Kim, trending sa Linlang

MANILA, Philippines — Trending ang airing sa free TV ng Linlang noong Lunes ng gabi at umabot sa 367,069 peak concurrent viewers sa Kapamilya Online Live. Nauna na itong napanood sa Prime Video pero 60% pa raw ang nadagdag sa mga eksena sa free TV.

Bongga si Kim Chiu na magaling na magaling na pagkatapos ng COVID at magkaroon ng allergy.

Pero nabanggit ni Kim sa kanyang interview sa TV Patrol na hindi siya naghahanap ng lovelife ngayon.

Sa tanong kung may hinahanap pa ba ang isang Kim dahil meron na nga naman siyang lahat kumbaga sa buhay.  “Hinahanap ko si The One. Charot! Hinahanap ko siya pero ‘wag muna ngayon kasi busy ako. Soon. Siguro mag-merienda muna siya! Hindi naman! Let’s take it day by day and enjoy. Live for the moment and just chill and have fun,” ang sagot ni Kim sa nasabing interview bilang promo ng Linlang.

Susunod na mamapanood si Kim at Paulo Avelino sa local version ng Korean series na What’s Wrong with Secretary Kim.