami, sobrang lakas ng hangin.
“And so, kahit lamig na lamig siya, wala siyang damit kasi ibinigay na niya sa akin. So, mga little things like that.
“Second, siguro yung sa movie, ah, binigyan niya ako ng coffee tapos nagulat na lang ako nakalagay doon, ‘For Tita Babes!’ Sobrang cute!
“And then third… oh, gumawa siya ng pasta, gumawa siya ng pasta.”