Scorching Chemistry Alert! Alden Richards and Sanya Lopez’s Scene in Pulang Araw Was So Intensely Hot It Had to Be Filmed Twice – What Really Happened On Set? (TR)

Lampungan nina Alden, Sanya sa 'Pulang Araw,' 2 beses kinunan: 'Sobrang hot!'
Photo Courtesy: GMA Network (YT/FB)

Ibahagi

Napag-usapan ang tungkol sa mainit na pagniniig nina Kapuso stars Sanya Lopez at Alden Richards sa historical-drama series na “Pulang Araw” ng GMA Network.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes, Oktubre 29, ibinahagi ni Sanya ang kuwento sa likod ng nasabing eksena.

“You had that love scene with Alden, gaano ka-hot ‘yon?” usisa ni Boy.

“Parang sobrang hot,” natatawang sagot ni Sanya. “Sa totoo po niyan, dalawang beses po naming ginawa ‘yon, Tito Boy. ‘Yon ‘yong first namin na gano’n ‘yong scene.

Lovi Poe, magbabalik nga ba sa ‘Batang Quiapo?’

“Tapos, Tito Boy, ‘yong una kasi no’n, ‘yong original nakadamit kami, Tito Boy. Tapos parang sinabi nila since nga po sa Netflix nila ilalabas naman, kumuha sila no’ng talagang topless. Pero may cover naman po kami,” wika ng aktres.

Dagdag pa niya: “Because nag-go si Alden, go rin po ako that time. Pero hiyang-hiya talaga ako no’n kay Alden kaya ang ginawa ko no’ng time na ‘yon, tinanong ko siya kung mayro’n na ba siyang mga ganito eksenang nagawa.”

Pag-amin ni Sanya, medyo nakakakaba raw talaga ang ginawa nilang eksena. Pero in fairness daw kay Alden, iningatan daw siya nito.

Matatandaang umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang umano’y mala-digmaang eksena nina Sanya at Alden sa “Pulang Araw.”

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2024 News