Online platforms, unti-unting pinapatay ang traditional TV
JERRY OLEA
Mukhang nasa labas talaga karamihan ng mga tao kapag weekend kaya konti lang ang mga nanonood sa kani-kanyang telebisyon.
Bukod pa riyan, mas marami na talagang nanonood sa online at streaming platforms, kaya nakababahalang unti-unti na ring pinapatay nito ang TV industry.
Mababa ang viewership noong Biyernes, Enero 24 , 2025, lalo na pagdating sa gabi.
Ang Kapamilya noontime show sa GMA-7 na It’s Showtime, naka-5.2%; at ang katapat nitong Eat Bulaga! sa TV5 ay naka-3.9%.
Ang malapit nang magwakas na Lilet Matias: Attorney-At-Law ang pinakamataas pa rin sa mga afternoon drama ng GMA-7. Naka-7% ito.
Mukhang umepek ang pa-abs ni Allen Ansay sa Prinsesa ng City Jail kaya naka-6.8% ito.
Ang Forever Young na malapit na ring matapos ay 5.8%, at sumunod ang K-drama na Perfect Marriage Revenge na 2.6%.
Kahit ang consistent na mataas na Family Feud ay 7.6% lamang.
Family Feud host Dingdong Dantes (center) with the supporting cast of Mga Batang Riles as contestants.
Photo/s: GMA Network
PRIMETIME RATINGS
Matindi na ang bakbakan at action scenes sa mga primetime drama sa Kapamilya Channel at GMA-7, pero angat pa rin ang FPJ’s Batang Quiapo at Incognito noong Biyernes.
Read more about
ratings
Naka-16.5% ang FPJ’s Batang Quiapo ni Coco Martin, habang ang Lolong: Bayani ng Bayan ni Ruru Madrid ay naka-9.3%.
Ang Incognito ay naka-9.3%, at 8.7% naman ang Mga Batang Riles.
Sumunod ang Amazing Earth na 4.9%.
GORGY RULA
Noong Sabado, January 25, ay ganoon pa rin kababa ang viewership.
Ang It’s Showtime ay 5.7%, at ang Eat Bulaga! ay 3.5%.
Ang Lilet Matias ay 6.9%, at ang sumunod na Tadhana ay 6.2%.
Ang Wish Ko Lang! naman ay 5.5%, at ang Karelasyon ay 4.7%.
Pagdating sa primetime, naka-7.7% ang 24 Oras Weekend.
Ang TV Patrol Weekend ay 0.6% lamang, at ang Frontline Pilipinas Weekend ay 1.1%.
Ang Daig Kayo ng Lola Ko ay 9.5%, at ang sumunod na Pepito Manaloto ay 9.9%. Sumunod ang Magpakailanman na 8.7%.
NOEL FERRER
Kahit noong Linggo, January 26, ay konti rin ang nanood ng TV.
Ang All-Out Sundays ay 3.1%, at ang ASAP Natin ‘To ay 2.5%.
Ang Regal Studio Presents ay 2%, at ang Resibo ay 2.5% lamang.
Pagdating sa primetime, mababa pa rin ang viewership.
Ang 24 Oras Weekend ay 5.9%.
Ang BBL Gang ay 7.3%, at ang sumunod na Tolome, Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis ay 7.8%.
Medyo tumaas lang sa Kapuso Mo, Jessica Soho na 14.5%, at ang The Boobay and Tekla Show ay 3%.