Rosanna Roces calls for help for guard who lost his job after viral mall incidentšŸ„¹

Rosanna Roces, pinahanap ang viral security guard para matulungan

Nanawagan si Rosanna Roces na tulungan ang guwardiya na nawalan ng trabaho matapos ang viral na insidente sa mall
Nagsimula ang insidente nang sitahin ng guwardiya ang isang estudyanteng nagtitinda ng Sampaguita na nauwi sa pananakit
Ayon sa Mandaluyong Police, ang estudyante ay isang iskolar na nagtitinda para makatulong sa gastusin ng pamilya
Humingi ng paumanhin ang security agency ng guwardiya at nangakong iniimbestigahan ang insidente

Nanawagan si Rosanna Roces, isa sa cast ng FPJā€™s Batang Quiapo, na tulungan ang security guard na nawalan ng trabaho matapos masangkot sa viral na insidente ng umano’y pananakit sa isang estudyanteng nagtitinda ng Sampaguita.

Rosanna Roces, pinahanap ang viral security guard para matulunganRosanna Roces, pinahanap ang viral security guard para matulungan (@therealrosannaroces?Instagram)
Source: Instagram

Sa kanyang Facebook post ngayong tanghali, sinabi ni Roces, ā€œTULUNGAN natin si Guardā€¦ kawawa may pamilya yan.ā€ Hiniling din niya kay Morly Alinio, isang host ng DZRH radio, na hanapin ang guwardiya upang mabigyan ito ng suporta.

Ang insidente ay nag-ugat matapos mapanood sa viral na video ang 18-anyos na estudyante na sinita ng guwardiya habang nakaupo sa hagdanan ng isang kilalang mall. Bagamat umalis na sana ang bata, sinira ng guwardiya ang panindang Sampaguita nito. Gumanti ang estudyante sa pamamagitan ng paghampas ng bulaklak, dahilan para sipain siya ng guwardiya.

Ayon sa Mandaluyong Police, ang estudyante ay isang iskolar at nagtitinda ng Sampaguita upang makatulong sa gastusin ng pamilya. Samantala, humingi ng paumanhin ang security agency na REDEYE II MANAGEMENT, na nagsabing sumasailalim na sa due process ang guwardiyang sangkot sa insidente.

Iginiit ni Roces na dapat tulungan ang guwardiya dahil isa itong lehitimong manggagawa na marahil ay nasa ilalim ng matinding emosyon nang mangyari ang insidente. Aniya, ā€œMagiging precedent ā€˜yan. Babastusin na lahat ng guard na ginagawa lang ang trabaho nila.ā€

Nagpahayag rin ang aktres ng pagsuporta sa guwardiya at ng pagtutol sa anumang uri ng panlilinlang, kasabay ng panawagan para sa pagkakaroon ng pagkakaisa at pagkakaunawaan sa mga ganitong sitwasyon.

Matatandaang lumikha ng ingay ang video ng binansagang ‘Sampaguita girl’ matapos siyang paalisin ng security guard sa harap ng isang mall.

MatatandaangĀ agad na naglabas ng opisyalĀ na pahayag ang SM Megamall matapos na umani ng kabi-kabilang reaksyon ang viral video kung saan makikita ang umano’y pagpapalayas ng isang security guard sa batang babae na ‘di umano’y naglalako ng Sampaguita.

Nagbigay ngĀ opinyon si Xian Gaza sa isang viral videoĀ sa Facebook kung saan makikita ang isang batang nakasuot pa ng uniporme habang nagtitinda ng Sampaguita na pinaalis ng isang security guard sa isang SM establishment.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News