Yohan Agoncillo, nagtatanong na raw tungkol sa kanyang biological parents; Judy Ann Santos, handa raw hanapin ang mga ito para sa anak
Photos: @officialjudayph & @officialjuday
Taong 2004 nang maging isang ganap na ina ang tinaguriang Young Superstar na si Judy Ann Santos sa pamamagitan ng kanyang panganay na anak na si Yohan (full name: Johanna Louis Santos-Agoncillo). Twenty-six pa lang noon si Juday at hindi pa kasal sa mister niyang si Ryan Agoncillo.
That year, Juday adopted Yohan.
Open book ito sa lahat, maliban kay Yohan na noon, of course, ay baby pa. Today, at 16, Yohan is one fine and well-adjusted young lady.
Marahil ay dahil na rin sa naging magandang paraan ni Juday ng pagpapa-alam kay Yohan na siya ay adopted.
“I think, wala namang madaling paraan when you actually reveal to your child the real situation,” lahad ni Judy Ann sa naging IG [Instagram] Live interview niya with ABS-CBN writer na si G3 San Diego last night, May 24.
“But, as soon as I got Yohan, it was already a prayer na, ‘Lord, just give me a window kung kailan ko siya p’wedeng masabi
“Because I don’t want to keep this from her for such a long time, because she doesn’t deserve to be lied to or magtago ako ng secret sa kanya because she needs to know.
“She needs to know that the word ‘adopted’ or ‘adoption’ hindi siya masama. Tanggalin ang stigma na yan. Kasi, ‘yung word na ‘yun is [actually equivalent to] ‘Because I want you to be part of my life.’”
Dagdag k’wento pa ni Juday, ipinagdasal daw niya talaga ng mahabang panahon na mabigyan siya ng anak na babae pag dating niya ng 26 year old. Ganoon ka-specific umano ang dasal niya. At aniya, ito ang kinuwento niya kay Yohan later on.
“[I told her] ‘I prayed for you’… kasi, totoo lahat ‘yun. Mahirap kasi ‘yung sinasabi mo pero hindi totoo,” saad ng aktres.
“It was easy for me to explain but of course, it didn’t happen in one go. It was a process every time she would ask questions.”
Apat o limang taon pa lang daw ang anak noong una itong magtanong sa kanya.
Balik-tanaw niya: “She asked me the question when she was around four or five years old if she came from my tummy. Kasi nakita niya si mommy [Carol] ko…mama kasi ang tawag niya kay mommy. Nakita niya si mommy na may tahi [sa tiyan], ’yung sa CS [caesarean surgery] ni mommy.
“Tinanong niya [si Mommy Carol] if she came from there. Sabi niya, ‘No.’
“‘Did mommy [Juday] come from there?
“‘Yes.’
“‘So, where did I come from?’
“’ You ask your mom.’
“So, ‘yun na.”
Pero bago pa man daw magtanong ang anak ay simpleng ini-introduce na niya ang concept dito sa pamamagitan ng pagpapabasa dito ng mga kiddie books na may istoryang adoption.
But when the question did come, ganito raw niya in-explain: “So I told her, ‘You came from mommy’s heart,’ more than anything. ‘You came from my heart because I prayed for you for so many years. My exact prayer was I wanted to have a daughter when I turn 26. And, I got a call after I turned 26, few days after my birthday, I got a call… so lo and behold, I have my baby girl.”
Malinaw na ‘answered prayer’ nga raw ang pag dating ni Yohan sa buhay niya. Nasa taping pa raw siya ng pinagbidahang serye na “Krystala” noon at nagkataon na ang location pa nila noon ay sa Baby Section ng isang department store.
“So, para talaga siyang pinagtugma ng Diyos. Na sa araw na ito, magiging nanay ka at bibigyan kita ng chance na ma-experience mong bilhin ang gamit ng anak mo.
“Pag-uwi ko, may bitbit akong mga gamit. Pag kita ko sa kanya, sabi ko, ‘Parang ako ito.’ So, every time I explained that to her, even now… s’yempre, it was a process of answering her question. Telling her the real situation. And of course, at one point, ayaw mo rin namang i-alok ’yung right nila na magtanong kung sino sila.”
Nang mahingan naman ng payo si Juday para sa mga kagaya niyang adoptive parents o kaya naman ay may balak mag-ampon in the future, sinabi niyang wag masyadong patagalin ang pagsasabi sa mga bata ng tunay na sitwasyon.
“Wag n’yong patagalin,” sabi niya. “Kasi, all the more that it would hurt them. Ako kasi, ang takot ko kasi, malaman niya sa ibang tao. And I cannot protect her from that. E, napaka-protective ko sa kanya.
“I don’t want na malaman niya sa ibang tao. It should come from me. Dapat sa akin. Kasi, ako ‘yung nanay. Ako ‘yung nakaka-alam. Kasi, baka ‘yung ibang tao, iba ‘yung pagkakasabi sa kanya, magiging iba ‘yung dating.
“Ayokong magkaroon siya ng hinanakit sa parents niya because it’s unfair. But you know, it’s the relationship that you will be building with your child. It’s the trust and love and the commitment that it was an answered prayer.”
Ayon pa kay Juday, “Ako, naniniwala ako na ang bawat taong dumarating sa buhay natin ay may purpose. Mapa-kaibigan, mapa-katrabaho, mapa-asawa, lahat ‘yan, may purpose.
“Hindi ‘yan ibibigay ng Diyos sa atin kung hindi natin kayang panindigan ang mga tao sa buhay natin.”
Ani pa Juday, hindi pa rin tapos ang Q&A process nila ni Yohan dahil of late, ang tinatanong naman daw nito ay tungkol sa kanyang biological parents.
“So, Yohan, at some point, palagi siyang nagtatanong, ‘Do you know my mom?’ ‘What if I want to see her?’ I always tell her, ‘You just let me know when you want.
If at some point, someday, you want to meet your biological parents, it’s fine. We’ll find a way.’”
However, inamin ni Juday na hindi madali para sa kanya ang naging conversation nilang iyon.
“Siyempre, habang sinasabi ko ‘yun, para ‘kong sinasakal. Parang pinipiga ang puso ko. But that’s her right.”
Dagdag pa niya, pinaalalahanan daw niya si Yohan ngayon palang na wag magtanim ng galit sa kanyang biological parents.
“Kahit naman ako, kapag nandoon ako sa sitwasyon na ‘yun, marami pa ring questions na bakit ganito, bakit ganyan?
“ So, I’d always, tell her: ‘Wag kang magtanim ng sama ng loob sa parents mo. Probably, they just had to make this decision because they wanted to give you a better future. Probably, they don’t have the capacity or the means to take care of you but it doesn’t mean they don’t love you. They love you so much that they don’t want to give you a hard time.’”
Dagdag payo pa niya sa mga adoptive parents na naghahanda nang sabihin ang totoo sa mga adopted kids nila na pagkatapos daw ng big reveal ay yakapin nila nang mahigpit ang bata.
Sa ngayon, isa pang kinakaharap ni Juday about Yohan ay ang pagdadalaga nito. At 16, sigurado daw siyang may manliligaw na ang kanyang pretty’ng panganay.
“I’m sure naman may nanliligaw na riyan,” pa-dismissive kunyaring tsika niya. “Lahat naman tayo nanggaling diyan. We’re very open naman to Yohan when it comes to personal things. She talks to her dad. Open siya about kapag meron siyang mga issues or may crush siya, she tells me.
“Tapos, ina-advise-an ko lang siya, especially now na ang lawak ng mundo ng social media. ‘Hindi mo masasabi kung sino ‘yung mga taong totoo sa ‘yo. But it’s okay to make friends with a lot of people. You just have to know who and when to trust at kailangan mong lagyan ng bakod muna ang sarili mo. But you’ll learn, you’ll learn.’”
Pero ang natatawang kambiyo niya: “Buti na nga lang din naiisip ko, okay na rin ‘yung nag-quarantine. Nandito lang siya sa bahay. Napaka-selfish ko, ‘di ba?”
“I’m sure, hindi lang naman ako ang nag-iisa, I’m sure, happy rin kayo na nasa quarantine ang mga anak n’yo, ‘di ba?,” naka-bungisngis na pagtatapos niya.
Bukod kay Yohan, may dalawa pang anak sina Juday at Ryan, sina Juan Luis (Lucho), 10; at Juana Luisa (Luna), 5.