Ni ARCHIE LIAO
AYAW makialam ng magaling at multi-awarded actor na si Christopher de Leon sa naging away nina Nora Aunor at Matet de Leon.
Ito ay dahil sa claim noon ni Matet na kinumpetensiya siya ng ina sa kanyang ‘gourmet tuyo’.
Aniya, sa pagkakaalam niya, tensyonado lang daw ang dalawang kampo nang mangyari iyon.
“They’re just emotional about the whole thing. There’s a lot behind it. There’s a lot behind what people are saying. I know the tension already. I know the background pero hindi naman ako makapagsalita because I’m not interested in dramas like that. Sabi ko nga, I try to stay away from that,” paliwanag niya.
Paglilinaw pa niya, hindi rin daw nagkumpisal sa kanya si Matet sa pinagdadaanan nito sa kanyang mommy.
“I know what really happened. I know all the stories in all the stages,” makahulugan niyang pahayag.
Hirit pa niya, naniniwala rin daw siyang tulad ng ibang away ay mareresolba ang sigalot ng mag-ina sa isa’t isa nang hindi siya nakikialam.
“I’m older now. Para sa akin, iyong stuff like that can hinder your enjoyment in life, so sabi ko, ‘tama na iyan,” ani Christopher.
Nagpapasalamat naman siya na naayos na ng mag-ina ang kanilang hindi pagkakaunawaan na hindi niya kailangang mamagitan.
Dagdag pa niya, nakaugalian na rin daw niya na i-reject sa kanyang sistema ang anumang kanegahan dahil ayaw niyang maapektuhan ng mga lumalabas sa social media.
“I have friends na ikinukuwento sa akin kaya nau-update ako. Actually, we never enjoy talking about other people. There are good o better news. Mas prone ako doon. It lightens up my day than talk about this negative stuff,” sey niya.
“Good for her. Yeah, honestly she needs that,” matipid niyang lahad.
Si Christopher ay kasama sa cast ng “Batang Quiapo” kung saan bibigyang-buhay niya ang papel ng pinuno ng mga gangster.
Sa ngayon, naghahanda na rin siya sa kanyang concert na “Some Kind of Valentine” kung saan kasama niya sina Tirso Cruz III, Bobot Mortiz at Lovi Poe. Mapapanood ito sa Newport Performing Arts sa Newport World Resorts sa Pebrero 3 at 4. Tampok din sa one-of-a kind concert sina Mel Villena, AMP Big Band at fast rising artist Kaneisha Santos. Ito ay sa produksyon ng Dreamwings Productions at ng magkapatid na Charo at Malou Santos.